CLAZZO
"Kamusta kayo ni Sky, apo?" Nasa hapag kainan kami nang tanungin ako ni Lola no'n.
Ilang buwan na kasi ang lumipas at sobrang dami agad ang nangyari, nariyan ang panlalamig ko kay Sky, ang madagdagan kami ni Ely ng kaibigan, at ang paghahanda ko para sa pagmana ng company nina Mommy.
Ilang buwan na lang din ay gagraduate na ako but until now ay wala pa rin akong naiisip na kukuhaning college program.
"O-Okay lang po." Pagsisinungaling ko.
Hindi naman talaga kami okay, pagtapos ng ginawa niya sa akin ay hindi ko na magawang tumingin sa kaniya nang walang pandidiri and he still acts like we're okay, like he's still the saint I've known.
May mga araw na hindi ko na talaga kinakayang kitain siya, hinihintay ko lang na siya na mismo ang magsawa at makipag hiwalay.
Tanga, hindi ba?
Oo, tanga ako. Sobrang tanga, pero anong magagawa ko? Mahina ako at duwag, hindi ako katulad ng ibang babae na kayang tumayo para kumalaban ng iba, ako 'yung tipong babae na tatakbo lang sa isang gyera kahit sugatan.
Kahit nga siguro kapag nasagasaan ako ay ako pa ang magsosorry, ako pa ang mahihiya, hindi ko alam... Kahit ako ay ayaw sa ganito. Ayaw sa ganitong side ko na sobrang hina.
"Lola," tawag ko kay lola habang kumakain kami nang sabay.
"Yes, apo?"
"Paano po kung makipag break na sa akin si Sky?" Tanong ko sa kaniya na nagpahinto sa kaniya.
"Bakit? Aminin mo nga sa'kin, Tifanie, may problema ba kayong dalawa ni Kalangitan?" Biglang sumeryoso ang tono ng lola ko.
Umayos ako ng upo at saka siya sinagot, "Wala po lola, sadyang hindi po natin maiwasan ang paghihiwalay."
"Well, kung diyan talaga ang wakas niyo ay wala akong magagawa, basta okay ka, okay din ako." Napangiti ako sa sinabi niya.
Paniguradong mag aalala talaga si lola once na malaman niyang naghiwalay na kami pero mas mananaig ang pagmamahal niya sa'kin.
"Malapit na ang birthday mo, hindi lang 'yon basta birthday kasi debut mo 'yon, once na nag eighteen ka na malilipat na sa'yo ang pangalan ng kumpanya."
Oo nga pala... 'yon na lang din ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy, ang naiwang company ng matagal kong yumaong parents.
"Lola, gusto ko po sanang simpleng celebration lang with you and friends, dalawa lang naman po ang kaibigan ko, kahit dito na lang po tayo sa bahay mag celebrate." Bigkas ko sa kaniya.
Paano magdedebut eh wala akong ibang kaibigan bukod kay Rhyle at Ely, naging kaibigan na rin kasi namin si Rhyle after noong incident.
Wala rin namang dahilan para icelebrate ang panibagong taon sa buhay ko, in fact, ayaw ko na ngang madagdagan pa 'yon.
"Kung ano ang gusto ng pinakamamahal kong apo," ngumiti sa akin si lola, tumayo ako at saka siya hinalikan sa noo.
"Lola naman nambola pa, ako lang naman apo mo, eh!" Pareho kaming natawa sa sinabi ko.
Bumalik ako sa pagkain para matapos na, wala naman kaming pasok ngayong araw dahil holiday, manonood lang siguro ako sa kwarto ko o bibisita kay Ely dito lang din sa loob ng village.
Nang matapos kumain ay ako na ang nagpresintang mag hugas ng mga ginamit na utensils and dishes, wala rin kasi ang katulong namin kaya kaming dalawa lang ni lola.
Pinaakyat ko na si lola at saka ako na ang naglinis ng kusina, nilinis ko ang lamesa at saka hinugasan na agad ang plato.
When I finished, umakyat ako para maligo, doon na lang muna ako kina Ely para naman hindi ako mabore rito sa bahay.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
Storie d'amoreIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...