Nandito ako sa Kumon center at gumagawa ako ng worksheets na naka-assign sa akin...
*Yung kumon po is a learning method para maadvance ang isang individual sa mga lesons niya sa school, math and english yung subjects na tinuturo nila...
Hindi naman ako ganun kagrade conscious pero napasabak ako dito dahil sa hinayupak kong teacher nung first year high school pa ako.
Tahimik ang lugar pero imbis na sa worksheet ako magfocus lumipad ang magaling kong utak sa kanya...
sa crush ko nung elementary ako more exactly nung grade 2 pa lang ako...
sa totoo lang na kahit na 3rd year high school na ako umaasa pa rin ako sa kanya eh
isang araw ko lang naman siyang naging crush nung grade 2 pa lang ako... nung grade 5 kami nagkaroon ng bali-balita na may crush siya sa mga kaklase namin at nung grade 6 naman kami M.U. na sila... hindi naman ako nasaktan
pero ang kataka-taka umaasa pa rin ako na mapansin niya ako... tsaka galit na galit ako sa kaklase kong naka-M.U. niya nung elem. pa lang kami kasi nagkaroon siya ng bagong ka-M.U.
tinanong siya nung kaklase ko kung bakit hindi niya na daw crush yung crush ko nung elem ako ang sabi niya daw kasi hindi niya na daw nakikita! gandang rason nun ah
pero ngayon napag-isip isip ko na wala na sigurong chance na mapansin niya ako... kasi syempre tatlong taon na rin ang nakalipas at hindi maiiwasang magbago siya
baka nga may bago na siyang crush sa school na nilipatan niya... tsaka sana kung naging crush niya ako nung elem (mangarap na lang ako oh?) sana sinabi niya man lang tsaka hindi ba nagkaroon siya ng ka-M.U. nung umalis siya ng school namin? ibig sabihin kung naging crush man lang niya ako eh napalitan ako...
siguro nga dapat magmove on na rin ako, ni hindi man nga lang kami nag-uusap eh... mukhang ewan lang ako ditong naghihintay sa kanya eh wala naman akong hihintayin... saklap noh?
Pag may sign akong natanggap sige go ako sa paghihintay sa kanya kaso nga lang ano ba magandang sign? hmmm... alam ko na! may mababasa o maririning akong mga salitang 'wag susuko' or 'hintayin mo lang ako'
"Rhea, magsagot ka na diyan ng worksheet mo. 'Wag ka ng tumunganga" sabi sa akin ng teacher ko
"Ay! Opo, sige Ma'am"
pagkatapos kong magsagot pinacheck ko na sa teacher ko tapos nagpaalam na akong uuwi...
binigay niya sa akin yung blue book tapos nirecord ko na...
pagkatapos kong irecord pumunta na ako sa desk niya hinihintay kong matapos siyang mag-assign ng worksheets sa isa kong kaklase...
then naisip ko, iwan ko na lang yung blue book sa desk niya tapos lilinisin ko muna yung table ko...yah know, yung mga erasures ko...
iniwan ko muna yung blue book tapos kinuha ko na yung mini walis tapos nilinis ko na yung table ko...
pagharap ko nakita ko siya... yung crush ko nung elem ako
nakaharap siya sa teacher niya...alam ko kasi yung likod ng buhok niya eh
kaya pala kanina parang may hangin tapos napaisip ako na linisin muna yung table ko kasi nandun siya...
malapit lang kasi yung desk ng teacher ko sa desk nung teacher niya kaya malapit siya sa akin pero nakatalikod ako sa teacher niya kaya hindi ko siya nakita kanina
pagkatapos kong linisin yung table ko nag-assign na ako ng worksheets para sa susunod na week...Wednesday-Friday kasi ang schedule ko siya naman Tuesday-Thursday... minsan nga iniisip ko na pumapasok siya ng Wednesday-Friday para lang makita ako (kapal much?) kaya nga nadadagdagan yung kamartyran at katangahan ko eh
umalis na ako ng center ng hindi siya pinapansin, hindi rin naman niya ako pinapansin eh...
nasaan na ang sign? wala
Siguro nga its time to move on...
Punta muna ako sa Puregold... malapit lang naman si Kumon Center yun para bumili ng Zagu
Nasa may parking lot ako nang may marinig akong kanta...
Don't give up on us baby, don't make the wrong seem right
The future isn't just for the night, it's written in the moonlight
And painted on the stars, we can't change us.....
Heto na ba yung sign na hinihinggi ko? Napayuko naman ako
tapos bigla na lang umulan...
napatawa na lang ako... naghanap ako ng sign nakakita naman ako ng sign, tinanong ko kung yun na ba yung sign sinagot naman ako sa pamamagitan ng ulan
hahaha, hindi ko alam kung bakit ang saya ko ngayon...
Don't give up on us baby, we're still worth one more try
I know we put the last one by, just for the rainy evening
When maybe stars are few, don't give up on us I know
We can still come through
tapos napatingala na lang ako ng mapansin kong hindi na ako nababasa
"Rhea bakit ka nagpapaulan?" tanong sa akin ng crush ko nung elem ako
Hindi ko alam kung crush ba talaga 'toh... mamaya LOVE pala ang tawag sa nararamdaman ko
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Al's note: Wala lang... wala akong magawa eh. Wala ako sa mood para gumawa ng update sa iba kong stories... pagtyagaan muna 'toh ^___^
BINABASA MO ANG
One shot: Is this a sign?
Teen FictionHintay na lang ako ng hintay... may hihintayin pa ba? I need a sign...