Chapter 33 " PROXY"

15 3 2
                                    


LIZA'S POV:

" Ano hindi ka manunuod ng laro ng boyfriend mo? bulalas ni Claire ng malaman nyang di ako makakasma sa kanyang manuod ng game ni Reggie.

" Madami kasi akong gagawin besty eh. Saka yung kay Reggie rin . Alam mo naman di ba , ako ang gumagawa ng mga requirements na kailangan nya, paliwanag ko sa kanya.

" Hay, oo nga pala. Teka alam ba nya na di ka makakapunta? tanong ni Claire sa akin habang iniisa isang basahin ang mga folder sa table .

" Oo, nagtatampo nga eh kaso alam naman din nya kung gano ako kabusy. Isa pa kailangan kong magreview kasi malapit na ang exam namin. Kailnagan kong makabawi kasi bumaba ako ng tig 2 points sa mga major subject ko, saad ko pa kay Claire.

"Eh, bakit mo kasi sya kinukonsinte ? Dapat sya yung gumagawa ng mga yan eh. Ayan tuloy doble doble ang ginagawa mo. Tapos magde demand sya ng time hello? Yang boyfriend mo makukutusan ko rin eh, inis na wika ni Claire.

" Hayaan mo na. Sa ganyang bagay lang naman ako bumabawi eh. Kisa naman kulitin nya ko ng ibang bagay di ba? Atleast ito kaya kong ibigay sa kanya, paliwamag ko pa sa kanya.

" Oo nga pero baka naman suma sideline sa iba. Hay malaman ko lang na niloloko ka non sa kabila ng lahat ng paghihirap mo , naku talagang mapuputulan ko yun, hirit ni Claire sabay irap.

" Puputulan talaga? Haha Hindi naman siguro! Well personality na yun ng maga lalake pero sana naman hindi nya gawin, sagot ko na mejo nag aalala.

" Dont worr besty as your proxy for today , ako ang magbabantay sa kanya. At sisiguraduhing kong walang makakalapit sa kanya, sabi ni Claire habang hawak ang dalawang kamay ko.

" Sige. , ikaw na ang bahala ah, nakangiti kong tugon sa kanya.

" Okey , basta kapag may lumandi humanda sa'kin ang anit nya haha, natatawa pa nyang sabi sa akin.

CLAIRE'S POV:

Andito na ako sa venue, agad kong pinuntahan ai Reggie para
i-cheer sya at palakasin ang loob nya. Balita ko kasi ay matindi ang makakalaban nila. kaya kailangan nya talaga ng suporta.

" O pano, goodluck ah. break a leg, pagcheer ko pa sa kanya.

" Thank you! Buti ka pa andito para i- cheer ako. Samantalang yung girlfriend ko mas inuna yung ibang bagay, inis pa nyang hirit .

" Huh, tigilan mo nga yang kadramahan mo . Kung ikaw kaya ang gumagawa ng mga requirements mo sa school, eh di hindi magiging mahirap sa besty ko ang lahat, Wag kang magdemand kasi ikaw rin ang may kasalanan, Paninermon ko pa sa kanya.

" Hay, oo na , dami agad sinabi. bumalik kana nga doon, inis nyang sagot sa akin.

Bumalik na nga ako sa upuan ko. Naging maayos naman ang simula ng laro. Namayagpag ang team nila Reggie. Maganda rin ang performance ni Reggie.

Pero nung last quarter na biglang nabaliktad ang score . Mukhang pinaghandaan sila ng kalaban. Mukhang pinagod muna sila saka itinodo ang pagbabantay.

Nang last 2 minutes na ng game si Reggie na ang may hawak ng bola. Sinubukan nyang tunira ng 3points pero may nagblock ng tira nya. At ang malungkot pa nito ay nakuha pa ng kalaban ang puntos. Muling sinubukan
ni Reggie na makascore pero humigpit ang pagbantay sa kanya.

Sa huli, natapos ang laban na lamang ng 3points ang kalaban. Hindi na kasi umabot ang three points shot ni Reggie kaya ganon na lang ang pangahihinayang nila.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon