Tugon sa kabataan.

501 3 0
                                    

Pag-gising sa umaga, naghahanda ng pumasok sa paaralan, kung minsan ika'y nakakakita ng bata na walang ginawa kundi mang-gulo nang mang-gulo sa inyong mga diskusyon ng iyong mga guro at kamag-aral, napapaisip kanalang na "kabataan, pag-asa pa ba ng bayan?"

Sa ating mga naggwagwapuhan at naggagandahang mga kamag-aral at sa aking kagalanggalang na guro, Isang mapagpalang umaga sa ating lahat, nandito ako para ibahagi ang aking pananalita sa tanong na "kabataan pag-asa pa ba ng bayan?"

Una, pano nga ba nabubuhay ang mga kabataan? Pangalawa, ano kaya ang mararamdaman ng isang magulang na nagtatatrabaho para sayo na malaman na ika'y lulong sa bisyo at hindi nag-aaral ng totoo? Pangatlo, ang mga kabataan pa ba ang pag-asa ng bayan?

Pano nga ba nabubuhay ang mga kabataan? Ako na isang normal na batang pinoy ay nabubuhay sa isang mundo na kapag ika'y bumagsak at ang iyong marka ay isang malaking 72 tiyak mapapalayas ako ng aking mga magulang, ayun din ang gusto ko iparating, na dapat disiplinahin natin ang mga kabataan bagkos na kapag silay lumaki ng walang asal tiyak, silay maghihirap at mababaon sa bisyo.

Para sakin, ako na isang bata ay hindi ko kayang makita ang aking magulang na naiyak, napapaiyak din kasi ako kapag nakikita ko na silay ganyan, kaya ipinangako ko sa aking sarili na hinding hindi ako papayag na silay umiyak, pero pano kayo? ano ba ang mararamdaman niyo kapag nakita mo na ang iyong magulang ay ganyan? diba kalungkutan? gamitin mo yang emosyon na yan as your motivation para mag-aral. malamang wala naman yata satin na gustong mabuhay sa kahirapan.

"Kabataan ay ang pag-asa ng bayan." ang sinabi ng ating mahal na bayani na si Jose Rizal, pero sa tingin niyo totoo pa ba ang mga salita na sinabi ng ating kagalanggalang na bayani?
Na ang kabataan ay pag-asa ng bayan?
Sa tingin ko, Oo, porket na silay ganyan, mga batang walang asal, mga batang walang kaalaman, ay sila parin ang mga batang walang karanasan sa buhay, dadatin din ang panahon kung saan maiisip nila na "bakit ko ba ginawa yun?"

Ang konklusyon ng aking talumpati ay Oo, ang kabataan parin ang pag-asa ng ating inang bayan.

Kabataan, Pag-asa pa ba ng bayan?Where stories live. Discover now