ROBERT POV
"Mayroon bang gustong sumunod?" tanong ni Alejandro habang hawak ang tumitibok na puso ng kanyang biktima.
"Lord Alejandro, isang malaking kasalanan ang ginawa mong pagpatay sa kanya! Malalaman ito ng vampiric council at muli kang hahatulan ng kaparusahan," ang wika nila.
Natawa si Alejandro, "ang aking ginawa ay malinaw na self defense. Inatake kami ng inyong kasama kaya't ipinagtanggol ko ang aming sarili. Sana una pa lamang ay sinabi niyo na sa kanya na kumalma at huwag gagawa ng kahit na anong ikapapahamak niya. Ngayon, ang tanong ko sa inyo, mayroon pa bang nais na umatake sa inyo? Tila gusto pang makipaglaro ng aking kamay."
Natamihik ang grupo at wala silang ginawa kundi ang mapaatras. "Madali naman pala kayong kausap. At sa pagkakataong ito, marahil ay alam niyo ang malaking kaibahan ng ating lakas kaya't alam niyo ang magiging resulta kung lalaban kayo sa akin. Isa pang bagay, huwag niyong gagalawin ang aking familiar dahil hindi ako mag dadalawang isip na ubusin kayong lahat," ang pagbabanta nito.
Tahimik.
Hindi kumibo ang grupo ng mga kalaban, lahat sila ay umatras at naglaho na parang bula sa dilim. Samantalang nanatili naman kaming nakapako sa aming kinatatayuan. Maya maya ay humarap si Alejandro sa akin at kinatukan ako sa ulo, "ngayon ay naunawaan mo na ang sitwasyon? Kailangan mo ako kaya't wala kang ibang choice kundi ang manatili sa aking tabi. Kaya kong ibigay ang proteksyon na kailangan mo pero bilang kapalit kay maglilingkod ka sa akin ng tapat, maliwanag ba?"
Natahimik din ako, "may pagpipilian ba ako?"
"Wala," ang sagot niya sabay tapik sa aking balikat.
"Alejandro pala ang pangalan mo," ang dagdag ko pa.
"Oo, pero hindi mo ko kailangang tawagin sa pangalan ko. Simula ngayon ay "MASTER" ang itatawag mo sa akin. At gagawin mo ang lahat ng ipinag uutos ko. At bilang unang task mo, nais kong kunin mo ang lahat ng kayamanan doon sa ilalim ng lumang mansyon na ito. Ipagpapalit natin ito ng pera upang maibigay sa pamilya mo. Katulad ng ipinangako ko ay payayamanin ko ang pamilya mo upang wala kang isumbat sa akin. At pagkatapos mong kunin ang lahat ng ginto at alahas doon ay sunugin mo na ang mansyong ito kasama ng mga bangkay bago pa ito bumaho," ang wika niya sabay panhik sa hagdan.
At iyon ang set up, ginawa ko ang unang utos ni Alejandro sa akin. Hindi ko akalain na sa ilalim ng mansyon kung saan ako nagtago noong gabi tinutugis ako ng mga bampira ay nakakalat ng napakaraming ginto at mga mamahaling alahas. Lahat ng ito ay isinilid ko sa sako at hinila paitaas sa bakuran ng mansyon.
Nakadalawang sako ako at halos maligo ako sa pawis habang hinihila ang mga ito paitaas. Samantalang si Alejandro naman ay nakaupo lang sa ilalim ng isang puno, nakasuot ng sobrang kapal na shades at nagbabasa ng aklat. Katulad ng sinabi niya sa akin, siya ay blood line ng mga ancient vampire na naka conquer ng liwanag ng araw kaya hayun siya, relax na relax na parang may sariling mundo.
"Paano nagkaroon ng maraming kayamanan dito, master?" tanong ko sa kanya.
Itinigil niya ang pagbabasa at tumingin sa akin, "naipon ko lang ang mga iyan sa mahabang panahon ng pagtira ko sa mansyon na iyan. Ito ay aking bahay bakasyunan lamang at ginawa ko rin itong taguan noon bago ako mahuli ng vampiric council at patulugin ng mahabang panahon. Bilisan mo na dyan dahil marami pa tayong gagawin," ang sagot niya sa akin.
"Paano natin ito ipagpapalit ng pera?" tanong ko ulit.
"Maya maya lang ay may darating dito upang kuhanin ang mga iyan, relax ka lang," ang sagot niya at muling ipinagpatuloy ang babasa.
Makalipas ang ilang sandali ay may dumating na lalaking nakasuot ng itim na suit at balabal, nakasakay ito sa isang vintage car. At agad niyang binati si Alejandro. "Lord Alejandro, natutuwa ako at nakabalik ka na ulit dito," ang wika nito.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Familiar Chapter 1
Vampire"Unlike most humans, familiars are aware of the existence of vampires and choose to act as servants for their vampire master(s), in the hope that they will eventually be turned into a vampire themselves as a reward. Many familiars will carry out tas...