PART 1: Mr. Blue Hair

38 4 0
                                    


“Let's break up! Ayoko na sa'yo! Napaka babaero mong hinayup*k ka!” puno ng sakit kong sigaw sa walang kwenta kong boyfriend. Mabilis kong pinunasan ang mga luha kong ayaw maawat sa pagbagsak.

'Boyfriend daw pero hindi nagpaka-boyfriend sa akin.'

“Keith! Let me explain. It's not what you think, okay? Hinatid ko lang siya kasi iba na ang panahon ngayon.”
paliwanag nito, ngunit buo na ang loob ko na makipaghiwalay sa taong 'to.

'Hinatid?'

“Naks!” tumawa ako ng pilit, saka napailing-iling ng ilang ulit. “Lakas makaboyfriend sa iba, kaso sa mismong girlfriend mo deadma lang?”

Gusto akong hawakan ng ex ko kaso umatras ako. Ginawa niya ulit kaso umatras pa rin ako. Tapos na. Ayoko na kasi sobrang sakit na e.

“Cmon, Brayle! Just agree with me! Let's just break up!”

Umiling-iling ito, nahagip ng mga mata ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng kanyang mga luha.

“No— please. I love you.”

Napaismid ako, “Isaksak mo sa baga mo 'yang tang*nang I love you mo!”

Tumalikod na ako bago pa magbago ang isip ko. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Kahit may girlfriend na, naghahanap pa rin ng iba. Hindi ba talaga kami sapat? Ginawa ko naman ang lahat, minahal ko siya ng lubusan,  hindi ko siya sinaktan tulad ng ginawa niya sa akin pero bakit nagawa niya pa rin akong lukuhin?

Ano pa ba ang dapat kong gawin bukod sa mahalin siya ng buong-buo?

Ilang beses ko ng nahuli si Brayle na kasama ang babaeng 'yun pero para walang gulo, tumahimik muna ako. Kinalimutan ko ang lahat ng ginawa niya para walang hidwaan ang relasyon namin. Kaso habang umiiwas ako sa gulo, paunti-unti naman niyang sinisira ang relasyon namin.

Ako ang taga-ayos, yung boyfriend ko ang taga-sira.

Waw! Wala akong ibang masabi kundi waw! Nakakaproud talaga ang talento niya. 'Yung nagtatangi niyang talent na ayaw ko sa lahat!

Lumingon ako sa likod ko, umaasang sumunod siya sa akin. Ngunit kahit anino niya hindi ko makita. Natawa ako sa iniisip ko.

Ano ka ba, Keith. Ikaw na ang tumapos pero bakit umaasa ka ngayon na susundan ka? Excuses lang niya 'yon. Umaaktong ayaw niya ng hiwalayan pero gusto naman pala para makasama ang totoong minamahal niya.

Madilim ang kalsada na nilalakaran ko ngayon kahit na may poste naman na patay-sindi ang ilaw. Ako lang ang mag-isang naglalakad sa kalsadang 'to. Walang bahay sa lugar na 'to kahit isa, wala. Tanging waiting shed lang na walang kwenta. Wala kasing sumisilong o kaya'y pumapasok man lang doon. Sabi-sabi kasi nila may nagpaparamdam daw doon.

Kaso nawala 'yung pake ko nang maghiwalay kami ng boyfriend ko. Hindi na ako takot. Hindi tulad 'nong dati na bf ko pa si Brayle, e nag-iinarte ako.

Nagpapahatid kesyo raw natatakot. Pero ngayon? Kahit magparamdam pa sa akin ang multo, isang suntok lang mula sa broken hearted na nag-iisa sa daan ang katapat niya.

Wala ako sa mood ngayon kaya huwag sana siyang magparamdam at baka siya pa ang mapagbuntungan ko ng galit. Edi... makakapatay ako ng ghost.

Tanaw ko na ngayon ang madilim na waiting shed kaya 'yung broken hearted na si ako hinanda na ang kanyang kamao. Nagpatuloy ako sa paglalakad, tila walang takot na nararamdaman.

'Pero 'joke lang pala! Gusto ko ng tumakbo changina!'

Napalunok ako sa takot nang matanaw ang isang tao na nakatayo sa waiting shed. Hindi malinaw sa akin ang mukha nito, pero base sa pagkakatayo niya... nababakas ko ang lalaking anyo nito.

A Love That Was Never Meant To Be [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon