Nakatitig lang sa monitor ng laptop ang mga mata ni Rebeka. Malalim ang hinuhulog ng kanyang isipan. Wala nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyun. Na hindi siya maaari makalanghap ng bulaklak maliban sa mahal na Reyna at ng Tita Lupe niya ay wala na nakakaalam ng tungkol roon.
Her weakness.
Ngunit nasabi naman nito na instinct lang nito iyun. Coincidence lang ba na malaman nito iyun?
Napabuga ng hininga si Rebeka ng may maalala siya. Kaagad na napalingon siya sa nakasarang pintuan. Naririnig niya ang mga tipa mula sa keyboard ng laptop.
Busy na ito. Marahil nakita naman na nito ang nilagay niya sa ibabaw ng desk nito.
Kaya naman binalik na niya ang atensyon sa trabaho.
Napatigil sa pagtipa si Rebeka ng bumukas ang pintuan at niluwa niyun si Amir.
"Break?"bungad nito sa kanya.
Mabilis na sinulyapan niya ang suot na relong pambisig at makitang lagpas na ang lunch.
"Hindi naman ako...nauuhaw,"tugon niya.
Tumango ito. Tila nagdadalawang-isip pa ito na magsalita.
"Gusto mo ba ikuha kita ng drinks mo?"untag niya rito.
"Kung hindi abala sayo?"
Natigilan saglit si Rebeka. Trabaho naman niya iyun.
Tumayo siya at humakbang siya papasok sa opisina nito na kaagad naman siya binigyan ng daan para tuluyan makapasok sa loob.
Bago siya dumeretso sa kung saan nakaimbak ang mga inumin nito ay nakita niya ang box sa ibabaw ng coffee table nito.
Hindi pa iyun nabubuksan.
Nang maramdaman na nakamasid sa kanya si Amir ay nagpatuloy na siya. Nang makakuha ng isang bote ay pinagsalin niya ito sa isang mataas na baso at nilahad rito.
Nakaupo na ito sa sofa. Nakasandig ang ulo nito sa headrest ng inuupuan nito. Nakatayo naman siya sa gilid nito.
Nagmulat ito ng mga mata ng maramdaman siya.
"Thanks,"usal nito saka kinuha sa kanya ang baso pero nagtagal ang kamay nito sa kamay niya.
Bigla nagbago ang pakiramdam niya.
"N-Nangangawit na ko,"wika niya saka palihim na lumunok dahil pakiramdam niya pinanuyuan siya ng laway.
Napangisi naman ito saka tuluyan ng nakuha sa kanya ang baso.
Napahinga siya ng malalim.
Inisang lagok naman nito ang sinalin niya kaya muli niya sinalinan ang baso nito.
Nasulyapan niya na pangiti-ngiti naman ito habang pinapanuod siya sa pagsasalin ng inumin sa baso.
Tinaasan niya ito ng isang kilay ng magtama ang mga mata nila. Mahinang tawa ang tinugon nito bago tinanggap ang baso mula sa kanya.
Pinatong niya ang bote na wala ng laman sa coffee table.
Natuon ang mga mata niya sa box.
"Thank you for that,"untag sa kanya ni Amir.
Tumango siya.
"Bakit mo nga pala ako binigyan niyan?"
Kaagad nakaramdam ng hiya si Rebeka. Ayaw na sana niya maalala ang pagpunta niya sa bahay nito.
"Rebeka,"tawag nito sa kanya.
Natigilan siya ng maramdaman ang kamay nito sa kamay niya. Nakatingala sa kanya si Amir.
BINABASA MO ANG
Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAngge
VampireNagkakilala sina Amir at Rebeka sa WOMANLAND,kung saan isang prinsesa si Rebeka at isa naman ordinaryong bampira si Amir,ang apo ng mangkukulam na si Lupe. Matapos ang kaguluhan at kasamaan ng nakakatandang kapatid ay nakapiling na din ni Rebeka a...