Chapter 2

13 0 0
                                    

  Friends?

Nagising ako sa isang malakas na kalampag, agad naman akong napatayo at bumangon. Pag check ko sa oras ay 6:15 palang kaya namam bumaba ako para i check kung ano ang kumalampag.

"Andamot mo! para yan lang tas hindi ka mamimigay. Kaya kodin bumili niyan!" pasigaw na sabi ng aking nakakabatang kapatid.

"Kaya mo pala bumili! edi bumili ka hindi yung kumukuha ka ng walang pa alam!" galit na sabi ng aking ate.

Nag aaway na naman sila, pero kinabukasan ay bati nadin naman agad.

"Bakit ha, nakita mo ba mismo na ako yung kumuha! o bakit andito din naman si kuya ah!" sabay tingin neto sa akin dahilan para tumingin din si ate sa akin.

"Oh sandali bakit ako nadamay dito? Kanina pako tulog dito pagkakadating ko kaya imposibleng ako kumuha niyan. Ate, hindi din ako mahilig sa sweets."

Sabay taas ng aking kamay. Tumango naman si ate at huminahon na. Habang ang bunso kong kapatid ay panay padin ang talak.

"Kumain kana, kakaluto kolang. Ako nag luto dahil nasa church pa sila mama"

Tinanguan ko nalang si ate, at nagsandok ng pagkain. Hindi kami madalas nag uusap dahil busy siya palagi sa schools dahil sa thesis defense nila, pag tapos nga non ay mag ojt na daw siya.

Religious din pala ang parents ko, ako nga lang ata ang hindi palasimba sa amin, pero nag sisimba naman ako kapag sinasama ako nila mama.

"Kuya aminin mo na! Ikaw kumuha nung sweets ni ate! Look ayaw niya na ako bigyan ngayon gawa mo!"

Sigaw ng bunso kong kapatid sa akin, sanay na ako sa ugali niya dahil saming tatlong mag kakapatid siya ang pinaka spoiled. Sumunod ay si ate.

"Hoy ysa! tigilan mo nanga yang kuya mo, bago pa kita isumbong kila mama! kala mo hindi ko alam na may boyfriend kana daw sa school nyo?"

"Boyfriend? aren't you 13?" Kunot noong tanong ko. Masyado pang bata ang kapatid ko para sa mga ganyang bagay, at kahit hindi kami close ay protective ako sa kanya.

Kitang kita naman ang pamumula ng pisngi ng aking kapatid.

"Mag 14 na ako kaya pwede na!" sabay irap sa amin

Bigla naman bumukas ang pintuan. Sila mama at papa nakauwi na pala, biglang sumama ang timpla ko. Mostly kasi kapag ganito, ako lagi ang pag bubuntungan ng mga kamalasang nangyari sa kanila buong mag hapon. Dagdag pa ang sulsol ng nakakabata kong kapatid.

"Oh shin, nag luto ka naba? late kami naka uwi kaya dapat nakapag luto at nag saing kana"

Hindi na ako maninibago na ganyan ang bungad sa akin imbis na pagtatanong kung okay lang ba ako at ano nangyari sa first day of school ko.

"I already did it ma"  sabi ni ate sabay balik ulit ang tingin sa kanyang laptop.

Kitang kita ko naman ang pagkunot ng noo ng aking papa.

"What, you did it? aren't you busy? At anong ginagawa mo shin? hindi ba dapat ikaw ang gagawa ng gawaing bahay na yan?"  Sabi ni papa ng may bahid ng inis.

"Papa kuya shin is sleeping all day. Kinuha pa ang sweets ni ate ng walang pa alam and now ako pinag bibintangan ni ate!"  Sabay takbo neto kay papa habang nag pupunas ng luha.

"Is that true? What are you a kid!? Hindi kana bata grow up!"

Hindi na ako sumagot. What's the point of explaining my side kung palagi naman akong mali sa kanila.

"Tama na yan, Ikaw naman shin you know na busy ate mo sana nag set ka ng alarm para magising ka and magawa mo yung house chores. And really? kinuha mo pa ang sweets at ibibintang kay ysa?"

To Be In Your Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon