“Seriously, type mo yan? Eh mukha ngang bakla eh!” banat sakin ni Lorely.
Tinitignan kasi naman ngayon yung DP ni crush ko. Palagi niyang sinasabi na mukhang babae daw si crush, kesyo payat daw siya at walang abs. Basehan ba nang pagiging lalaki ang pagkakaroon ng abs?! Hindi naman di ba?
Bakit may mga babae na makakita lang ng abs, kinikilig na. Anuh ba naman yan. Para ka lang manyakis. Psh.
Nagkibit-balikat lang ako at hindi na pinansin ang pasaring ng magaling kong kaibigan. Palibhasa kasi mas gusto niya yung kuya ni crush na sobrang laki ng katawan at feeling ko, madudurog ang buto mo kapag niyakap ka niya. Gets? Siya na ang may crush dun. Basta ako, si Cutie Pie lang ang crush ko.
“Titig na titig ka sa DP niya hindi ka pa nga rin niya inaaccept. Kung ako sayo, titigilan ko na yung pagpapantasya sa kanya. Wala kang mapapala diyan. Ni wala ngang laman yan eh! Tignan mo yung katawan, sobrang payat! Ni walang abs! My god, JM! Pumili ka naman ng mas pogi diyan. Yung worth na maging crush mo no. Duh!”
Napasimangot na lang ako sa sinabi niya. So what kung payat siya? So what kung sobrang ganda niya? So what kung mukha siyang babae instead na lalaki? So what kung crush ko siya! Masama ba yun?
Pumunta na lang ako sa home page ng facebook at nilingon ang bestfriend ko na nakatayo sa tabi ko. “Wag mo ko itulad sayo Rhel. Hindi ako mahalay na tulad mo.” Sabi ko sa kanya na may kasama pang irap.
Binatukan ba naman ako after kong sabihin yun! UGH! Ewan ko ba kung bakit naging besfriend ko to.
*beep*
May noti ako sa fb. Tinignan ko and poof! Bigla akong napatili!
“Waaaa! Lorely!!!!! Inaccept na niya ako! Waaa.!” Tumatalon-talon ko pang sabi. Grabe! Kanina lang nag-aaway kami ni Rhel dahil diyan sa issue na hindi pa ako inaaccept ni cutie pie. Tapos… tapos… tapos…! Waaa! Inaccept na rin niya ko sa wakas!
Tapos may nag-pop up na message. Pangalan ni cutie pie yung nakalagay. OH M ! Kinikilig ako!
“Rhel, bubuksan ko ba o bubuksan ko?”
“Pake ko?” walang ganang sagot sakin ni Lorely. Napasimangot tuloy ako.
“KJ mo. Psh.”
“Whatever. Punta muna ko sa kusina niyo. Titingnan ko kung may malalafang ako sa ref niyo.”
“Whatever. Suit yourself.” Sabi ko na lang.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. HOOH! Kaya ko to! Aja! Fighting! Ganbatte!
Tuluyan ko nang pinindot ang chat box ni cutie pie.
Xtian Sebastian
Do I know you?
Owww… Tinatanong niya kung sino ako. Well, hindi naman po kasi ako niyan kilala eh. Tapos yung DP ko pa eh si Luka Megurine. Yep. Hindi ko mukha yung DP ko. Ayoko kasing ikalat ang picture ko eh. Sensya naman.
Jie Em
I don’t know J
Pero I do know you
Nagalit kaya siya sakin? Hindi naman siguro. Wala naman siyang dapat ikagalit eh.
Xtian Sebastian
Ok. Schoolmates ba tayo? What’s your real name?
Sasabihin ko ba ang name ko o hindi? Magpakipot kaya muna ko?
BINABASA MO ANG
Crush Ko Si Cutie Pie (Lalaki na Mukhang Babae) [One Shot]
Short StoryRead if you want. Ask for a softcopy if you want. I don't really care. Just give your email add then i'll send the softcopy to you. Ja ne~