Episode 4: Magulong Sitwasyon

215 21 0
                                    

ROBERT POV

Inalis ko ang pagkakahaplos ng kanyang kamay sa aking pisngi, "nasaan na yung kontrata? Tangina naman! Ginagago mo yata ako! Una, hindi ko maunawaan yung nakalagay dito, tapos sinunog mo pa! Dinadaya mo ko! Ikaw pa ang nagdesisyon para sa akin!" ang singhal ko sa kanya.

"Nagdesisyon ako para sa iyo dahil wala kang choice! Ino-offer ko na nga yung best option mo diba? Ngayon ka pa ba magiging tatanga-tanga? Saka yung mga katulad mong maliliit ang titi ay walang karapatang magreklamo," ang sagot niya sabay pitik sa aking ilong.

Nanahimik lang ako at hindi ko na siya kinibo, nangako ako sa aking sarili na hindi ko kikilalanin yung kontrata niya at bukas na bukas paglabas ng araw ay tatakas ako sa kanya. Wala rin namang sense na makipagtalo talo mukha may depekto sa utak ang isang ito kaya't walang patutunguhan ang lahat. At isa pa ay masyadong mahaba itong gabi dahil katawan ko na mismo ang sumusuko.

KINABUKASAN.

Noong mapansin ko na maliwanag na sa labas at ang araw ay sumikat na, agad akong bumangon sa aking higaan at mabilis na hinablot ang makapal na kurtina sa loob ng silid dahilan para masira ito at bumagsak sa sahig.

Pumasok ang maliwanag na sikat ng araw aming kinalalagyan at tumama ito sa binatang bampirang nakaupo sa sofa at nakapikit na parang natutulog.

Naghintay ako ng ilang sandali bago siya masunog at maging abo. Ngunit tila yata walang epekto dahil walang nangyayari sa kanyang katawan kahit direktang tumatama dito ang liwanag ng araw. "Bakit hindi ka nasusunog? Hindi ba dapat nagiging abo ka na ngayon?" tanong ko sa kanya.

"At talagang iyan ang balak mo? Ang katulad ko ay nagmula sa isang royal bloodline ng mga ancient vampire na naka-conquer ng sikat ng araw libong taon na ang nakalilipas. Kaya nagkaroon ng immunity ang aming katawan dito. In short, hindi ako masusunog kahit ibilad mo pa ako ng matagal sa labas. Iyan ang lamang ko sa ibang ordinaryong bampira. Masakit lang ito sa mata kaya't hindi ako makadilat ng maayos kaya pwede ba ibalik mo na yung kurtina," ang utos nito sa akin.

"Ayokong ibalik, aalis na ako ginoong mandaraya!" ang sagot ko sa kanya.

"Master, iyan ang itawag mo sa akin," ang sagot nito.

"Master? Patawa ka? Ayoko nga, dinaya mo ako at ikaw ang nadesisyon ng lahat ng ito," ang sagot ko sabay lakad palabas ng silid.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay sumulpot na siya sa aking harapan at hinawakan ako sa balikat. "Roberto, hindi ka aalis at hindi mo matatakasan ang kontratang nilagdaan mo gamit ang iyong dugo. Nakasaad doon na pag aari kita at susunod ka sa lahat ng mga sasabihin at iuutos ko," ang wika nito.

"Paano kung ayoko? Hindi ako magiging familiar mo at lalong ayokong sumunod sayo. Teka nga, dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil dugo ko ang bumuhay ulit sayo."

"Oh edi thank you, magpasalamat ka rin sa akin dahil isinalba kita doon sa mga kalahi ko na pumapatay sa iyo. Kung hindi ko ginawa iyon sa palagay mo ba ay buhay ka pa ngayon? Baka uod na ang nakikinabang sa iyo Roberrrtoo."

"Bakit ganon? Bakit kapag ikaw ang tumatawag ng pangalan ko ay napakabahong pakinggan? Tungkol sa sinabi mo quits lang naman pala tayo. Kaya hayaan mo na akong umalis at bumalik sa normal kong buhay," ang sagot ko naman.

"Katulad ng sinasabi ko sa iyo ay hindi ka na makakabalik sa normal mong buhay. Simula kagabi ay nagbago na ang lahat at hindi mo na ito mapipigilan pa. At uulitin kong sabihin sa iyo na kailangan mo ako para mabuhay ka," tugon niya sabay hagis ng damit sa akin. Isang lumang itim na pantalon at isang long sleeves na ghotic style. May rapols pa ito sa leeg at amoy binulok sa taguan. "Isuot mo iyan, kagabi ka pa naka hubad."

The Vampire's Familiar Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon