CAPITULO 4

2.6K 41 10
                                    

CLAZZO

"Good morning!" Again, it's another day to spend my life studying.

Sumakay ako sa kotse nila Ely, nag aayos pa si Ely ng mukha kaya naman hindi ko na muna iniistorbo, sana naman ay may magandang mangyari sa akin ngayong araw.

"May bagong lipat daw sa neighbourhood natin, kilala mo ba?" Tanong niya habang naglalagay ng mascara sa kaniyang pilik mata.

Sila ata 'yung nakatama sa akin ng bola last time kasi sila 'yung naglilipat din ng gamit.

"Ah, oo... but I don't know them personally." Maikli kong sagot sa kaniya habang may binabasa sa iPad.

"Gwapo ang anak ng mga bagong lipat sa neighbourhood natin, may lahi kasi silang autraliano kaya ayon, mahahalata na may kaya at maganda ang lahi." Bigkas ng driver na nakisali sa usapan namin.

"Talaga po, kuya?" Biglang nagningning ang mata ni Ely nang marinig niyang gwapo ang bago naming kapitbahay.

Natawa ang driver sa naging reaction ni Ely, kumunot naman ang noo ko at pabirong hinila ang may pagka kulot niyang buhok.

"You were dating the Vice president, right?" I rose my brow at her.

She straightened her posture and cleared her throat, naalala na si Kearney.

"We're not dating yet, but we're already talking, but hey! I'm not interested to our new neighbor! Nagulat lang ako." She explained properly as he continued on what she was doing.

"Talaga namang nakaka intriga 'yong bago nating kapitbahay, ang g-gwapo kasi ng mga anak lalo na 'yung bunso!" Tuloy na sabi ng driver nina Ely.

Pang ilan kaya sa magkakapatid 'yung nakatama sa akin ng bola? Middle child siguro 'yon, gano'n kasi umasta ang mga middle child eh... Though, hindi ko nilalahat.

"Copeland daw ang apilyedo nila, mayaman din at doon sa kabilang international school nag aaral ang mga anak." Panyi-nyismis muli ni kuyang driver.

Copeland... Sa apilyedo palang ay halata nang may lahi nga talaga.

Sana ay tumakbo nang mabilis ang oras ngayon, may lakad kasi kami ni Sky, ang sabi niya ay aalis kami ngayong araw pagtapos lang din ng aming mga klase.

Unti unting namuo ang ngiti sa aking mga labi habang iniimagine kung ano ang mangyayari sa date naming dalawa ni Sky mamaya.

Hindi naman masama iniisip ko, in fact, we haven't had our first kiss yet at hindi naman namin minamadali 'yon kasi mga bata palang kami kung tutuusin.

Hanggang holding hands lang kami, kiss sa noo, kiss sa likod ng aking palad, at kiss sa sintido. Hindi naman ako nagrereklamo dahil para sa akin ay sweet na lahat ng iyon.

Iyon palang na makasama siya, magkausap kung ano ang nangyari sa buong araw namin, nagtatawanan, naglalambingan, at pinapakiramdaman ang paligid ay sobra pa sa sobra.

"Nakangiti ka na naman diyan... May date kayo later ni Sky 'no?" Biglang pansin ni Ely sa akin.

Tumango ako nang bahagya at hindi na muli siya pinansin.

Hindi naman siya makakasira ng araw ko, in fact; never pa nasira ng kaibigan ko ang araw ko. Kahit pa sabihin kong madaldal, machismis, at medyo may kakulitan si Ely ay never niya sinira ang araw ko.

Minsan ay napapairap na lang ako sa mga katangahan niya sa buhay pero mas lamang ang pagpapasaya niya sa'kin.

When we arrived at school, she was the first one to get down. Inayos ko pa kasi ang mga gamit ko at kahit taka namang tumingin si Ely ay hindi na siya nagtanong at naghintay na lang.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon