8:30pm.
Sa harap ng main house."Pa'no, mga anak? Good night na muna. Maiwan muna namin kayo dito."
Isa-isa nang namaalam kila Cathy at Xander ang mga kapamilyang nagsilabasan sa kahoy na pinto. Nangunguna na roon ang ina nilang si Charito na mabilis namang sinundan ni Carmella. Aalis muna raw ang mga ito't dadaan sa barrio. Ilang araw narin kasing hindi nakakauwi ang mga ito kaya't nais na muna sanang dalawin ng mag-ina ang bahay.
"Good night po, 'Nay. Ate Carmi... babalik pa ba kayo bukas? O kami na bibisita sa inyo?" Tanong naman ni Cathy sa pares.
Pero bago pa makapagsalita ang kahit sino'y nadagdagan agad ang pagdating ng mga tao sa entrada. Kasama na roon ang mag-asawang Candy at Andrew na akay-akay ang mga chikiting at karga pa ang lahat ng gamit.
"Kami din aalis muna, ba-bye," paalam na ng ate sa kanila.
"Bye, bunso! Bye, utoy!" Dagdag pa ni Andrew.
Makakabuwelo na sana ng imik si Cathy ngunit bigla namang nagpakita sa pintuan sina Madam Ramona, Paolo, Yaya Nita na tulak-tulak ang stroller ni Zia, at pati si Zion na noo'y nakabihis lamang ng pambahay.
"Uhm... okay, where are you going?"
Si Xander na ang unang nanguwestiyon. Maigi nga iyon at bigla kasi siyang natameme.
"E-exit muna ang mga panggulo, yahoo!" Maliksi namang sagot ni Paolo bago tumulong kay Andrew na magkarga ng mga maleta.
"Wait... but... why are you taking the kids?" Palinga-lingang tanong ng esposo habang nakapamaywang na.
Pati nga siya'y hindi rin maintindihan ang nangyayari. Bakit sabay-sabay ang mga itong naglalayasan? Wala naman silang naging paguusap tungkol dito.
"Oo nga po... saan po pupunta ang mga bata? Gabi na po eh..."
"Don't worry, mga apo," kampante namang sagot ni Madam Ramona. "Dadalhin muna namin sila sa resthouse. Mas malaki ang space do'n kaya tamang-tama sa mga bata. Doon muna kami lahat matutulog para hindi na kayo maistorbo dito."
"Po? .... Iiwan niyo po kami?"
"You're leaving us?"Sabay pa sila ni Xander ng reaksyon sa inilihim na balak ng mga kamaganak.
"Pero... wala po kaming kasama..."
"And why would you plan and not tell us?"
Inangat tuloy ni Madam Ramona ang hintuturo at pinatigil ang koro nilang pagaalala. Matapos ay tumapik itong marahan sa balikat ng apong lalaki at seryosong nagsalita.
"We want you to be alone. This is our gift to you. Newly weds should be able to spend quality time together, it's tradition. Forget about the rest for now, mis amores... you have nothing to worry about."
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...