Sofia & Peter

6 1 0
                                    

Hingal na hingal sa pagtakbo ang isang lalaki sa loob ng hospital. Nagmamadali, sinusubukan niyang buksan isa-isa ang mga pinto sa madilim na pasilyo. May isang kwartong hindi nakakandado at doon na siya agad pumasok, at kinandado ang pinto. Paghabol niya lang ng paghinga ang maririnig habang nakasandal sa pinto.

Halos mapatigil ang puso niya nang magliwanag ang paligid, at nakita ang isang dalaga na nakaabot sa sindihan ng ilaw. "Sino ka—?" Agad pinatay ng lalaki ang ilaw at tinakpan ang bibig nito. Parehas sila walang imik nang may dumaan sa pasilyo. Ilang sandali pa'y kumatok ito. Tinuro ng dalaga ang malaking bagahe sa ilalim ng kama niya para doon magtago ang lalaki.

"May nakita ka bang pumasok dito?" tanong ng nurse na balot ng PPE nang pagbuksan siya ng dalaga.

"Uuuh, wala naman po."

Sumilip pa ang nurse at umalis din kalaunan. Lumabas sa pinagtataguan ang lalaki at sumilip sa bintana kung saan pumapasok ang kaunting liwanag ng gabi.

Pero may halo na itong makukulay na pula at asul. Sinara na lang niya ang bintana at hindi mapakaling nagpalakad-lakad dahil napapalibutan na ng mga pulis ang buong building. Nang masulyapan ang maliit na refrigerator, dali-dali siyang nangalikot ro'n at kumuha ng makakain kahit malamig. Malalaking subo at mabibilis na lagok ng tubig.

Naalala niyang hindi siya nag-iisa. Nakita niya lang na tahimik nagbabasa sa higaan ang dalaga. Sa kabila ng kaputlaan at kapayatan ng dalaga ay kahali-halina pa din siya, o dala lang 'yon ng effects ng ilaw ng lampshade na tumatama sa mukha niya at pagbabasa ng Bible—sa isip ng lalaki.

Tsaka niya lang napansin na may mga furniture sa kwarto. Aalis na lang sana siya nang magsalita ang dalaga, "Dito ka muna. Covid area ito kaya for sure na hindi ka mapupuntahan ng mga pulis dito."

Covid Area. Walang kaalam-alam ang lalaki, sarcastic na lang siyang napatawa sa sarili. "Lintik na buhay..."

"I know right."

Napaupo na lang sa sahig ang lalaki, nakasandal sa pader. Kahit naman pala iwasan niya ang mga pulis ay mapapadpad pa din siya sa kalagayan na hindi niya magugustuhan. Mayamaya tinabihan siya ng dalaga sa kabilang gilid ng pinto, ito ang pumapagitna sa kanila. Sinuot na lang ng lalaki ang hood ng jacket niya't sumubsob sa mga tuhod niya.

Nagtaka na lang siya dahil humihikbi ang dalaga. "Ang galing talaga sumagot sa prayers ni Lord 'no?" mahinahon niyang sabi.

"Sinasagot ko pala," pambabara naman ng lalaki.

"Sumasagot Siya. Napakarami Niyang binibigay sa'tin kaso hindi natin napapansin dahil mas nakatuon tayo sa mga hindi Niya binibigay. Kaya ako, sapat na sa'kin 'to." Hindi na mawala ang matamlay na ngiti ng dalaga. "Bakit mo tinatakasan ang mga pulis?"

"..."

"Nagnakaw ka? Dahil gutom na gutom ka na?"

"..."

"Hmm. Alam mo ba, dito na 'ko halos nakatira. Wala pang Covid, hindi pa 'to ginagawang Covid Area, dito na 'ko nakatira. Nagkakaubusan na kasi ng hospital beds kaya na-occupy na nila 'to. Pinagbabawal akong lumabas. Mas lalo tuloy malungkot. Palaging mag-isa. Ngayon lang nagkabisita."

"Ineng, hindi ako nagpunta dito para manood sa live K-Dramahan mo."

Napatawa lang ang dalaga.

"Hindi ako nagpapatawa."

"May dahilan kung bakit ka napunta rito."

"... May dahilan din ba bakit hinayaan ng Diyos niyo ang Covid, kaya ako nawalan ng trabaho, kaya ako kumapit sa patalim at nalaman ko na lang na hinahabol na 'ko ng mga pulis? Sa lahat ng nangyari sa'kin... Matagal na 'kong kinalimutan ng Diyos."

Getting to Know Someone You Never MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon