Prologue

18 0 0
                                    

People always tell me that love exists. They make ways for me to believe that it really is nice to fall in love and to be loved. The times where you and another person would go to a place and hangout together, yung mga times na nagsasabihan kayo ng "I love you", yung mga times na hinahatid-sundo ka niya sa bahay niyo, the times wherein you would share to someone kung ano nga ba yung mga plano mo sa buhay, yung mga times na kinikilig ka dahil lang sa pagtawag niya sa'yo in the middle of the night, the times when you have someone to talk to wherever you go, and whatever you do.


For me, these are all bullsh**


I don't believe it. I am not a fan of love stories, and I don't believe in love. I know that infatuation is real, but love isn't. And we all know that when infatuation comes along, hindi ito tatagal. Maybe 3-5 months of being together would do. And after that, you are back to pagiging "single" again.


I hate men. I know that they are all the same. Puro sila manloloko, and I hate the feeling of being jerked. How do I know? Well, syempre I have my guy friends, and I also have my girl friends and as far as I am concerned, kung hindi sila heart broken, sila yung heartbreaker.


I disgust the feeling of being in a relationship, kahit never pa akong nagkaboyfriend. I just know, and I can feel it. Sabihin mo na sakin na napakabitter ko, pero that really is my perception in life...


Everything that falls, gets broken. Everything that sweetens, gets played. Ganun lang naman kasimple yun eh. Why bother expect me to believe sa isang bagay na kahit kailan, hindi na-achieve ng mga tao sa paligid ko? Why?


They tell me forever is real? Hell no. IT IS NOT.

IT IS NOT TRUE.


And I am not gonna make myself look like a fool na naghahabol sa isang bagay na hindi naman nag-eexist.


Good thing I have my friends. Friends na makapagpapatunay na masaya ang buhay; friends na makapagpapatunay na meron kang kasama na tumatakbo at nakikipaglaban sa mga problema; friends that would make me believe that love and forever exists.


Ganun nalang yata talaga yun no. Friendship never dies eh. Yun nalang talaga panghahawakan ko. Atleast, mahal ako ng mga kaibigan ko. Wala mang 'romantic love' ika nga, atleast, meron akong mga kaibigan na handang resbakan ang kahit ano o kahit sinong taong mananakit sakin.


Masaya na ako dun.


Masayang-masaya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Ako nga pala si Rain Elizabeth Castro. 16 years old. 4th year high school na ako this incoming school year. Isa akong proud na social media addict. Kapag bored ako, selfie lang katapat ko and I'm done. Mahiyain akong tao sa umpisa, but when you get to know me more, ay nako mabibingi ka sa kadaldalan ko. I swear.


Maraming taong nagsasabi na maganda daw ako. (Uy hindi ako nagyayabang ha. Nagsasabi lang ako ng totoo). Pero hindi ko naman ginagamit yung mukha ko para magpa-impress ng maraming tao. Simple lang akong babae. Okay na ako sa pagsusuot ng black shirt, jeans at rubber shoes.


Sobra ang hilig ko sa music. Nung elementary palang ako, ang hilig hilig kong sumali sa mga singing contests. Minsan panalo, minsan talo. Pero ang importante, ineenjoy ko ang pagkanta.


Gusto niyo bang malaman ugali ko?


Well, isa lang naman akong prangkang babae. Hindi ako plastik. Never ever. Hindi naman ako loser sa klase, at hindi rin Ms. Popular, kaya hindi naman gaano binibigyan ng attention. Hindi kasi ako katulad ng mga babaeng nababasa ko sa mga libro at napapanood ko sa tv na laging binubully, o kaya laging nambubully. Ewan ko ba kung bakit ganun, kung bakit ang daming nabubully. Ganun na ba talaga kasama ang mundo?


Hay nako. Ang dami ko nanamang nasabi. Ineenjoy ko nalang kasi yung mga natitirang araw ko before magstart ang classes, dahil panigurado, ippressure nanaman ako ng mga magulang ko sa pagiging honor student. First honor kasi yung younger sister ko, kaya gusto kong may mapatunayan din bilang panganay. Alam niyo na.


Osha, tinatawagan na ako ng mga kaibigan ko. Ililibre kasi nila ako sa sinehan eh. Showing na kasi ngayon yung movie ng pinapantasya kong si Zac Efron. Grabe, excited na excited na ako!



Friendzone MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon