PART 5: Secretly

18 2 0
                                    


Loving him secretly is torturing me; it is inevitably painful to the point where I wish he was aware of my true feelings towards him.

Simula noong gabing 'yon natuto na akong dumistansya sakanya. Hindi man mapigilan na mag-krus ang landas namin, sinusubukan ko namang lumayo ng paunti-unti. Mahirap gawin sapagkat hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mahalin niya ako pabalik.

“Do you miss him?” tinanong ako ni Ghon, na nasa likod ko. Nilingon ko sa kabilang sulok si Brayle na matamlay habang nakikinig. Pagkatapos ay lumingon sa likod. Malamig kong tiningnan sa mata si Ghon, na ikinakunot ng ulo niya.

“Why did you ask?”

Malalim na bumuntong hininga si Ghon, “Of course normal lang naman ma-miss ang isang tao, lalo na kung may malalim kayong pinagsasamahan.”

“Hindi ko siya namiss. Hindi ko namiss ang pinagsasamahan naming dalawa.” diretso kong sagot. Muli akong tumingin sa harap at bahagyang tinapunan ng tingin si Brayle. “I- I just missed the old him..” I whispered.

Kakaiba kasi ang bawat kilos ni Brayle simula noong isang araw. Sobrang tahimik at hindi na nakakausap namin. Bilang isang kaibigan niya, kinamusta ko siya. Pero wala siyang tugon. Wala ni isang tango kaya sobrang nag-aalala ako.

Tinapik ako ni Ghon sa balikat kaya napalingon ako sakanya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. “He needs you.”

Hindi pumasok sa utak ko ang sinabi nito. Umabot pa ng dalawang minuto bago maproseso ng utak ko.

Akala ko ba ayos na kami. Akala ko ba okay na ang lahat.
Pero bakit gusto niya pa rin na bumalik ako sakanya?

“Tapos na kami, at malinaw na sakanya ang lahat.” ang tanging nasabi ko bago tuluyang matapos ang oras.

Inayos ko muna ang mga gamit ko at pagkatapos ay lumabas na. Hindi ko na hinintay pa si Ghon, dahil parte iyon ng pag-iwas ko. Kanina, kung nagtataka kayo bakit ko siya kinakausap, e ang totoo niyan hindi ko lang talaga mapigilan ang bibig ko kapag si Brayle na ang pinag-uusapan. 

“Iniiwasan mo ba ako?”

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit narinig ko ang tanong ni Ghon. Naramdaman ko na nalilito siya sa kilos ko. Well, pati ako nalilito rin.

“Nagtatampo kaba kasi hindi kita nasipot noong araw na 'yon?” patuloy nitong sagot habang naglalakad sa likod ko.

Bakit ako magtatampo? Sino ba siya? Boyfriend ko? Wala sa vocabulary ko ang magtampo gayong hindi namin kami.

“Sorry na, Keith. Babawi ako sayo, promise. What do you want? Gusto mo ba ng ice cream? Kumanta? Gumala? Uhmmm... ano pa nga ba?”

“Tsk. Tsk. Tsk. Ang hirap talaga kapag babae ang nagtatampo, ang hirap suyuin. Pero dahil maha—”

Tumigil na ako sa paglalakad at mabilis siyang nilingon.
Napatigil si Ghon sa pagsunod sa akin, “Hindi ako nagtatampo.” madiin kong sambit. “At lalong ayokong suyuin mo ako. We are not even lovers.”

He looked at me with an amusement look. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ko o huwag na lang. Para kasing nagmukha akong girlfriend niya. Haha.

“Pero sa boses mo pa lang, masasabi kong nagtatampo ka.” pamimilit niya

“Hindi nga ako nagtatampo!” Napabuntong hininga ako at pumikit. Parang gusto kong maiyak ngayon. Pero huwag sa harap niya.

“Sus sa itsura mong 'yan? Hindi? E paiyak ka na nga!”

“Ang kulit mo! Bakit ka pa kasi dumating dito? Sinisira mo 'yung araw ko.” naiiyak kong sigaw. Natigilan siya nang marinig iyon. Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang boses ang lumabas.

A Love That Was Never Meant To Be [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon