Crush (One-Shot Story)

439 12 0
                                    

A/N: Nainspired akong gumawa dahil sa kaklase ko. Matagal niya na kase akong kinukulit e. Lol. At sa crush ko na nakita ko sa jeep. I love you na!! XD

__________________________________________________

Crush (One-Shot Story)

"Kapatid, kapatid.. halika muna dito?!"

"Hay naku! 'Nu naman 'yan Shiela?"

"WAAAAAH! WAHHHH!". Basag ba 'tong kakambal ko? Ba't siya nagtatatalon dyan? Hmp. Nakakainis. Kitang may ginagawang assignment e. Tse!!

Binatukan ko siya.

"Gaga! Tumigil ka nga. 'Nu problema mo?"

"May nakita ako kanina. May nakita ako!" sigaw parin siya ng sigaw. Di iniisip na nakakabulabog na siya ng mga kapitbahay. Arg! Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

"Ano nga kase?! Kanina ka pa dyan ha? OA much?"

"OA? Hindi OA 'to kapatid. You know? I'm in love... ", sabi niya habang niyayakap ang sarili niya. Naku! Wala na nga. Mukhang natuluyan na e. Jusko! Paano ba ako nagkapatid ng ganito?

By the way, I'm Shayne Perez. Kambal ko si Shiela. We're Identical Twins. Magkaparehas kami sa halos lahat ng bagay, may konte lang na hindi. Katulad ng pagiging isip-bata niya. Hmm. Mature kase ako, lalo na sa pagiisip. Ako na yung tumatayong ate sa aming dalawa. Ano ba kaseng aasahan mo sa babaeng yan? Haay.

Nameywang ako. "In love kanino? Ikaw Shiela, ang bata-bata mo pa. 17 ka pa lang.. tapos, may inlove inlove ka na dyang nalalaman??", sabi ko sa kanya. She pouted her lips. 

"Hmp. Bata? E ikaw hindi? Naku kapatid ha, nakalimutan mo bang kambal tayo? At tsaka.. uuuyyy! Akala mo ba hindi ko alam na inlababu ka na rin? Sino nga ba yun?? Hmmmm", nagkunyari pa siyang nagiisip. Nilagay nya ang  kanyang hintuturo sa sintido niya.

Nagulat at namula ako sa sinabi niya. Arg! Pa'no niya nalaman? E tinago ko lang yung diary ko sa....

"SHIELLLLAA!! PINAKIALAMAN MO NA NAMAN ANG MGA GAMIT KO?!", sigaw ko sa mukha niya. Kainis siya. Kahit magkakambal kami dapat may privacy naman kahit konte no? Arg!

Mabuti na lang at di ko masyadong binulgar ang crush ko. Jet ang pangalan niya. Nakita ko lang siya sa starbucks noong nagkape kami ng mga kaklase ko. Gwapo.. Matangkad.. Maputi.. Medyo singkit ang mga mata. .. Ay! Bakit ko ba siya naiisip ulit? Kinikilig tuloy ako. Whaha.

Inekis ni Shiela ang dalawa niyang kamay. "Hindi a. Sinilip ko lang.. Haha"

"Ewan ko sayo!", padabog akong lumabas ng kwarto. 

"Teka Teka kapatid. Wag mo akong iwan. .Tulungan mo muna akong mahanap ang future brother-in-law mo. Hay! Sayang! Hindi ko nakita ang ID niya kanina pagsakay ng jeep. Sa'n ko kaya hahanapin yun?"

Napalingon ako sa sinabi niya. Aba! Aba! Aba! "Hoy! Shiela M. Perez, mas malala ka pa pala sa akin e.. In love ka na agad sa lalaking nakita mo lang sa jeep?", napa face palm ako. "Ang harot mo ha? Ang cheap pa. Ew!", dagdag ko.

"Harot ka dyan! Kasalan ko bang tumibok ang puso ko? Ako ba ang kumontrol? Diba hindi? Tse!"

Pinaypay ko sa hangin ang kamay ko. "Ay.. bahala ka dyan. Basta ako aalis na. Babush!"

Crush (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon