<Duncan's POV>
Mentally incapacitated na yata ako, hindi ko alam why my mind made me kiss her yesterday and I even told her I love her. I think that was my “Prince Eric” character talking. Or is it? I really hope it is, because I can’t bear to think that I actually love her. I hope not ‘cause I can’t like her, or worse love. Ano na lang sasabihin ni Rachel? Siguradong masasaktan siya kung sakaling biglang gusto ko nga si Min.
I should have talked to Min yesterday pagkatapos nung play namin about what happened, if only she didn’t disappear on me. For a second I was just holding her hand sa stage and then the next thing I knew may sumundo na daw sa kanyang lalake at sabi ng staff boyfriend pa daw niya.
Boyfriend niya. Hindi ako makapaniwalang sila na pala ni Josh, and I kissed her. Paano kung malaman ni Josh tapos mag-away kami? I can’t let anything come between our team and the soccer cup this season. I already failed coach last year, at binigyan niya ako ng chance to redeem myself kaya ako ang captain this year.
I can’t fail them. I can’t let whatever I’m feeling towards Min, if there’s really even any, to be a hindrance to winning this year. I just simply can’t.
Desidido akong kausapin si Min mamaya, sana dumating siya. Buti na lang may pool party si Miss Vasquez na hinanda for us sa bahay niya mamaya, the parents’ association even consented that we can have a sleepover party after. Sobrang natuwa pala sila sa play namin ng Little Mermaid. Buti hindi nila nakitang hinalikan ko yung 14-year old nilang Little Mermaid, or else! I was saved by the lights.
“Kuya Raynold, pakisabi po pala kay Rachel na wag niyang kakalimutang painumin si Manang ng mga gamut niya.” Last week kasi nahhulog sa hagdan si Manang Hilda, and kahapon naiuwi na rin namin siya, she’s recovering fast despite of her old age, we had to hire a private nurse to see to her needs kahit ayaw mismo ni manang, pero kasi wala kami sa bahay to take care of her personally so I had to, dad wanted too.
Napatingin ako sa labas ng bintana, tama kaya ang desisyon ko to come to this party? Paano ko kakausapin si Min mamaya? Baka iwasan lang ako nun. Mahilig oa man ding umiwas yung taong yun.
“Duncan, dito ba yung lugar ng teacher niyo?” tanong ni Kuya Raynold.
“Opo kuya, kahit wag niyo na po akong sunduin mamaya, baka dito na rin po kasi kami matutulog.” Nirequire kaming magdala n gaming tents para sa may backyard kami matulog, the girls can sleep sa guest bedrooms. Mayaman kasi parents ni Miss Vasquez, president ng school namin parents niya, kay naman itong house na malaki na ito sa kanya lang.
“Sige, pero tumawag ka lang kung gusto mong umuwi, susunduin kita.”
“Sige po kuya, salamat po.” Lumabas na rin ako ng sasakyan.
Pagpasok ko sa gate pa lang rinig na ang ingay sa loob, malakas na music, ingay at halakhak ng mga estudyanteng nag-eenjooy. I’m not a party person, pero I really need to talk to Min.
Kung nakita ko lang sana siya kanina sa school, I’m not going here tonight. Hindi ko kasi manahap yung booth nila, hindi ko rin naman kasi alam kung anong theme ng booth nila, nadivide kasi yung booths sa school para magkakasama ang nagtitinda ng mga makakain at maiinom at nagtitinda ng mga damit and other non-consumable goods para easier access sa mga bisita at estudyante alike.
Pagkapasok ko sa pintuan, bukas na bukas kasi kaya dumiretso na ako sa loob ng bahay, “KUYA!!!” si Elaine, one year younger siya sa akin at girlfriend siya ng kaibigan kong si Karl, yung center forward namin sa soccer team.
“Magbihis ka na sa swimming trunks mo, dali!!! Ikaw na lang ang…” hindi ko alam why she’s grinning. Parang may masama pa yatang binabalak ‘tong si Elaine sa akin, “Uhm, basta, punta ka sa pool later ha? Bihis na dali!” saka ako tinulak hanggang makarating kami sa hagdan, “Yung fourth door sa left, cr yun.” Tapos iniwan na lang niya ako ng ganun-ganun at dumiretso sa likod siguro ng bahay kung nasaan yung pool.

BINABASA MO ANG
I Think I've Met My Match <fin>
Chick-LitMinerva Gatchalian, sophomore in High School, a girl who's tough on the outside but she's actually a sweet girl who's scared of a lot of things but doesn't want to show any weakness. Pero may isang makakatrigger ng lahat ng weak points niya, siya na...