IKATLONG KABANATA : MAY BUKAS PA BANG DARATING? (Tagpo 31)

65 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"

Kathang Nobela ni Zampagitang Azul

IKATLONG KABANATA

MAY PAG-ASA PA BANG DARATING?

Ikatatlumpo't isang Tagpo

Para tuluyang makalimutan ni Ernie si Althea, ginawa niyang abala ang kaniyang sarili sa trabaho. Sa mga bakanteng oras niya, laging magkatawagan sila ni Ine at madalas rin na nagpapalitan sila ng mga tula. Madalas rin nagse-sent sa kanya ng mga pick up lines si Arianne. Nagpasiya siyang huwag nang mag-reply sa mga ipinadadalang pick up lines ni Arianne, nararamdaman niya kasing parang may 'something' sa kanya ang ismarte, sexy at mestisang teen-ager. Tuwing itutukso niya ito sa pamangkin niyang si Louie, parang balewala lang ito sa kay Arianne. At pag di niya sinasagot ang pick up lines ni Arianne, may himig pagtatampo ang mga text nito sa kanya.

Pag naiisip niya si Althea at ayaw siyang dalawin ng antok sa gabi, magpupunta siya sa isang gym sa Baliuag at magbubuhat siya. Sa ganitong paraan, nakakatulog na siya nang mahimbing pag-uwi niya sa lumang bahay nila.

Nagkasundo na rin sila ni Ine na mag-open ng joint account sa banco para unti-unti na silang makapag-ipon sa pinapangarap nilang kasal. Para lumaki pa ang impok nila sa banco, nagkasundo silang mag "buy and sell" ng sariwang itlog ng itik sa Pateros, Binangonan, Rizal gayundin sa San Pedro, Laguna at Cabuyao Laguna lingid sa kaalaman ng hipag niyang si Liling at Kuya Ruperto niya na ginagawa nila kapag araw ng Sabado at Linggo. Sa ganitong paraan, unti-unting lumago ang puhunan nila.

Lumipas pa ang mga araw at buwan na wala na silang komunikasyon ni Althea. Nalalaman na lang niya kay Ine ang mga kaganapan sa buhay ni Althea sapagkat lagi ring magka-text at magkatawagan ang dalawa. Naramdaman ni Ernie na tuluyan na siyang kinalimutan ni Althea.

Di-maipaliwanag ni Ernie kung bakit nagseselos pa siya kay Althea sa ginagawa nitong pakikipagmabutihan nito kay Ine. Hinihintay ni Ernie na manggaling sa bibig ni Ine kapag nagkukuwento ito tungkol kay Althea na kinukumusta siya ni Althea pero walang ganoon kaya't pakiwari ni Ernie, pinagkakaisahan siya ng mga ito.

At lalong nasaktan si Ernie, nang malaman pa niya kay Ine na magtatatlong buwan ng buntis si Althea. Bakit kailangang si Ine pa ang makaalam ng pagbubuntis ni Althea? Di ba siya ang ama? Di ba dapat si Althea ang magsabi sa kanya, "Hoy Tatay ka na ng magiging anak natin!"

Kagyat naman sinisisi ni Ernie ang sarili. Sinasabi ni Ernie sa sariling, di ba nga't kaya mo nga nilibang ang iyong sarili sa trabaho, ibinaling mo ang lahat ng iyong atensiyon kay Ine ay tinanggap mo na ngang kayo na nga ni Ine ang magkakatuluyan at ngayo'y pinaghahanapan mo pa si Althea ngayon.

Makalipas ang dalawang taon, nagkasundo muling magkita sa dating Brewed Coffee Shop sa Maynila sina Ernie, Ine at Althea para pag-usapan ang nalalapit na kasal nina Ernie at Ine. Sa tipanan, naunang dumating si Althea na naka-gown ng pula na halata na ang malaking nakaumbok sa kanyang tiyan habang nakaupo na at umoorder ng brewed coffee. Kasunod agad na dumating sina Ernie at Ine na bihis na bihis rin.

Nang magtama ang mga mata nina Ine at Althea, tumayo agad si Althea at nagbeso-beso agad ang dalawa.

Napansin agad ni Ernie ang nakaumbok sa tiyan ni Althea.

"Malaki na ang tiyan mo.." bati ni Ernie.

"Oo...di na sa iyo 'to haha", biro ni Althea.

Sa papasok ang isang mataas, mestiso at gwapong lalaki na may kasamang isang taong batang lalaki. Ipapakilala ni Althea kina Ine at Ernie ang lalaki.

"My husband...Dr. Adonis Menzares!" ang buong pagmamalaking pagpapakilala ni Althea kina Ernie at Ine na kapwa nasorpresa.

"Musta po kayo Doc ?" sabay-kamay ni Ernie sa doktor.

"Ikaw Mareng Althea ka...sinorpresa mo ko hahaha dalas nating magka-text...wala ka man lang ikinukuwento sa aking nag-asawa ka na pala..." ang bati ni Ine.

Lalapit kay Ine ang isang taong gulang na batang akay-akay ni Dr. Manzares.

"Mano po Ninang..." sabay-abot sa kamay ni Ine para magmano.

Titig na titig si Ernie sa bata. Sa mga oras na iyon, kumakabog ang kanyang dibdib.

"Jersey anak...pls. hug Tito Ernie!" ang utos ni Althea sa anak.

Yayakapin ni Jershey si Ernie. Lukso ng dugo at bugso ng matinding emosyon, yayakapin ni Ernie nang mahigpit ang bata na nangingilid ang luha.

Matapos na kumalas na sa pagkakayakap ang bata kay Ernie. Aayain na ni Dr. Manzares ang bata.

"Let's go Jersey anak...pasyal kita...iwan muna natin ang mama mo...may importante pa silang pag-uusapan.

Nang makalabas na sina Dr. Manzares at Jersey sa coffee shop, di napigilan ni Ernie ang magtanong kay Althea.

"Si Jersey ba ang naging anak natin?"

"Oo...siya nga...pasensiya ka na...di ko na siya napakilala sa iyo...at ipinakiusap ko rin kay Ine na siya na magninang sa magiging anak natin...wag kang magalit kay Ine...ako na rin ang nakiusap na ipaglihim muna namin...at sa araw ngang ito namin sasabihin sa iyo..." ang paliwanag ni Althea.

"Si Doc...paano kayo nagkakilala?" usisa ni Ernie.

"Sa isang medical mission...byudo na si Adonis...di siya nagkaanak sa unang napangasawa niya...ayun, malaunan...nanligaw siya sa akin habang ipinagbubuntis ko si Jersey...ipinagtapat ko ang tungkol sa ating dalawa...tinanggap niya ko...siguro siya na ang itinalaga ng Diyos sa akin...di ako pinabayaan ng Diyos...dininig niya ang aking mga panalangin...pinakasalan niya ko...simple lang na kasal...civil wedding...pasensiya na kayo...di na namin kayo nakumbida"ang masaya ngunit mangiyak-ngiyak na pagkukwento ni Althea.

Halos di makapaniwala si Ernie sa kanyang mga narinig.

"Basta ako pa rin ang Maid of Honor sa kasal ninyo kahit ganitong malaki na ang tiyan ko hahaha!" ang pagbibiro ni Althea.

"Aba oo naman hahaha wala ng atrasan di ba Ernie?" ang maagap na tugon ni Ine.

Nakitawa na rin si Ernie.



"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon