Chapter 1

8 0 0
                                    

  Getting to know you

Naalimpungatan ako sa ingay na nang gagaling sa gilid ng aking kama, mahapdi pa ang mata ko at antok pa pero pinilit ko padin ito buksan.

Pag tingin konga ay alarm clock ko pala na kanina pa tunog ng tunog. Hindi na bago sa akin ang araw na ito, pagkakagising ay liligpitin ang hinigaan, bababa sa salas para mag linis at kumain ng umagahan. Hindi kami mayaman pero hindi din kami mahirap. Sakto lang ang kinikita ng papa ko para buhayin kaming tatlong magkakapatid.

Pangalwa ako sa panganay at senior high school na ako ngayon. Ang ate ko naman ay nasa 4th year college at ang bunso ay junior high school grade 8. Ako lang ang lalaki samin kaya madalas ako ma left out dahil hindi naman kami close ng papa ko. Ganon din kay mama, sa mga kapatid naman ay wala din ka close dahil parehas silang babae.

Paulit ulit lang ang ginagawa ko kada gigising, tanging nag mo motivate nalang sa akin para ipag patuloy ko itong buhay na binigay sakin ay ang maka alis sa bahay nato at magkaroon ng sariling bahay. Pagkatapos ng almusal ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. First day of school ngayon pero hindi ako excited, it's like a normal school days kapag wala kang kaibigan ni isa.

Hindi naman ako weirdo, hindi din ako nerd pero ewan ko ba bakit wala akong kaibigan, baka sadyang ayaw lang talaga sa akin ng mga tao. O ako ang may ayaw sa kanila? Hindi ako pangit. May itsura ako matagal ko nayang natatanggap simula pag kabata, hindi naman ako insecure sa itsura ko pero kung may isang bagay man na ikaka insecure ko ay yun ang pagkakaroon ng confidence.

Isa din kasi ito sa dahilan bakit wala akong kaibigan, natatakot ako mag approach sa mga tao.

Naka tatak na sa utak ko ang salitang "People come and go" alam kong may kadugsong yan, "but right ones will stay" it's stupid. I mean how can you know if that person is the right one, isn't staying a choice?

Pagkatapos ko magbihis ay nag abang nadin ka agad ako ng jeep, hindi pa ako naka uniform dahil welcoming event lang naman ngayon sa school. Naka polo white lang ako at black cargo pants.

Pagkadating konga sa school ay andami ka agad tao, magsisimula nadin ang event kaya sakto lang ang dating ko, freshmen ako, grade 11 student pero hindi mo aakalain dahil matangkad ako, 16 lang ako pero 5'8 na agad ang height ko.

"Good morning Students! It's good to see you here today, our welcome ceremony is about to start please be sitted, I repeat our welcome ceremony is about to start, please stay still and be sitted."

Paupo na sana ako ng bigla uli nag salita ang announcer.

"As for freshmen Grade 11 students please go to your own perspectives rooms, the sections are now posted in our group page. Thankyou"

Dali dali naman agad akong tumayo at tiningnan ang post nila sa group page, kaka post lang neto, STEM ang strand na pinili ko dahil balak ko mag architecture sa college. Isa sa mga talent ko ang pag d drawing.

Room 214 dash - 01 ang section ko, umakyat ako sa second floor dahil nandito ata ang 214, pag tingin ko naman sa kaliwa ay nakita kona ang number na nakasulat sa taas.

Una kong nadaanan na room ay 212 sumunod ay 213 at 214 naman kung saan ang aking room, may isa pang room sa dulo pero hindi kona tingnan, wala naman ako kakilala at nakakahiya kung titingin ako gayong hindi naman ako naka assign sa room na iyon.

Pagkapasok ko sa room ay madami na agad tao, wala ako kakilala kahit isa kaya sa unahan nalang ako umupo malapit sa pintuan. Isa isahan nag sisidatingan ang mga estudyante at isa isa nading napupuno ang mga bangkuan. First day of school palang pero maingay na agad.

To Be In Your Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon