MULTO

0 0 0
                                    

👻🎃 HALLOWEEN SPECIAL 🎃👻
-[●One-Shot Story●]-

~• M U L T O •~

Parehong OFW sina Luisa at Mario sa bansang Roma.

Duon na silang dalawa nagkakilala at naging magkasintahan.

Nang matapos ang kontrata nila Mario at Luisa ay sabay na silang umuwi ng Pilipinas.

Pinasya nila na kumuha na lamang muna ng isang apartment na matutuluyan. Maliit lamang ito ngunit maayos na matitiran.

Wala naman kasi silang balak na  matagal na manirahan dito sa Pilipinas.

Kaya nga kahit nasa mahigit dalawang buwan pa lamang silang nananatili dito sa Pinas ay pinili na nila ang mag-aaply kaagad. At pinalad naman silang pareho na natanggap din kaagad.

Kaya naman ngayon ay ini-enjoy na lamang nila ang kanilang bakasyon habang hinihintay ang tawag mula sa agency kung kailan sila magrereport.

Isang araw, nagising na lamang si Luisa na masama ang kanyang pakiramdam.

Sa labis na pag-aalala ay idinala kaagad siya ni Mario sa ospital.

Ngunit nagulat sila sa kanilang natuklasan.

Buntis pala si Luisa at halos dalawang buwan na din ito.

Nabigla man si Mario sa narinig ay halos maglulundag naman ito sa labis na kaligayahang nadarama.

Sobrang saya niya dahil magkaka-baby na sila ni Luisa.

Kung gaano kasaya si Mario ng mga panahon na iyon ay siya namang kabaligtaran ang nararamdaman ni Luisa.

Labis ang kalungkutang nadarama niya.

Hindi niya alam na ganun ang mangyayari.

Ang akala niya ay delay lamang ang kanyang menstruation, normal kasi sa kanya ang ganuon.

Hindi niya na rin kasi napansin at namalayan na dalawang buwan na pala siyang hindi 'dinadatnan'.

At ang isa sa labis niyang ikinalulungkot ay alam na niya kasi ang susunod na mangyayari at hindi nga siya nagkamali rito.

Tanging si Mario lamang ang pinayagan ng kumpanya na makaalis papuntang ibang bansa.

Dahil kasi sa kalagayan ni Luisa kaya hindi nila pwedeng payagan ito. Nakita kasi sa medical nito na buntis nga siya.

Malungkot man ay wala silang magagawa.

Nangako naman si Mario na malimit itong tatawag sa kanya at magpapadala ng pera.

Hinikayat pa nga siya ni Mario na kumuha ng katulong para may makasama siya pero hindi siya pumayag.

Wala din naman kasing makakasamang pamilya itong si Luisa dahil ulilang lubos na siya at wala rin siyang kilala maski isang kamag-anakan nila.

Malungkot na malungkot si Luisa habang hinahatid si Mario papuntang airport.

Sa byahe pa lamang ay iyak na ito ng iyak.

“Oh honey wag ka na umiyak. Makakasama iyan sa baby natin eh” paglalambing ni Mario dito habang yakap-yakap siya nito.

“Eh sa nalulungkot ako eh. Matagal kitang hindi makakasama” parang batang umiiyak na sabi ni Luisa.

“Don’t worry, honey. Palagi naman akong tatawag eh. At saka hihingi naman ako ng emergency leave kapag malapit ka ng manganak para sabay nating sasalubungin ang baby natin. Mabilis lang ang mga araw.” sabi ni Mario.

Multo [One-Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon