mga imaheng naka ukit sa isipan
mga matang hindi makalimutan
gandang kinahihibangan at ugaling hinahangaan
ilan lamang yan sa mga rason kung bakit ang puso'y tuluyang nababaonalam kong dapat ko nang limutin
ang kahibangangang ika'y mapapasakin
pero tila sumasalungat ang damdamin
at ang pag tingin sayo'y lalong lumalalimhindi mo man masuklian
ang pag ibig na aking inilalaan
ako'y masaya dahil tayo parin ay magkaibigan
at walang ilangan saatin na namamagitan-ᜂᜎᜈ᜔-
