first

2 0 0
                                    

I pretended to not notice his presence as he walked by my desk and to his chair. But I did, and it's bothering me.

So many questions were left in the air a very long time ago and are still waiting to be answered that is obviously never gonna happen. He doesn't care, after all. I pretend not to care. So those questions will forever hunt me anytime, at hindi ko alam kung hanggang kailan ako babagabagin ng mga tanong na iyon.

I observed him sa reflection ng stainless kong tumbler. He's playing on his phone, as he usually does. Sa tuwing tinitingnan ko ang kanyang repleksyon ay wala na akong ibang nakitang ginawa niya kundi ang mag-laro nang mag-laro ng online games kasama ang mga tropa niya. And, maybe, that's one of the reasons why he started wearing glasses. Not that it doesn't fit him, because he looks good with it. But he's clearly ruining his eyesight by being in front of a screen all the time.

"Fren! Help! I'm drowning!" I averted my gaze from my tumbler and glared at Germaine when she started pretending to drown in front of my desk, causing some of our classmates to look our way. Mang-aasar na naman ito.

"You know I can't swim, Fren! Kaya nga hindi ko na tinangkang talunin ang mga iniisip ni Yowen, eh." Tugon naman ni Zherene. Kumunot ang noo ko sa usapan nila. Ano bang pinagsasabi nila?

Biglang umayos ng tayo si Germaine, "I couldn't help it! Mukhang malalim naman kasi talaga ang iniisip ng ating Fren so I took a risk and dived right in!" Sa akin niya na itinuon ang kanyang pansin at pinaningkitan ako ng mga mata. "Bakit tulala ka riyan at mukhang malalim ang iniisip mo?"

"Anong tulala? Nagbabasa ako." Kinuha ko ang isang pocket book mula sa desk ko at binuklat ito.

"Pangit mong um-acting. Eh, alam naman naming tinititigan mo na naman 'yang bestfriend mo." Masamang tingin ang ipinukol ko kay Zherene matapos pabagsak na inilapag ang libro sa lamesa.

"He's not my bestfriend."

"Anymore." Dugtong pa ni Germaine kaya napa-simangot ako.

"Just stop. It's not funny." Seryosong saad ko. The past left a scar on me and bringing it up is similar to rubbing salt on a freshly opened wound.

"Huy! Seryoso naman nito." Dali-daling humila ng upuan si Germaine sa tabi ko at umupo habang pilit akong ini-usog ni Zherene upang maka-upo sa aking silya. Sabay nila akong niyakap nang mahigpit kaya napa-ngiwi ako. "Nagbibiro lang kami. Alam mo namang love ka namin, 'di ba?"

"Right! From the moon and back!" Sigaw ni Zherene kaya halos takpan ko na ang bunganga niya kung hindi lang sila naka-yapos sa akin.

"To the deepest part of our esophaguses?" Napalingon kaming tatlo sa pinanggalingan ng boses.

Pinulot ni Germaine ang pocket book ko at hinagis kay Rory na kadarating lang. Mabuti at nasalo niya ito nang maayos. "It's esophagi. 'Yan kasi, lagi ka nalang late kaya pati plural ng esophagus ay 'di mo alam."

"What are you waiting for? Sumali ka rito!" Inaya siya ni Zherene kaya ngumiti si Rory nang malawak at agad na naglakad palapit sa pwesto namin.

She sat on my table at niyakap kaming tatlo. I am now face to face with her melons kaya ngiwing pilit kong nilalayo ang mukha ko mula roon.

Tumigil lang sila sa pagyakap sa akin nang dumating ang Propesor.

The whole class was boring and all I did was yawn and talk to my friends through our eyes. May mga oras din na pasulyap-sulyap ako sa kanya gamit ang aking tumbler.

Right... the tumbler.

️️ ️️️️️️️️️ ️️ ️️ ️️

I fixed my things five minutes before the class ended kaya diretso na akong lumabas ng silid at ng building nang i-dismiss na kami. Hinintay ko ang tatlong daig pa ang pagong sa bagal ng lakad dito sa ilalim ng malaking puno sa gilid ng aming building.

Napayuko ako at sinundan ng tingin ang isang gumugulong na marble hanggang sa huminto ito sa akin paanan. Yumuko ako at pinulot iyon.

Inilahad ko ito sa lalaking lumapit at halos manghina ang tuhod ko nang makita siya.

"M-miah..."

Nanatiling nasa kamay ko ang kanyang tingin at hindi man lang nag-abalang magsalita nang tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. Napasinghap ako sa nangyari.

Bago siya tumalikod, nakakita ako ng bahid ng pandidiri sa kanyang mukha, na para bang natatakot siyang madumihan ang kanyang balat kapag hinawakan niya ako.

"Oy! Ano 'yon? Ha?" Tanong ni Germaine nang makarating silang tatlo sa pwesto ko.

Tinitigan ko ang holen sa aking kamay, ito 'yung lagi niyang pinagkakaabalahan kapag wala siyang magawa o kaya kapag naii-stress siya. Unti-unti kong ibinaba ang aking kamay at pinasok ang holen sa bulsa ng bag ko.

"Wala. Tara na." Umuna na ako sa paglalakad at naramdaman ko pa ang tinginan nila sa isa't-isa.

Hindi nagtagal ay sumabay na sila sa akin. Alam kong nakita nila 'yon. At pasalamat nalang na hindi na sila nag-abala pang mag-tanong tungkol doon.

️️ ️️️️️️️️️ ️️ ️️ ️️

Agad din kaming bumalik sa classroom pagkatapos kumain sa labas. Hindi ko na nagawa pang igawi kay Miah ang tingin ko dahil na rin sa kahihiyang nararamdaman ko sa paraan ng pag-tingin niya sa akin kanina.

Inilapag ko ang tumbler ko sa aking lamesa katulad ng nakagawian, pero nang makita ko ang repleksyon niya roon ay agad ko rin itong kinuha at nilipat sa kabilang bahagi ng lamesa.

Nanatili akong tahimik habang nag-uusap naman ang tatlo kong kaibigan. Naririnig ko ang mga lalaki sa likod na maingay na naglalaro. Bumaba ang tingin ko sa bulsa ng aking bag. Naroon pa rin ang holen.

Gusto ko itong ibalik sa kanya, pero baka hindi niya lang ito pansinin. Nag-aalala rin ako na baka hindi siya mapakali kapag wala siyang nilalarong holen. Sa pagkakaalam ko, ni minsan ay hindi niya ito pinalitan.

Iniling ko ang aking ulo. Siguro naman ay papalitan niya na ito ngayong nahawakan ko na ang holen. Diring-diri pa naman sa akin 'yon. I felt something in my stomach when the image of his look from earlier popped in my mind.

That wasn't the first time. But it was already a long time ago. And seeing it again, after months of ignoring each other, hurts even more. Ibig sabihin no'n ay hindi pa rin siya sa akin naniniwala. Na nas makikinig at makikinig siya sa iba.

"Yowen?" Napaigtad ako nang maramdaman ang isang palad sa aking balikat. Si Zherene.

Ngumiti ako nang makita ang nag-aalalang tingin ng mga kaibigan ko.

"Fren, ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Mapakla akong tunawa sa tanong ni Germaine bago tumango.

"Weh? Bakit may luha sa kaliwa mong mata?" Agad akong nagpunas dahil sa sinabi ni Rory. "Nabasa ko sa tiktok na kalungkutan daw ang meaning kapag galing sa left eye yung unang patak ng luha."

Binatukan siya ni Germaine. "Ito, puro tiktok. Kaya wala kang masagot sa mga recitation, eh. Sinakop na kasi ng tiktok 'yang utak mo!"

Nagsimula silang magbangayan. Natatawang napa-iling nalang si Zherene bago ibinalik sa akin ang tingin. "Seryoso, Yowen. May masakit ba sa 'yo? Gusto mo bang pumunta ng clinic? They will provide you medicines kung need mo."

Napangiti ako sa ipinapakita ni Zherene. "I'm fine, Che. May naalala lang."

Nagpakawala siya ng hininga bago napunta sa likod ang kanyang tingin. "Hindi ko naman pwedeng sabihin na kalimutan mo na 'yon. I know it's hard. Kaya ang masasabi ko nalang ay nandito lang kami para sa 'yo. Kahit ang dalawang 'yan. Ganyan sila palagi pero masasandalan mo rin ang mga 'yan."

"I know. After everything that happened, kayo lang ang naniwala sa akin. Hindi niyo ako iniwan. Kaya alam kong mapagkakatiwalaan ko talaga kayo."

I giggled when she pulled me towards her, caging me in her arms. Napukaw no'n ang atensyon ng dalawa. "Hoy, kayo lang? Paano naman kami?"

"Edi magyakapan kayo nang magkasundo naman kayo." Lalo akong natawa sa naging sagot ni Zherene.

I'm lucky to have friends like them. Kahit ano man ang nangyari at mangyayari, hindi sila nagsasawang suportahan at manatili sa tabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon