CHAPTER 13 ✅

656 19 2
                                    

Chapter 13

DAMINA LOVILY POV:

Maaga akong nagising para maglakad-lakad sa labas ng bahay at para ma-exercise na din para hindi ako mahirapan pag lalabas na si baby.

Hindi pa ako nakakalayo ng mapansin ko ang isang lalaking duguan sa tabi ng Taytay Kids Park .

" Hey Sir? Gising po" mabilis akong lumapit at ginising siya.

Tinapik ko ng mahina ang mukha niya , maya-maya pa ay minulat ng ng kaunti ang mata niya.

" Please help me Miss!" nanghihinang sabi nito sabay ubo sa harap ko.

Tinulungan ko naman siyang makatayo pero dahil malaki siyang tao ay hindi ko magawa.

Pano ba naman sa laki ng katawan , halatang lage sa gym eh sa muscle palang kahit duguan ay hindi mo maiiwasan na titigan ang katawan nito.

Mabuti nalang ay nakahiga ako ng tulong sa isang jeep driver. Tinulungan ako nitong isakay sa sasakyan niya ang lalaking mahimbing na natutulog ngayon .

Nakapatong ang ulo nito sa mga hita ko para kahit papaano ay hindi siya mahulog.

Malapit lang ako public hospital dito sa bayan ng Taytay . Ito ang probinsiya na tinutuluyan naman ngayon ni nanay .

"NURSE PATULONG NAMAN PO! MAY TAMA HO SIYA SA GILID NG TIYAN NIYA" malakas kong sabi dito dahil medyo natulala pa siya ng lalaking nakapikit ngayon.

Nabigla naman iyong ibang kasama niya sa malakas kong boses kaya ibang nurse ang nag-assist sa lalaki.

" IN THE EMERGENCY ROOM NOW!!" nagmamadaling sigaw naman ng nakasalubong naming doctor.

Natigilan din ito ng makita ang lalaking duguan pero agad ding nakabawi at mabilis na pumasok sa emergency room.

" Ah Kuya driver ito po ang bayad ! Salamat po sa pagtulong saamin" sabay harap ko sa kanya at abot ng 200 pesos kong bayad .

" Nako hija wag na bukal sa loob ko ang pagtulong sainyo! Pano ako ay aalis na at mamamasada pa ako. Mag-ingat kayo sa susunod ng asawa ko " natigilan naman ako sa sinabi niya pero dahil pagod din ako sa nangyari ay ngumiti nalang din ako sa kanya.

Asawa ?? tsk hindi ko kailangan ng asawa . Mas okay ng kami lang ni baby dahil kong mapanakit na asawa at ama lang naman salamat nalang.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor na nag-opera.

" Doctor kumusta na po siya?" nagaaalang tanong ko sabay haplos sa tiyan ko dahil medyo sumakit ito.

" Maayos na  ang lagay niya Miss! Mabuti na lamang at nadala agad siya dito sa hospital, maupo kana mona at baka mapano kapa at ang baby mo" sagot nito saakin sabay inalalayan niya akong makaupo .

" Mabuti naman po kong ganun Doc! Medyo sumakit lang ang tiyan ko baka nabigla lang kanina takot ho kase ako sa dugo" mahinang sagot ko sa kanya.

" Gusto mo bang magpatingin sa kaibigan kong Doctor para malaman natin kong maayos lang si baby mo?" nagaalala naman nitong tanong saakin.

" Nako wag na po Doc mawawala din to mamaya" paninigurado kong sagot sa kanya.

" Iyong lalaking dinala mo dito kanina ay anak ko . Kaya gusto ko sanang makabawi sa ginawa mo kanina" mahinang sabi nito sabay tanggal niya ng salamin at palihim na pinunasan ang matang lumuluha.

Nabigla ako sa inamin niya saakin hindi na pala ako mahihirapan na hanapin ang kamag-anak ng lalaking iyon dahil ito na mismo sa harapan ko.

" Talaga po! hindi ko na po pala kailangan hanapin ang magulang niya dahil nandito na kayo, wag na po kayong umiyak baka sabihin ng mga tao dito pinapaiyak ko ang Doctor sa hospital na ito" pagbibiro ko sa kanya para kahit kaunti ay gumaan ang loob niya ngumiti naman ito saakin.

SPARE ME, BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon