Ren's POV
Mahigit dalawang linggo na akonng hindi halos kinakausap ni tito dahil sa isang pagkakamaling nagawa ko. Aminado akong kasalanan ko dahil nakaramdam ako ng selos at mga tanong na hindi nagustuhan ni tito. Kahit na kasalanan ko, hindi ko pa rin maiwasang magdamdam at sumama ang loob dahil sa mga sinabi nito.
Nagkainuman minsan sa bahay kasama ang mga katrabaho nito. Bukod kay tito Rick at kuya Arthur na kilala ko na, may kasama pa silang dalawa na ngayun ko lang nakilala, sina Oliver at Roy. Katulad ni tito Rick, medyo may edad na rin ang mga ito. Bandang alas 9 ng gabi, may dumating pang isa na pinakilalang si Jeff, at supervisor daw nila.
Unang kita ko pa lang dito ay hindi ko na gusto. May itsura ito at maayos ang pananamit pero halatang bading kapag nagsalita lalo na nung nakainom, akala mo linta kung makakapit kay tito. Malagkit ang mga tinngin nito, may mga pahaplos haplos pa ito sa braso at binti ni tito. Mukhang sanay naman na si tito dahil hinayaan lang niya ito. Ngumingiti lang ito at kumikindat kindat lang. Pinilit kong hindi pansinin ito at ngumiti na lang habang nakikipag kwentuhan sa kanila. Lingid sa akin, napapansin pala ni tito na hindi ko gusto si Jeff at ang panaka naka kung pag irap at pag ismid dito.
"Anong problema Ren?" Tanong ni tito. Kami na lang dalawa ang natira dahil nagsiuwian na ang mga katravaho niya. Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pagliligpit sa mga kalat sa sala. "Nagseselos ka ba kay sir Jeff?" Hinawakan ako nito sa braso para pigilan sa ginagawa at pinaharap sa kaniya.
"Nag enjoy ka ba sa mga pahawak hawak sayo nun tito? Dapat dito mo na lang pinatulog, sa kwarto mo. Halata namang enjoy na enjoy ka" Hindi nagusuhan ni tito ang tinuran ko. Binitawan nito ang aking braso bago nagsalita.
"Anong pinagsasasabi mo? Ganun ba tingin mo sa akin? Tsaka kahit patulan ko yun, ano namang problema? Hindi mo ako pag-aari Ren at wala kang karapatang mag selos sa kaniya o sa kung sino man" Bakas ang pagkainis sa mukha ni tito. Pagkasabi nun ay tumalikod na ito at umakyat sa taas.
Naiwan akong napatulala sa sinabi nito. Sinundan ko na lang ng tingin ang likuran nito habang paakyat sa hagdanan. Napabuntung hininga ako ng mapagtanto ang nasabi ko kay tito. Bigla kong nabatukan ang aking sarili at mabilis na sumunod paakyat at kumatok sa silid nito para sana mag sorry.
"Wala na ako sa mood Ren. Matulog ka na" Turan ni tito pagbukas ng pinto. Tanging yun lang ang sinabi nito bago tuluyang lumabas ng silid para maligo.
Pasado alang 7 na ng umaga ako nagising kinaumagahan. Tulog pa rin siguro si tito dahil wala pa ito sa baba. Habang naglluluto ako ng agahan ay nag iisip na ako kung pano haharapin si tito at kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kapag nagising ito at bumababa na. Bigla akong nakaramdam ng hiya at kinabahan ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng silid nito.
Binati ko ito ng pumasok sa kusina pero hindi nito ako pinansin. Nagtuloy tuloy lang ito sa banyo. Paglabas nito pagkaraan ng ilang minuto, nilapitan ko ito at niyakap mula sa likuran pero hinawakan nito at. kinalas ang aking mga braso mula sa katawan nito.
"Huwag kang makulit Ren" Naisip ko na galit nga talaga si tito dahil sa nasabi ko kagabi. Nagsabi ako ng sorry dito at hindi na nagsalita pa.
Wala kaming imikan habang kumakaen ng agahan, nakakabingi at nakakapanibago. Hindi ako sanay sa ganito. Nasanay ako na nakikipag harutan dito sa umaga, hinahalikan sa labi, hinihimas himas sa katawan na kadalasan ay nauuwi sa pagniniig.
Lumipas ang mga araw at ganun pa rin ang eksena sa pagitan namin ni tito. Naka ilang text ako dito at nagsorry pero hindi nito minsan man sinagot. Naramdaman at napansin ko ang pag iwas ni tito sa akin at nabahala ako. Nagbago bigla ang lahat sa pagitan namin dahil sa nagawa ko.
Kagaya nga ng sinabi ni tito, wala akong karapatang magselos kay Jeff o kahit kanino, at hindi ko siya pag aari. Hindi ko alamkung bakit ako nagselos kung sakali naman na patulan siya nito o kahit sino pa dahil wala naman kaming relasyun. Tanging sex lang ang namamagitan sa amin, pinapaligaya ang isat-isa kapag nalilibugan. Ikaw nga nagpapakantot sa iba kaya tigilan mo ang drama. Napailing ako at napabuntong hininga sa sigaw ng aking isipan.
Hindi ko na makayanan ang cold treatment ni tito sa akin kaya naisip ko na kausapin ulit ito mamaya. Nagpasya akong umuwi ng maaga at hindi sumama sa mga kaibigan para magliwaliw sa mall. Mamamalengke ako mamamaya at magluluto ng paborito ni tito. Napangiti ako sa aking naisip. Mabilis akong pumara ng jeep na masasakyan pauwi at walan pang 15 minutos ay nakarating na ako sa amin.
Nagulat ako ng madatnan na nasa bahay si kuya Jeff at nakaupo sa sala. Napansin ko ang isang maliit na travelling bag na nasa tabi nito. Napatingin ako sa hagdan ng marinig ang boses ni tito at nagtanong kay kuya Arthur kung ready na daw ito. Nilapag ni tito ang bag na dala sa sofa at naglakad papunta sa kusina. Narinig ko na lang na tinawag nito ang pangalan ko kaya mabilis akong sumunod dito sa kusina.
"Pupunta kami ng Batangas. 2 days. Ikaw na bahala dito" Simpleng turan ni tito saka kumuha ng malamig na tubig sa ref.
"Galit ka pa rin ba sa akin tito? Sorry na po tito" Mahinang sabi ko. Inubos nito ang tubig sa baso bago tumingin sa akin at nagsalita.
"Ikaw na bahala dito. Alis na kami" Tanging yun lang ang sinabi nito at lumabas na ng kusina.
Sumunod ako dito sa sala. Kinuha nito ang bag na nilapag sa sofa at naglakad na palabas ng pinto. Nagpaalam na rin si kuya Arthur at sumunod na rin kay tito palabas. Pero bago pa man tuluyang lumabas ito, ngumiti ito sa akin at sumenyas na magtetext daw ito mamaya sa akin. Napatango na lang ako sa kaniya. Sinundan ko ng tingin ang dalawa hanggang makalabas ng gate at mawala sa paningin ko. Nanlumo akong napaupo sa sofa dahil galit pa rin sa akin si tito hanggang ngayun.
YOU ARE READING
Ren (Book 1 - Completed)
ФэнтезиThis is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this story ate either the product of my imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, livin...