Chapter 14 ✅

630 22 0
                                    

Chapter 14

DAMINA LOVILY POV:

Saglit na naging tahimik ang kwarto na para bang mag dumaang anghel .

" Hmm hija gusto ko sanang makabawi sa pagtulong mo sa anak ko at sa nangyari sayo ngayon!" nahihiyang sabi ng asawa ni Doc Marvin.

" Naku Ma'am wag na po kayong mag-abala, hindi na po kailangan" nakangiti kong sagot sa kanya.

Hindi naman pumayag ang Ginang dahil naisip nitong subrang sama nang nagawa niya sa kawawang buntis at gusto niya iyong tulungan kahit sa simpleng paraan lamang na alam niya.

" Tawagin mo na lang akong Tita Marian, kahit hindi ka pumayag ay ipipilit ko talaga hija" medyo tumaas ng kunti ang boses nito.

Kaya agad na lumapit ang asawa niya para pigilan ito pero desidido na ang babae kaya wala ng nagawa si Meralyn kung hindi ang pumayag.

" Pasensiya na Miss sa mommy ko gusto lang talaga niyang makabawi sayo, sana maintindihan mo kung may ayaw ka naman na ginawa niya ay kami na mismo ni daddy ang bahala" mahinang sabi naman sakin ng anak nito.

" Okay po T-tita kong ikakasaya po ninyo!" medyo nahihiya kong sagot sabay tingin sa kanya.

" Pasensiya na talaga hija at salamat dahil pumayag ka sa gusto ng makulit kong asawa" paumanhin na sabi niya saakin ng marinig naman ni Tita Marian ang sinabi niya ay pinalo siya nito sa braso .

Napailing nalang itong tumingin samin ng anak niya sabay niyakap ang asawa niya.

Tuwang tuwa naman si Tita Marian dahil pumayag ako. Humingi naman sakin ng pasensiya ang asawa nito na si Doc Marvin at nagpasalamat na pumayag ako sa gusto ng asawa niya.

Napatingin naman ako ng dahan-dahan na tumayo ang anak nila at lumapit saakin.

" Nga pala Miss hindi pa pala kami nagpapakilala sayo . Ako ang bunso nilang anak Christian Alveros, 25 years old, isa akong Professor sa university dito sa Taytay. At ito naman ang parents ko si Marian at Marvin Alveros" nakangiti niyang pakilala sabay turo sa mga magulang niya at maya-maya ay inangat niya ang kamay para para magpakilala.

" Ako naman si Damina Lovily Flores, 21 palang ako " nahihiyang pakilala ko din sa kanya sabay kuha ng kamay niya.

" Ang bata mo pa pala hija! Nasan ang asawa mo at para malaman niyang nandito kayo sa hospital?" mahinang sabi tanong naman sakin ni Doc Marvin.

" Wala pa ho akong asawa Doc Marvin" tanging sagot ko na lamang napansin ata nilang ayaw kong pag-usapan kaya hindi na sila magtanong pa.

" Sino ang kasama mo hija para ipaalam namin na nandito ka sa hospital?" nakangiti naman tanong ni Tita Marian.

" Si nanay po Tita Marian, pero baka mamaya pa po iyon makakauwi dahil may trabaho pa po iyon " agat na sagot ko naman sa kanya.

" Saan nagtatrabaho ang nanay mo para mapakiusapan namin?" mabilis na tanong naman ni Doc Marvin.

" Sa mansion po ng mga De Menduela malapit po sa simbahan" mahinang sagot ko naman sabay tingin sa bintana.

Ang tadhana nga naman , agad na nagtinginan ang mag-asawa ng marinig ang sinabi ni Meralyn.

" De Menduela ba Damina Lovily? Tama?" paniniguradong tanong naman ni Christian sakin kaya mabilis akong napatingin sa kanya.

" Oo, bagong kasambahay palang si nanay sa mansion na iyon." sagot ko naman sa kanya.

" Hija kapated ko ang nakatira sa bahay na iyon, maaari tayong makiusap na payagan ang nanay mo na mag day off mona para mapuntahan ka dito" masayang sabi naman ni Tita Marian.

" Naku po nakakahiya naman po Tita Marian!" nahihiyang sagot ko naman sa kanya.

Dahil sa nalaman nila ay mabilis na tinawagan ang kapated nito at agad naman itong pumayag nang ipaliwanag nila kong ano ang dahilan.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ay mabilis na pumasok ang nag-aalalang ginang.

" Anak anong nangyayari? Kumusta ang apo ko? Ikaw kumusta?" sunod-sunod na tanong saakin ni nanay.

" Maupo mona kayo nanay, ito oh tubig tumakbo ba kayo pamunya dito?" nagaalala ko naman na tanong .

Tahimik naman na isang tabi ang mag-asawa. Ang kanilang anak na si Christian ay pinagpahinga na mona.

" Ah Misis pasensiya na sa nangyari sa anak niyo. Kasalanan ko po dahil nadala lang ako sa selos at galit ko kanina ay napagkamalan kong kabit ang anak ninyo" mabilis na sabi naman ni Tita Marian kay nanay.

" Sa susunod sana ay wag kang magpadalos-dalos para wala kang madamay na inosenting bata" makahulugang sagot naman ni nanay dito.

Sa huli ay nagkaayos naman dahil maayos na pinaliwanag at hindi na  lamang pinalaki ang nangyari. Sinabi naman ng mag-asawa na sagot nila lahat ng gastos sa hospital ni Damina Lovily.

💕💕💕

Kinabukasan ay maagang nagising si Damina Lovily dahil ngayong araw ay pwede na siyang umuwi.

Nagaayos niya ng higaan ay biglang pumasok ang mag-asawang Alveros.

" Ihahated na kita Damina Lovily at para makipagbonding na din sayo lalo na sa baby angel na yan" mabilis na sabi ni Tita Marian saakin sabay haplos sa tiyan ko.

" Pasensiya na talaga Damina Lovily gusto ka daw kaseng nakasama ng asawa ko. Puro lalaki kase ang anak namin kaya ganyan siya sayo sabik sa anak na babae" pagpapaliwanag naman niya sakin ngumiti nalang ako sa kanya.

Naiintindihan kona kaya pala super clingy ni Tita Marian dahil sa kagustohan niyang magkaroon ng babaeng anak.

Nagpaalam na mona kami sa anak niyang si Christian at umalis na sa hospital hindi na kami nasamahan ni Doc Marvin dahil may pasyente na itong asikasuhin.





Mabilis na lumipas ang buwan hanggang sa ito na ang araw na pinakahihintay ko ang lumabas sa mundo si baby angel ko.

Hindi nawala sa tabi ko ang pamilyang Alveros palage silang nasa bahay namin ni nanay para kumustahan kami lalo na si baby.

Sila na nga halos lahat bumili ng mga kailangan ni baba ko eh wala na akong nagawa dahil nasa mismong bahay na ang mga gamit.


Ipinanganak ko si baby Lovilyn Flores ngayong araw October 15, 2023. Subang tuwa naman nila ng malaman na baby girl ang anak ko.


Isang napakacute na baby girl lahat ng sakit at hirap ko nung labor ay nawala dahil nakita kona ang anak ko.

Si Doc Lorn pala ang nagpa-anak saakin at ang kasama ko sa loob ay si Christian gusto niya daw sumama kaya pumayag na din ako dahil wala akong kasama sa loob.


Wala kase si nanay dahil nasa ibang bansa ang mga amo niya siya ang naiwan sa bahay ng mga ito.



Itutuloy....

SPARE ME, BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon