Pagpapatuloy~
Bumaba si Kenneth mula sa palapag kung saan naroroon ang kanilang kuwarto. Habang naglalakad pababa si Kenneth ay iniisip niya ang kanyang mga itatanong sa Ahente.
Pagdating ni Kenneth sa Ibaba ay hindi na niya inabutan ang Ahente. Ipinagtanong niya kung nasaan ang Ahente ngunit walang nakakaalam kung nasaan ito. Hinintay niya ito habang nakaupo sa isang gilid.
Pagkatapos ng dalawang oras ay hindi pa rin dumarating ang Ahente.
Kenneth: Nasaan ka na...... Marami akong tanong na kailangan mong sagutin.... Marami akong kailangang malaman tungkol sa Kuwartong ito.....
Napagisip isip ni Kenneth na bumalik na sa kuwarto nila upang tignan ang kalagayan ni Leon at Khate.
Habang hinihintay ni Kenneth ang Elevator ay nag ayos muna ito ng damit.
"TING" Tunog na nagpapatunay na dumating na ang Elevator.
Nakasakay na si Kenneth at dalawa nalang sila doon ng matandang lalaking nakatalikod. Sa gilid ng elevator. Habang umaakyat ang elevator napansin ni Kenneth na hindi gumagalaw ang matandang lalaki. Minabuti ni Kenneth na magtanong kung mayroon siyang napapansin sa mga kuwartong naroroon.
Kenneth: Manong puwede ho bang magtanong?
Matandang Lalaki: ..............................
Nagtataka si Kenneth dahil hindi sumasagot ang matandang lalaki. Hinawakan ni Kenneth ang balikat nito at biglang........
DALI DALING HUMARAP ANG MATANDANG LALAKI! SUGATAN ANG MUKHA AT WALA ANG ISA NITONG MATA! KAPANSINPANSIN ANG MGA TAHI NITO SA KANYANG MUKHA AT MAY LASLAS DIN ITO SA LEEG NA TILA TINANGKANG PUGUTAN NG ULO SA SOBRANG LALIM.!
Kenneth: AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!
Gulat na gulat si Kenneth. Nagpapatay sindi ang ilaw sa Elevator, huminto ang Elevator sa palapag na kung saan naroroon ang kuwarto ng kanyang mga kasamahan.
Tumakbo ng mabilis si Kenneth nang bumukas ang pintuan ng Elevator at dali daling nagpunta sa kanilang kuwarto. Habang tumatakbo ay nakikita niya ang matandang lalaki sa gilid ng mga nakabukas na pintuan at bintana ng iba pang kuwarto. Nagpapatay sindi ang ilaw at tila lumalamig ang paligid.
Pagod na pagod si Kenneth nang nakarating siya sa kanilang kuwarto dali dali niya ring isinara ang pinto. Tinanong siya ni Jasmine......
Jasmine: Anong nangyari Kenneth? Bakit pawis na pawis ka?
Kenneth: Etong........ Lugar.... Na ito........ mapanganib...... kailangang...... umalis.... Na...... tayo.... ( Hingal na hingal na tinig ni Kenneth)
Jasmine: Ha? Bakit?
Dali daling pumunta si Kenneth sa kuwarto ni Khate at Leon para tignan ang kanilang kalagayan. Si Leon ay tulog habang si Khate naman ay maayos na ang kalagayan.
Kenneth: Khate kamusta ka na? Ano nang nararamdaman mo?.......
Khate: Okay na ko.... Nakalimot na ko pero pakiramdam ko hinang hina parin ako kahit papano.....
Kenneth: Halika't kumain ka muna.
Inaya ni Kenneth si Khate na kumain muna upang makabawi ito ng lakas. Inanlalayan niya ito hanggang sa silid kainan.
Pagkatapos kumain ay nagaya na si Khate na matutulog na muna sya. Habang si Kenneth ay naghuhugas ng pinagkainan.......
Biglaan naman may kumalampag sa CR na waring may nabasag na salamin.....
Minabuting tignan ito ni Kenneth.... Dahan dahan siyang naglakad papunta dito at habang naglalakad......
Naglalakad na iika-ika ang mahiwagang babae papunta sa kuwarto ni Khate ngunit hindi ito napansin ni Kenneth dahil nakatingin siya sa Pintuan ng CR...... Nang nakarating na si Kenneth sa may pintuan ng CR bigla niya itong binuksan!
Nakita niya sa lapag ang isang baso na pinaglalagyan nila ng kanilang sipilyo at nakita niya rin na may nakasulat sa bawat basag na piraso.......
"Khate....." Naka nakasulat sa dugo...
Dali daling lumabas si Kenneth sa banyo at nagtungo sa kuwarto ni Khate.
Kenneth: KHATE!! (Sigaw ni Kenneth Habang tumatakbo)
Pagbukas ni Kenneth ng pintuan......
"Blag!" ( Malakas na tunog na nanggaling sa harap ng pintuan)
Gumulantang ang isang.......
Abangan sa susunod na bahagi~ Read, Vote, Comment, And Follow me :)
BINABASA MO ANG
Hotel Room 666*Ongoing*
HorrorMay magkakaibigang naghahanap ng matutuluyan upang dito muna tumuluyan sa loob ng dalawa't kalahating buwan. Nakahanap nga sila ng matutuluyan na kayang kaya nilang kuhanin. Unti unti nilang matutuklasan ang misteryo ng isang kuwarto doon na pwedeng...