Pangatlong Slice

597 32 2
                                        


Richard's POV

Nagising ako ng umalarm yung phone ko at napansin kong gising na si tatay at inililigpit ang pinaghigaan nya. Pinatay ko na yung alarm at nagpasyang tumayo na rin.

"Good morning tay." Sabi ko matapos ko pang maghikab at kinukuskoskuskos ang mga mata ko.

"O nak, aga mo namang nagising. Matulog ka pa ng onti at may pasok ka hindi ba?" Tanong nya sa akin habang tinatapos nya iyung pag tupi ng kumot nya.

"Hindi tay. Wala kaming pasok pala ngayon. Na text sa akin kagabi, binaha daw ang school." Sinimulan ko na ring ligpitin ang hinigaan ko. Napatingin naman ako sa bintana sa labas at talagang napaka dilim pa ng langit. Madilim man ang langit eh maliwanag naman dito sa lugar nung mansion dahil nga dun sa mga poste ng ilaw.

"Ah ganoon ba? Sige, matapos mo riyan ay maghilamos ka na duon sa banyo at nang makapag almusal na tayo." Nagtungo si tatay sa labas nitong tinulugan namin at nag unat unat ng sandali.

Tinungo ko naman ang maliit na banyo dito sa kuwarto namin. Naghilamos ako at nagsipilyo. Habang nagsisipilyo ay di ko maiwasang tignan ang sarili ko sa salamin at mapaisip. "Ito na, unang araw ko dito at unang araw ko rin sa trabaho. Sana maging maayos lang ang lahat." Nginitian ko nalang ang sarili ko sabay mumog.

Paglabas ko nung pinto namin ay nakita kong may mga lalaki na ring naglabasan sa mga iba pang pintuan na katabi namin. Mga kasambahay rin siguro sila rito. Lima o anim ang mga nakita ko at sila ay mukhang mga nasa 30's to 40's na nila.

Binati namin sila ni tatay ng magandang umaga at pinakilala nya ko sa mga ito. Di ko naman nagawang tandaan ang lahat ng mga pangalan nila. Dala na siguro ng antok pa ako kaya puro kuya lang ang tawag ko sa kanila. Lahat kami'y nagtungo dun sa dulong lugar nung mga pinto at duon ay may lamesa. Nakita ko nanaman yung umasikaso sa aming matandang babae kagabi at sya ngayon ang nag aayos ng mga pagkain dito sa mesa.

"Mabuti't nagising na kayo. Sige na at magsikain na kayo para diretso na tayo sa trabaho." Sabi nyang ganyan habang naghahain ng mga baso at plato.

"Yun o. Ang galing talagang mag asikaso ni manang Alice. Sarap mag luto." Sabi nung isang lalaki habang sya'y umupo at kumuha ng pandesal.

Umupo na rin kaming lahat at nagsipag kain na. Bago umalis si manang Alice ay napalingon sya sa akin.

"Ay iho, ano na nga ulit ang pangalan mo?" Tanong nya na parang nanliliit yung mata nya, yung tipong inaalala nya sa isip nya yung ngalan ko.

"Richard ho." Sagot ko naman.

"Oo nga, hahaha, Richard!" Napa palakpak pa sya. "Eh mamaya kasi ay magbabagsak ng mga prutas dito, tulungan mo kaming magbuhat at ayusin iyong mga iyon sa kusina ha. Patawag nalang kita." At matapos nyang sabihin iyon ay tuluyan na syang naglakad papalayo.

"Nak maglilinis tayo dito sa hardin. At matapos nun ay yung swimming pool naman." Pag papaalala sakin ni tatay habang humihigop ng kape.

"Sige tay." Tugon ko.

"Nako boy, wag mo masyadong pagurin sarili mo ha. Yang tatay mo adik sa gawain kaya ang bilis tumanda eh." Naka ngising sabi nung isang lalaki na katabi ni tatay.

"Magsipag rin kasi kayo. Sayang naman yung sinusweldo sa atin nila sir kung di tayo magsisipag. Kayo dapat lagi kayong alisto, kayo pa naman ang nagmamaneho sa kanila." Parang pangaral ni tatay dun sa mga kasama namin. Ngayong naka upo kami ay nabilang ko na na 5 sila. Bale pito kaming lahat dito sa mesa at lahat lalaki. Mukha ring driver sila, dahil nga sabi ni tatay eh nagmamaneho sila.

"Talaga tong si mang Carding O. Nagbibiro lang naman ho. Pero kung pwede lang kayong awardan, kayo na ang most masipag dito." Sabi ulit nung lalaking katabi ni tatay.

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon