1

11 1 0
                                    

Celestine POV

"One Two Three and Four!" tuloy-tuloy na bilang ni Kalix habang sumasayaw sila ng grupo niya at ng mga back up dancers kasama ang dance cheorographer nila. 

"Ano ba yan Steven! Mali ang paa mo ayusin mo naman!" nang aasar na sambit ni Timothy kay Steven na ngayon ay hingal na hingal at tila wala na sa wisyo para mag practice pa.

"Sorry! Sorry! HAHAHAHAHAHA" tumatawang sagot ni Steven saka bumalik sa formation niya at nagpatuloy sa pag pra-practice.

Sino nga ba ang mag a-akala na ang isang ordinaryong babaeng si Celestine Vergara ay ang nag iisang Girlfriend ni Kalix Jung isa sa sikat na member sa Band X. Yes tama kayo ng basa ako lang naman ang matagal na niyang Girlfriend deserve ko ipagmalaki ang sarili ko dahil sa layo na ng narating ng relasyon namin ni Kalix.

Sobrang proud na proud ako sa kaniya kasi unti-unti na niya natutupad ang pangarap niya from scratch to now na panay performance at comeback na sila hindi na nga ako magkaintindihan kung paano ko pa co-controlin ang selos mode ko dahil sa mga fans niya. 

Araw-araw ako present sa dance practices at recordings nila para sa upcoming comeback nila Next Month dahil supportive Girlfriend ako may times rin na tinutulungan ko si Kalix sa pag iisip ng lyrics para sa cino-compose niyang kanta. Hindi man halata pero may ambang ako sa bawat lyrics na sinusulat niya wahahahha. 

Nakatuon lang ang atensyon ko kay Kalix nang bigla ako gulatin ni Lucas. Close na close rin kasi ako sa members lalo na kay Lucas na since ipanganak ako nandyan na siya sa tabi ko paano bang hindi mag pinsan kami.

"Matutunaw na si Kalix baka gusto mo naman kumurap rin." pang aasar na tugon sa akin ni Lucas at dun lang ako natauhan na tapos na pala ang practice nila.

"Nakakainis ka! Bakit ka ba nang gugulat?! Aish! Sumbong kita sa love ko!" pag mamaktol kong sagot kay Lucas saka siya tingnan ng masama.

"HAHAHAHHAHHAHHAHA! Samahan pa kita! Kurap-kurap rin kasi luluwa na yang mata mo kakatitig kay Kalix eh." pag rereklamong sagot sa akin ni Lucas habang umiiling-iling.

"Tse! Alam mo kung inggit ka kasi wala kang Girlfriend wag ako ang pag diskitahan mo!" pag susungit ko sagot kay Lucas. Hindi kami sweet na magpinsan pero close na close kami to the point na kapag nalalaman niya nagkakatampuhan kami ni Kalix naapektuhan rin siya.

"Sige hanap lang ako sa labas may standard ka ba dyan? AHAHHAHAHHA" natatawang sagot sa akin ni Lucas. Inirapan ko na lang siya at nag walk out para puntahan si Kalix na busy sa pakikipag usap sa dance choreographer nila.

"Love, mag tubig ka muna." nakangiti kong tugon kay Kalix saka inabot sa kaniya ang tumbler na may lamang tubig.

"Thank you My love! Swerte ko talaga na ikaw ang Girlfriend ko." nakangiting sagot ni Kalix saka ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo ko. 

"Hilig mo talaga mambola! Akin na nga yan towel mo hindi ka naman nag pupunas eh." pagrereklamo ko paano ba naman nakapulupot lang sa leeg niya yung towel. Basang-basa na siya ng pawis in fairness ang bango bango niya amoy gwapo!

"Hindi ako nang bobola love totoo yung sinabi ko. In our 10 years of Relationship ang dami mo nang sinakripisyo para sa akin and to my career." seryosong tugon ni Kalix saka ako niyakap muli ng mahigpit. 

Kung iisipin rin sobrang dami na namin pinagdaanan ni Kalix na kahit kailan hindi ko pinaramdam sa kaniya na hindi niya maabot ang ganitong sitwasyon sa buhay niya. Magaling sa Music ang grupo ni Kalix kilala sila sa school na pinapasukan namin noon kaya naman ang daming nagkakandarapa sa kanila.

Habang naabot na nila Kalix ang pangarap nila pumayag ako na itago ang relasyon na meron kami ni Kalix mahirap kasi nawalan kami ng date, nawalan kami ng love time kung saan we spend our days together. May times na nasasaktan rin ako tuwing ide-deny ako ni Kalix kahit alam at ramdam ko na hindi niya ako gusto ideny. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love or CareerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon