*dugdug dugdug*
Sobra akong kinakabahan habang nakaupo sa pwestong ito.
Hindi malaman ang gagawin. Hindi malaman kung pano ikakalma ang sarili.
NEXT!
Sigaw ng isang student assistant na hudyat na para ako'y pumasok sa isang kwarto. Isang kwarto kung san gaganapin ang paghahatol saking kinabukasan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Annyeong Haseyo! (hello!) Ako nga pala si Jaymie Severino. 17 years old from Makati Cityyyyy! Andito ako ngayon sa dream school ko, ang Jacksonville University, kung saan meron akong interview. Naaartehan nga ako eh. Nakapasa na nga sa exam, kailangan pang may interview chever. Hay nako nakakaasar kasi ang interview minsan eh swertihan din! Ugh sana lang sumangayon sakin ngayon ang tadhana!
Good Afternoon! *with matching ngiti
Yan ang bungad ko sa interviewer. Syempre pagoodvibes ang peg! Sa totoo niyan, haggard na ako eh! Kasi kanina pa akong umaga nag-aantay mainterview, eh sa dami ba naman ng pumasa wala ka nang magagawa. -.-
'Tell me something about yourself.'
Shems. Sabi na nga ba eh yan ang unang tanong. Nabigyan na din kasi ako ng tip ng dati kong classmate na unang nainterview kanina na isa yan sa mga itatanong. Of course pinaghandaan ko na aba! Hehe.
'I am an adventurous person. I love traveling to new places and I'm very much interested in Geography. Well I also love reading quotations and I really don't like studying.'
Oha oha. Syempre dapat related ang sagot sa course na kukunin! Tourism nga pala ang ninanais kong itake up dito. Pero kahit sino naman magtanong sakin, yan din sasabihin ko kasi passion ko talaga ang mga yan lalo na ang mga lugar. ^^v Yung pagbabasa ng quotations, kaadikan ko rin yan! At yang pagsabi ko na ayokong nag-aaral, sobrang totoo! Pano ba naman, gusto ko lang maging honest. Ayokong sabihing masipag ako dahil hindi naman nagrereflect sa final average ko nung 4th year. Hehe.
'Why Jacksonville?'
Well duh? Magpapakahirap ba ako mag-antay dito mula umaga hanggang hapon kung di ko gusto dito? Magpapamake-up ba ako at magsusuot ng corporate attire for the first time para lang sa interview na walang kasiguraduhang maipapasa ko?
Pero syempre poise pa rin dapat! Haha!
Well I want to study here because I think this is a normal university. I mean for example in Fort Lewis Academy, most of the people who study there are rich kids. In Henderson Ville, they're mostly the geniueses. In Harris Stowe, the atheltic ones. But here in Jacksonville, everyone seems normal.
Hindi ko alam pero kumunot ang noo ng interviewer sakin pagkasagot ko nyan. Hindi ko naman dinidegrade ang Jackson, basta feeling ko lang na normal ito kumpara sa iba. Hindi sobrang tatalino, hindi sobrang yayaman, hindi sobrang talented ang mga nag-aaral etc, siguro yung iba, pero mostly average ang tingin ko. At ang ganda ng campus nila! Omo! (omg) hindi ko nasabi yon shizzzz. -____-
'What's your best subject?'
Walang patumpik-tumpik, karakaraka kong sinagot na..
English.
Pero hindi ako prepared sa sumunod na nangyari.
Tinginan ng interviewer ang class card ko nung final grading! (kasama kasi yon sa requirements)
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong tumataginting na 83.7 lang ang average ko dun sa English! And the fact na isa yun sa lowest ko (after freaking Math subjects)! Naku patay na! T________T
Wala na akong nagawa. Tinignan ko lang yung interviewer. Hay nako Lord! Baka hindi maniwala tong mokong na toh na magaling ako sa English! Huhu nakakatamad kasing mag-aral eh T____T
At dyan na natapos ang interview. May mga ilang tanong pa pero confident naman ako na nasagot ko nang maayos. Pagkalabas ko ng room, medyo may afterschock pa. Kaya ayon, dahil first time ko rin sa Jackson, at dun sa Tourism builiding, kakalakad ko napunta ako sa hagdan na may 'dead end' na nakasulat. Nakakatakot nga eh, ang creepy. Buti na lang may mga staff chever dun at dinirect ako pabalik hays. ~(‾▿‾~)(~‾▿‾)~
BINABASA MO ANG
My Lovely J (⌒▽⌒)☆
Short StoryIstoryang epekto ng matinding kalungkutan mula sa awtor na balingkinitan ✌(◕‿-)✌