UTS 44

2.9K 46 3
                                    

Chapter 44

Kailanman ay hindi ko na mararamdaman na buo ulit ako. Nang iwan ko si Caden sa New York, iniwan ko na rin ang puso ko sa kanya.

Parusa ba 'to? Ito na ba ang parusa ko sa lahat ng sakit na nadulot ko sa kanya? Kasi kung oo, nagbabayad na ako.

I feel like my world just turned upside down. I don't even know where to find any reasons to smile or be happy. I just wanted to seclude myself in my room and be alone, until I get tired of being like this.

"Salamat Hannah," turan ko sa kanya nang iabot niya sa akin ang susi ng condo. Bumaba ang tingin ko roon. May passcode naman, back up lang itong binigay niya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. "Ayos ka lang ba talaga dito? Kaya mo ba?" nag-aalala niyang tanong, mapakla akong ngumiti sa kanya.

"Sa sitwasyon ko ngayon, wala na ata akong hindi kakayanin." sagot ko. Lalong lumungkot ang itsura niya.

Bago pa ako makarating ng Pilipinas ay sinabihan ko na si Hannah na hanapin ako ng unit. ASAP. Hindi ko kaya bumalik sa bahay at mamuhay ng normal na parang walang nangayri. Lahat sila, alam nila lahat. Pero wala man lang nagsabi sa akin ni isa na walang alam si Caden na muntik ako mamatay at nakidnap ako. At ni isa sa kanila, wala man lang nagsabi sa akin na magaling na pala siya.

Pakiramdam ko trinaydor ako.

Alam kong may mga kasalanan ako, pero hindi ko naman iyon ginawa para sa sarili ko. Pero bakit ako lahat ang sumasalo? Bakit nasa akin lahat ng sisi?

Siguro ay gusto ko na rin talagang mapag-isa. Gusto kong lumayo sa mundo. Ayokong may makakakita sa akin sa ganitong sitwasyon. Dahil kung ako ang tatanungin wala akong balak ayusin ang sarili ko. Pakiramdam ko, humihinga lang ako pero patay na ako sa loob.

"Pwede kitang samahan dito, pero alam ko mas gusto mong mapag-isa. Pero nag-aalala kasi ako sa'yo..." saad pa nito. We're living in the same tower, kahit anong oras pwede niya akong puntahan.

"Ayos lang ako Hannah, ayoko rin na maabala ka may trabaho ka." tanggi ko.

Bumuntong hininga ito at sumandal sa counter, "Hindi ko talaga inasahan na ganito ang mangyayari. Hindi ko rin alam kung sino ang sisisihin."

Tumingin ako sa kanya. "Ako ang may kasalanan Hannah," pag-ako ko. Nanlaki ang mata niya sa akin at umiling-iling.

"Hindi!" umalingawngaw ang boses niya sa buong unit, at dahil wala pang laman ito ay malakas ang echo. Napapikit ako. "Ang ginawa mo lang, pinilit mo si Caden na magpagamot kahit ayaw mo naman talaga na magkalayo ako. Nakidnap ka! Wala siya rito, doon palang unfair na! Tapos ngayon ang galit siya sa'yo dahil akala niya tinakbukan mo talaga siya? Bakit kasi hindi man lang nila sinabi sa kanya?" nanggagalaiti niyang sabi.

I clicked my tongue and shrugged my shoulders. "Baka iniisip lang nila ang kalagayan ni Caden, baka makasama sa kanya."

"Girlfriend ka niya! Karapatan niyang malaman! Ang unfair kasi talaga." pagmamaktol niya, hindi ko masisisi na ganyan ang reaksyon ni Hannah, unfair kasi talaga.

"Singilin mo sila! Sabihin mo sabihin nila kay Caden ang totoo! Tignan natin kung hindi iyon lumipad ng Pilipinas ng wala sa oras at magmakaawa sa'yo!"

Umiling-iling ako sa ideya niya. "Ayoko,"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano'ng ayaw mo? Tignan mo nga sarili mo! Ayaw mo bang maayos ito?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Yumuko ako at bumaba ang tingin ko sa sahig. "N-Nakita ko siya Hannah... masaya na siya. Ayaw ko nang kunin ulit iyon sa kanya. Kapag nalaman niya ang totoo, mababago nanaman ang buhay niya. Ayoko nang masaktan siya ulit dahil sa akin. Ipapaubaya ko na sa kanya ang kasiyahan niya ngayon." Nanghihina kong paliwanag.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon