DURING lunch time ay nakabuntot pa rin si Joon kay Yuno. Kilala n'ya ang sarili na kalmado at friendly pero nacre-creepy-han siya pagdating kay Joon kaya 'di n'ya magawang maging friendly dito.
Akmang sasabihan n'ya itong lubayan siya nang biglang may cute na babaeng umabrisyete dito at tinawag itong "babe". Hindi n'ya inaasahang may kurot na hatid 'yon sa puso n'ya. Ang weird!
"Hi, Yuu! I'm Yana, close na pala kayo nitong boyfriend ko." nakangiting sabi ng babae.
"We're just classmates."
"Of course, we were best of friends." sagot ni Joon, saka siya inakbayan nito. Hindi lang siya ang nagulat, pati na rin si Yana.
"I didn't know about that, babe." naguguluhang sabi nito.
"You didn't ask." sabi naman ni Joon.
Mabilis n'yang tinanggal ang braso ng lalaki sa balikat n'ya. "Siya lang ang nakakaalam na best friends kami." sabi naman n'ya. "I got to go." umalis na agad siya doon, sa kabilang canteen na lang siya kakain dahil baka 'di siya mabusog.
THE MOST awaited piano recital is going to happen. Sobrang excited siya dahil halos dalawang taon din siyang hindi nakakatugtog sa stage and he missed it.
Kabado siya pero mas nananaig ang saya at excitement sa puso n'ya. At natutuwa din siyang makita ang mga freshmen na excited ang mga ito sa recital nila.
Sampu ang magpe-perform at dalawang beses naman siya tutugtog. In-invite din n'ya ang mga magulang para mapanood ang performance n'ya.
Nagsimula na ang programa. Naunang nag-perfrom ang tatlong mga estudyanteng babae bago siya tinawag. Napili n'yang kanta ang 'Ballade pour Adeline ni Richard Clayderman', favorite piece 'yon ng mga magulang n'ya. He started playing the keys with all of his heart and soul.
Kaya naman tuwang-tuwa ang mga ito nang matapos n'yang tugtugin yon kasama na ang iba pang mga audience sa music hall. Nagtayuan pa ang iba at pumalakpak.
Sunod na tumugtog ang batch nina Yana at tatlong kalalakihan bago uli siya. 'Di siya magsasawang tugtugin ang River flows in you. Masigabong palakpakan uli ang natamo n'ya mula sa lahat nang manunood.
Tumayo siya agad saka masayang nag-bow sa harap ng lahat. Pababa na siya sa stage nang makita n'ya si Joon na binigyan ng red roses bouquet si Yana.
Wala naman siyang dapat maramdaman doon dahil magkasintahan naman ang dalawa kung bakit may kurot na naman 'yon sa puso n'ya? Na-dispoint ba siya dahil hindi siya ang binigyan ng bouquet ni Joon?
Sinalubong siya ng mga supporters n'ya inabutan ng mga bulaklak. Halos hindi nya mahawakan sa dami, mabuti na lang at tinulungan siya ng mga facilitators ng event. Nagpasalamat siya sa mga ito at sa mga supporters n'ya saka naglakad palapit sa mga magulang n'ya at yumakap sa mga ito.
Binati siya ng mga ito at masayang-masaya sa naging performance n'ya. Saglit pa silang nag-kuwentuhan bago siya naglakad papunta sa College dean nila para mag-pasalamat sa opportunity na muli siyang makatugtog sa stage.
Nauna nang nagpunta sa parking lot ang mga magulang n'ya. Sumunod naman siya pero bago pa siya makarating doon ay may Joon nang humarang sa daraanan n'ya.
Mabilis siyang inabutan ng isang bouquet ng Hydrangea. He rarely sees this kind of flowers dahil hindi naman madalas itong ibigay sa isang tao, hindi pa n'ya tinatanggap ang bulaklak nang iwan nito sa bisig n'ya.
"Do you know what's the meaning of this flower?" Umiling siya. "It's heartfelt emotions and gratitude." Sagot Nito.
Saglit siyang napaisip, si Yana ay nakatanggap mula dito ng red roses, na ibig sabihin ay love. Teka, bakit ba n'ya kinokompara? Tumango na lang siya at nagpasalamat. "You looked so awesome while playing the piano." dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
TLWS 7: YxY (Finished)
Novela JuvenilWhen a lonely soul named Joon meets a real soul named Yuno and falls in love but will they become soulmates?