THIRD PERSON'S POV:" What do you mean by that ate , ako pa yung mali? mataas na tonong sabi ni Liza sa ate Cecille nya na nasa kabilang linya ng telepono.
" That's not what I meant. All I'm saying is that these things are normal nowadays, especially...naputol pa nyang sabi dahil sumabat na si Liza.
" What? Sex ? Is that what you mean? muling pagtataas nito ng boses. " So dahil yun ang uso, dapat makipagsabayan ako ganon? Huh! Ate naman, akala ko ba sabi mo wag akong gagaya sa inyo "
" Yes, kasi naging careless kami noon. But now, ang dami ng way to do it na walang hassle. Basta may protection, go lang! Hey, look hindi dahil sa yun ang uso, all I'm saying is, parte na yun ng relasyon ngayon. If mahal mo gagawin at ibiigay mo ang lahat para wala kang pagsisihan, paliwanag ni Cecille sa kapatid.
" Yeah , right ! Ibibigay
at gagawin mo ang lahat .
At kapag na ubos kana nila , aabusuhin kana nila ganon,
pasaring pang tugon nito sa kanya." Hindi ako ang topic okey! Kung ayaw mong makinig, do what ever you want ! Pero tandaan mo to, di na uso ang Maria Clara ngayon, kung di ka makikisabay sa daloy ng panahon, magiging kawawa ka, giit pa ni Cecille.
" Bakit yan na ba talaga ang sukatan ng halaga mo bilang babae ngayon? Kapag di mo binigay ang lahat. Hindi kana magiging sapat sa kanila. Hindi ba pwedeng magtira ka para sa sarili mo? Hindi ba pwedeng irespeto nila ang kagustuhan mo? medyo emosyonal ng pahayag ni Liza.
Pakiramdam nya kasi ay hindi sya naiintindihan ng ate nya na pinakamalapit sa kanya.
Totoong hindi sya lumaki sa pamilyang konserbatibo. Napaka straightforward nila sa anumang gusto nilang sabihin. Pero para kay Liza, liberated man ang isip nya sa mga bagay pero pagdating sa pakikipagrelasyon, nananatili syang conservative at maingat talaga.
" Sad to say, yun ang realidad. Kung di ka susunod, maiiwan ka lang mag isa. Kung talagang mahal mo si Reggie ,hinddi ka magdadalawang isip na ipagka- tiwala ang sarili mo sa kanya. O, pa'no bye bye na. Andito na ang anak ko, take care okay! wika ni Cecille bago tuluyang nagpaalam sa kabilang linya.
Nakaramdam ng lungkot si Liza sa mga sinabi ng ate nya. " Ganon na lang ba talaga yun ? nasabi nya sa isip nya.
Nagdesisyon na si Liza na bumaba para mag aral sa study room nila. Pababa na sya ng hagdan ng may marinig syang pamilyar na boses. Kausap ito ng kanyang mga magulang. Agad nyang binilisan ang lakad nya at n tama nga ang hinala nyang si Reggie iyon.
" Mabuti naman at nakabisita ka ulit , matagal tagal na rin nung huli ka naming nakita, wika pa ni Manuel.
" Pasensya na po tito naging sobrang busy lang po talaga, tugon ni Reggie sa kanya.
" Ah , mukha nga , kaya pala yung anak ko yung gumagawa ng iba mong requirements sa school, mahinang sabi ni Mila.
" Ah , ano po yung tita ? tugon ni Reggie na tila di narinig ang sinabi ni Mila.
Agad naman tiningnan ni Manuel si Mila . Habang si Mila naman ay tiningnan lang din ang asawa saka nagsalita.
" I mean kaya pala busy rin ang anak ko, pagpapalusot nya.
Napangiti na lng si Manuel saka tumingin sa may hagdanan.
" O anak anjan ka na pala, kanina pa si Reggie dito, mag rereview daw kayo kasi malapit na ang exam nyo, pagbati ni Manuel sa anak.
Bumaba na ng tuluyan si Liza at lumapit sa kanila sabay yingin kay Reggie .
" Pasensya na po , nakalimutan kong sabihin, matipid lang na sabi ni Liza.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
Fiksi PenggemarThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...