PROLOGUE

21 0 0
                                    


Paiyak-iyak ako habang hinaharap ang ama ko. Diyos ko! Bakit po ba kailangan kong maranasan ang sitwasiyong ito? Gusto ko lang naman pong maging masaya sa kung ano ako, bakit ayaw naman ng ama ko?

Sa mundong ito, lahat may karapatang sumaya. Pero parang kontra sa akin ang mundo. Sumasaya ako, binabawi naman kaagad. Malas ako kung baga. Omega, Alpha, Beta at Enigma, pantay-pantay. Pero pagdating sa akin, para akong kinamumuhian ng mundo.

Bata palang ako alam ko nang ako ay isang Omega. Ang Omega ay may kakayahang makapagbuntis at manganak. Ang Alpha naman ay mas malakas ang pheromones kaysa sa mga Omega at Beta. Yung Beta naman, hindi sila gaanong naaapektuhan ng pheromones ng Alpha at Omega kaya hindi sila kaagad nanghihina. Enigma naman, mas malakas pa sa Alpha at lalo na sa Beta at Omega.

Ayaw ko talagang maging Omega. Ayaw kong maging mahina. Wala na akong magagawa kasi ito na talaga ang kapalaran ko. Walang mangyayari kung iiyak lang ako hanggang sa mauubos pa ang luha ko. Hindi na mababago ang reyalidad.

"T-Tay . . . 'w-wag naman po g-ganoon."

Nagmamakaawa ako kay Tatay habang nakaluhod sa harap niya. Nagmamakaawang huwag niyang itaboy. Hindi ko kaya.

"Wala akong anak na Omega! Lumayas ka rito! Salot sa lipunan ang mga katulad mo!"

Timatak sa akin ang katagang iyon na galing kay Tatay.

"Tay naman. M-Maawa po k-kayo, Tay", nanginginig na ang boses ko.

"Doble pa ang kasalanan mo sa akin, Koa! Hindi Omega ang ini-expect ko sa iyo!"

Bawat masasakit na salita na binabato sa akin ni Tatay ay nagpapasikip sa dibdib ko. Patuloy na umaagos ang aking mga luha na naging dahilan sa paghabol ko sa aking hininga.

Sinara ni Tatay ang pinto ng aming bahay habang ako, nakaupo sa lupa katabi ang mga damit kong itinapon niya. Ano na ang gagawin ko ngayon.

Imbes na umiyak ako dito, pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Niligpit ko ang mga damit ko sa aking mjnting maleta at nilisan ang bahay.

Wala na akong mapupuntahan. Pinagtabuyan na ako ng ama ko. Saan na ako pupunta ngayon? Paano ako magsisimula ulit? Ang sakit! Sarili mong ama hindi sa tanggap. Bakit yung iba tanggap sila? Bakit ayaw sa akin ng mundo? Ng lahat?

"Apo, mag-iingat ka ro'on, h-ha?"

Hawak ni Lola Mathilda ang mga kamay ko habang umiiyak. Luluwas na ako ng Manila para do'on na mag-aral. Nakakuha ako ng scholarship sa isang malaking paaralan.

"La, mahihirapan po ako sa pag-alis niyan kung umiiyak kayo."

Pinunasan ko ang luha ni Lola gamit ang hinlalaki ko.

"B-Basta apo, i-pangako mo sa akin n-na m-mag-aral ng mabuti. Alagaan mo ang sarili mo h-ha?"

"Opo La, pangako ko po sa inyo na tutuparin ko ang pangako ko po sa inyo. 'Wag na po kayong umiyak."

Dumating na ang traysikel na sasakyan ko. Ilang oras din ang biyahe galing dito sa Cebu papuntang Manila.

"La, nandito na po ang traysikel. Aalis na po ako La."

"Tito Rey, ikaw na po bahala kay Lola Tito. Ang gamot niya po, 'wag niyo po kalimutang painumin si Lola ng gamot niya."

"Ako na bahala, El. Mag-iingat ka. Mag-aral ng mabuti." - si Tito Rey at niyakap ako.

Hinagkan ako ni Lola, yumakap din ako sa kaniya. Ramdam ko na mam-miss ako ni Lola. Ako rin naman, e. Hindi madaling iwan si Lola. Ang hirap lalo na, malayo kami.

"A-Apo . . . Mam-miss k-kita. Pagbutihin mo ang pag-aaral, ha? Tumawag ka s-sa amin."

Kumalas na ako kay Lola at umangkas sa traysikel. Kumaway ako sa kanila at umalis. Sa loob ng traysikel ako umiyak.

Si Lola Mathilda ay ina ni Tatay. Si Kuya Rey naman, naka-babatang kapatid ni Tatay. Sila yung kumupkop sa akin nung panahong itinaboy at pinalayas ako ni Tatay. Malaking pasasalamat ko sa kanila dahil tinulungan nila ako. Ngayon, ako naman ang babawi sa kanila. Kahit magkakalayo kami, gagawin ko para makabawi sa kanila.

Magsisimula ako ulit ng bagong buhay sa Manila.

[AES1] Loving Him  Where stories live. Discover now