"Good morning, Miss Yara!" I turned to an employee who greeted me with enthusiasm. Napangiti naman ako at bahagyang yumuko bilang pagbati.
"Magandang umaga rin po. Yara na lang po, Ate..." I glanced at her name tag. "Ate Bernadette," dagdag ko.
"Oh, sige! Ay, bibisitahin mo ba si Sir Yuri?" tanong ni Ate Bernadette sa akin. Bumaba ang tingin ko sa dalawang folders at isang packed lunch na dala ko bago tumango.
"Nasa office po ba si Papa?" tanong ko. Agad akong nilapitan ni Ate Bernadette at sinamahan sa opisina ni Papa Yuri. Hindi naman ako nailang dahil panay ang kwento ni Ate Bernadette.
I was shocked when I heard that she's been working here ever since Papa started the business. Nasaksihan daw niya ang love story ng mga magulang ko at hanggang ngayon, isa pa rin daw siyang "shipper" ng mga magulang ko. Dati ay receptionist daw siya o kaya ay sa room service kasama ang isa pang kaibigan na si Ate Mary pero, ngayon daw ay inilipat silang dalawa ni Papa sa HR.
"Ito na ang opisina ni Sir Yuri. Nako, dati ay sa baba ang opisina pero, ngayon dito na sa may third floor kaya kapag bibisita ka, diretso ka na lang dito," sabi sa akin ni Ate Bernadette. Nagpasalamat naman ako sa kaniya bago siya nagpaalam na babalik na sa trabaho.
Nang makaalis si Ate Bernadette, nilingon ko ang pinto sa harapan at kumatok. Pinihit ko ang seradura at napakunot ang noo nang mapansing locked ang pinto.
Nandito ba si Papa?
I stepped back and grabbed my phone to text my father. Sumandal ako sa pader at itinuon ang atensyon sa phone ko nang makarinig ako ng tunog. I looked up and saw a figure, walking towards my direction.
I watch the man as he started mopping the floor. Napahinga ako nang malalim nang mapagtantong empleyado rin pala ang dumating kaya hinayaan ko na.
I waited for my father while watching the janitor clean the floor. Nagpupunas din siya ng mga bintana at habang nanonood ay hindi ko na napigilan na hindi magsalita.
Bahagya akong lumapit at tumikhim. "Excuse me po," I called. Natigilan ang janitor at bumaling sa akin. Halos hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot na sumbrero at facemask.
Hindi siya umimik pero, nasa akin ang atensyon.
"Uh, sorry po sa istorbo, Kuya. Itatanong ko lang sana kung nakita niyo po ba si Papa Yuri ko?" tanong ko. I noticed how tensed he is but seconds later, he shook his head at me. Hindi na ako nangulit at nagpasalamat na lang bago nagpaalam.
Bumaba ako at agad nakasalubong si Ate Bernadette.
"Yara, nakita mo si Sir Yuri?" tanong niya sa akin. I smiled a bit and shook my head.
"Locked po ang office ni Papa," sagot ko.
She suddenly gasped and clapped once, as if remembering something.
"Ay, naalala ko! May lugar na pinupuntahan si Sir Yuri dito," aniya at lumapit sa akin bago may itinuro. "Kita mi 'yong pasilyong 'yon? 'Yong may pinto sa dulo?"
I tried finding the hallway and the door she's referring. Nakita ko naman kaya agad akong tumango. Matagal ko nang nakikita ang lugar na 'yan pero, hindi ako pumupunta dahil akala ko ay simpkeng kwarto lang ang nasa likod ng pinto sa dulo ng pasilyo.
"Baka nandoon si Sir Yuri, puntahan mo na lang doon."
I thanked her once again before walking towards the place. Nang mabuksan ko ang pinto, hindi ko inaasahan ang tumambad sa akin.
I never expected thay behind this door is a forest-like place. Maraming puno at natanaw ko kaagad ang isang tulay sa harapan ko. I hear running waters, probably from below the bridge. I looked at the right side and saw a small hut. Hindi ako nabigo dahil nakita ko si Papa na naroon at nakasandal.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...