Nakatulala sa kawalan si Daryll habang nagtuturo sa harapan ang kanilang Professor. Isang linggo na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sakanya ang sakit. Hindi pa rin siya makausad sapagkat ang huli nilang pagsasama ay paulit-ulit na pumapasok sakanyang isipan para tusukin siya ng libo-libong karayom sa dibdib.
Nahihirapan siyang matulog sa loob ng kwarto niya dahil sa tuwing pumapasok pa lamang siya, yung nang-aasar na ngiti ni Gaella ang bubungad sakanya. Naglalaro sa isipan niya ang mga alaala nilang dalawa na hindi na mauulit pa.
“Mr. Morris?” tinawag siya ng kanyang Professor ng tatlong beses ngunit parang hindi niya ito narinig, kaya siniko siya ng katabi niya para matauhan.
Walang gana niyang nilingon ang katabi, at tinanong ng tahimik sa pamamagitan ng blangkong tingin.
“Kanina kapa tinatawag ni Professor.” sagot ng katabi niya kaya agad siyang lumingon sa harap. Nang makita niya ang Professor na seryosong nakatitig sa direksyon niya ay agad siyang tumayo.
“May problema ka ba, Mr. Morris?” seryoso ngunit mahahalata sa boses ng Professor ang pag-aalala sa estudyante.
Kung pwede lang niyang sabihin ang nararamdaman niya, ay matagal na niyang ginawa. Ngunit hindi naman niya pwedeng sabihin dahil baka pagtawanan at pagkamalan lang siyang nababaliw na.
Umiling siya sa tanong nito. Ngunit parang hindi niya nakumbinsi ang Professor dahil sa naging itsura nito.
Nang matapos na ang kanilang klase ay niyaya siya ng mga barkada niya sa inuman ngunit hindi siya pumayag sapagkat may pupuntahan siya. Pupuntahan niya ang babaeng nang-iwan sakanya. Kahit na araw-araw niya itong binibisita, hindi pa rin siya nagsasawa.
Pakiramdam niya ay nasa bahay siya tuwing kasama niya ito. Kahit maingay ang bibig ni Gaella, nasasanay na siya. Pero ngayon na wala na ito, hinihiling niya na sana bumalik ito.
“I'm sorry,” sambit ng nakabanggaan niyang babae sa gate ng University. Hindi niya ito tinapunan ng tingin bagkos ay tumango lamang.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, at nang makalabas na siya sa gate ng University ay natigilan at napalingon si Daryll sa likod nang may humila sakanya. Bahagya siyang napatulala nang maalala ang gabing iyon.
“Bingi kana ngayon?” natatawang biro ni Lily sakanya, binitawan siya nito nang mapansin na tulala siya. Ikinumpas ni Lily ang kamay niya sa harap ni Daryll, “Hey!” malakas na sigaw niya kaya natauhan si Daryll.
Tumikhim ito at umayos ng tayo, “Yeah?” malamig na usal ni Daryll.
Bahagyang natigilan si Lily nang marinig ang malamig nitong boses ngunit agad ding tumawa. “Sorry. Nadisturbo ata kita sa lakad mo.”
“Ayos lang. Una na ako.” paalam niya at umalis na.
Samantalang pinag-iisipan naman ni Lily ang gawi ni Daryll habang pinagmamasdan ito sa likod. Tama siya ng nakita. Siya nga iyon.
“You'll visit her at this hour?” tanong ni Lily na ikinatigil ni Daryll. Mabilis siya nitong nilingon habang makikita sa mukha nito ang pagkagulat at pagkalito.
Pasimpleng napatango si Lily. Tama nga talaga ang hinala niya. Kilala nito si Gaella noon pa man. Pero ang hindi niya maintindihan, bakit nakita niya ito noong isang araw sa puntod ni Gaella. E, hindi naman sila close ni Gaella noon.
Nagtataka ang mukha ni Daryll, “H-How did you know?”
“I can see it in your cold eyes. The longing to see her again.”
Tila binuhasan ng malamig na tubig si Daryll sa sandaling ito. Hindi niya alam kung anong dapat gawin. Itatago ba niya o aminin ang totoo.
Lumalit si Lily sa kanya, “Ibig sabihin... nandito pa sa mundo ang kaluluwa niya?” umaasang tanong nito.
BINABASA MO ANG
60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]
FantasyPaano kung isang araw magising ka nalang na akala mo buhay ka pa ngunit hindi mo alam na multo ka na pala?