Chapter 21

27 7 0
                                    

Jasmine's POV

I told Adrian about the incident that happened that night and told me to be more careful on what I am doing. It seems like someone is watching over me. However, that person is not doing anything on me other than stoping me.I am getting curious already. My mind is having a battle also. It seems like someone is watching over me and the mission given to me is something more.

"Ms. Verlice are you listening?" I heard our instructor called me.

"I am ma'am." Sagot ko habang nakatingin sa kaniya.

"What's the last word I have said?" She asked.

"It's listening ma'am." I responded.

"What?" Tanong niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"I just answered your question ma'am." I said.

"Hay nako Ms. Verlice." Sabi ni ma'am. Pagkatapos ng klase namin ay hinintay namin si Sir Kiglen pero ilang minuto ang lumipas ay wala pa rin siya. My phone suddenly vibrated and it was from Adrian.

"Go to the hospital where you have seen Professor Kiglen and a woman,Heather Dela Cruz is the name." I read from the text.

"I know your curious again. When you get there, it will help you." Sunod na text niya.

Napatingin ako sa gawi nila Riza at nakita kong malalim ang iniisip ni Riza while Bim is looking at her phone same as their two friends. Ano kayang problema ni Riza, it seems like she's hurt it's visible on her eyes. Maybe I can ask Bim later after ko kay Sir Kiglen. Ang galing ng mission na ito may stages.

Nagpunta na ako sa parking lot at pumunta sa hospital na pinuntahan ko dati. Pumasok na ako at pumunta sa may counter.

"Heather Dela Cruz." Sabi ko sa nurse.

"Room 98 nasa third floor po." Sagot ng nurse. Pumunta na ako sa elevator at pinindot ang three papunta sa third floor. Paglabas ko sa elevator at maglalakad na sana kaso nakita ko ang grupo ng nurse,si Sir Kiglen saka ang babae na nakita ko noon at sa likod ay may mag-asawang lumabas sa isang room. Nagmamadaling itinutulak ng mga nurses kung saan nakahiga ang isang babaeng nanghihina at nahihirapan papunta sa kabilang direksyon ko. Sinundan ko sila pero nakatago lang ako sa isang pader medyo malayo sa kanila, pumasok sa OR ang nurses at naiwan sa labas sila Kiglen. Nakita kong umiiyak ang isang babae at sa aking obserbasiyon ay ina ito habang nakayakap sa kaniyang asawa. Ang babae rin ay naluluha na rin at si Sir Kiglen ay tahimik lang pero kita sa mata niya ang lungkot.

"Hindi ko kaya." Sabi ko sa sarili at sumandal sa pader. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Ilang minuto ang lumipas at lumabas and doctor narinig kong bumukas ang pintuan sa OR pero hindi ako sumilip.

"Pasensiya na po pero ginawa na namin ang lahat. Hindi kinaya ng katawan ng pasyente. Nakikiramay po kami sa pagkawala ng inyong anak." Sabi ng doctor at isang hagulgol ang aking narinig.

"Edwardo ang anak natin." Rinig kong hinagpis na sabi ng ina. "Iyung anak ko."

Maya-maya ay nakita ko si Sir Kiglen na napadaan pero hindi ako napansin kasi diretso siyang naglakad paalis. Sumilip muna ako sa pamilya bago ko sundan si Sir Kiglen kung saan ay pumunta sa parking lot. Napahinto siya sa harapan ng sasakyan niya at ipinatong ang dalawang palad habang nakayuko. I am having second thoughts if I will go near him or not. Maya-maya ay pumasok siya sa kaniyang sasakyan kaya mabilis pero maingat akong pumunta sa may sasakyan ko na nakaparada medyo malayo sa kaniya.

"Can you research about Heather Dela Cruz." I texted Adrian while I am driving.

Sa pagsunod ko kay Sir Kiglen ay nadala ako sa Cloud Cafe. What's with this place? Naghintay ako ng mga ilang minuto para mag-isip at ayusin ang sarili bago siya harapin.

Operation Series 1: In The Professor's Shadow  Where stories live. Discover now