KOA'S POV
"Koa!" sigaw sa akin ng kaibigan kong si Heart.
"Huy bakla!", si Frinn na bakla kong kaibigan.
Sinakal niya ako ng paulit-ulit habang si Finn naman, sinasabunutan yung buhok ko. Nakakayamot!
Tinulak ko si Heart pati si Frinn. Ang OA!
"Aray! Ano ba?! Makasabunot, makasakal akala niyo naman hindi ako tao!" galit kong tugon sa kanila at inayos ang sarili.
"Huy bakla! Kanina ka pa namin hinahanap."
"Ano ba'ng meron? Makatili kayo para kayong uod na nilagyan ng asin!"
Matagal ko ng kaibigan si Heart at Frinn. Sila ang una kong naging kaibigan ng first day ko rito sa University
Tinampal na naman ni Heart yung balikat ko. "Kasi bakla yung mga pogi nandito kanina! Ang gwapo! Sobra! Naku! Wala ka kasi do'on kaya hindi mo nakー", naputol yung sinabi ni Heart ng makita ko siyang nakatingin sa ibaba ko.
Sinundan ko ang titig niya at nakitang nakatingin sa cellphone ko. Kaagad ko itong pinatay at tinignan si Heart.
"Kaya pala. Panay tingin kasi sa crush mong hindi ka naman kailanman ic-crushback", sawing saad sa akin ni Heart.
Inirapan ko siya. "Bumoses yung akala mo naman na-crushback din! Che!"
"Huy kahit na hindi ako na-crushback, marami pa rin ang nagkakagusto sa akin, noh."
"Hanapin mo pake ko, Heart."
"Si Koa naman yung hinahabol, Heart. Hindi ikaw. Feelingera kang bakla ka." patawa namang sabi ni Frinn.
"At least ako hindi na-cheat diba?" Inirapan ni Heart si Frinn.
Sinamaan ko ng tingin si Heart at bumahing sa cellphone ko. May point siya.
Childhood bestfriend ko si Leigh. Close kami nun kasi close rin yung nanay niya at nanay ko. Nauna rito sa Manila si Leigh dahil lumipat sila, laking tuwa nga nun nung balita ko sa kaniya na sa Manila na ako mag-aaral
"Mama mo...", palaban naman ni Frinn.
"Saka ikaw Koa, na-busted ka na ni Leigh diba? Bakit tingin ng tinginーadmire na admire ka parin sa kaniya? Hindi tayo pasok sa standard nun, bakla! Akala mo hindi ko nakita yang pang-ii-stalk mo sa kaniya? Naku!", si Heart.
Napaaisip ako sa sinabi niya. Sabagay, may point siya roon. Tanggap ko na rin naman ang pag-busted ni Leigh sa akin pero anong magagawa ko kung gusto ko parin siya? Alam kong may gusto siyang iba kaya, mas pinili ko na lang na itago ulit ang natitirang pagmamahal ko sa kaniya.
"Huy! Nag-m-moment kana naman!", panggugulat ni Heart sa akin.
Hindi na ako nakatiis at tinampal ko na ang balikat niya. Bwesit na babaeta ito, kanina pa sapak ng sapak!
"Kanina ka pa, huh!"
"Aray! sorry na naman!"
"'Yan, deserve mo iyan!", patawang saad ni Frinn.
Patungo na kami sa school canteen pero itong si Heart, dada ng dada. Wlaang preno ang bibig. Kulang na lang lagyan ko na ng packing tape ang bibig ng babaeng ito para manahimik.
"And you know? Anong akala niya sa akin? Mukhang pera? Duh! The nerve of that stupid hyena na mukhang unggoy! Gusto lang niya akong matikman kaya siya nakipag-balikan sa akin. Urgh! Kadiri!", pandidiri pa nito. Ang ex niya ang tinutukoy niya, nakipag-balikan daw, e.
Hindi ko alam kung kanino ako makikinig. Maingaw kasi rito sa loob ng canteen tapos sumasabay pa si Heart‚ hindi na nagsaya kaka-dada sa amin tungkol sa ex niyang nakikipagbalikan sa kaniya.
Nang makaupo pa kami sa inukupang table namin, muntikan na akong makasuntok ng may humawak sa likod ko.
"Ilay. . .", it took a second for me to recognized the owner of the voice. Lumingon ako sa tumawag sa akin at natunaw na naman ang puso ko ng makita ko si Leigh. Tumabi siya sa akin at hindi ko naman mapigilang mapangiti.
"Leigh. . .", mahinhin ko namang tawag sa kaniya. Ah! Iba talaga kapag kasama ko siya. Nakakalimutan ko na lang na busted na pala ako sa kaniya.
"Free ka mamaya? Sumama ka na sa bar, oh. Hindi ka naman sumama sa akin nung una. Lahat naman tayo pupunta, e. Nagyaya yung mga classmates natin.", masaya niyang tugon sa akin. Nakahawak pa siya sa braso ko at nakasandal ang ulo sa balikat ko. Grabe! Hindi ko matiis.
"Ay! Sorry, Leigh. Hindi makakapunta si Koaー", hindi ko na pinatapos si Heart at inunahan na siya.
"Sige! S-Sige, sasama ako. Kami, diba?", tumingin ako kina Frinn at sinamaan sila ng tingin.
"Anong. . .", hindi na natapos ni Heart yung sasabihin na ng yakapin ako ni Leigh.
"Oh my gosh! Thank you, Koa!", sabi niya at kumawala si Leigh sa pagkakahawak sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya at ng lumingon ako kina Frinn, inirapan nila ako. Alam ko namang ayaw nilang dalawa kay Leigh.
Kumuha ako ng fries sa pagkain ko para subuan si Leigh ng biglang nagkagulo dito sa loob ng canteen. Agaw-atensiyon ng lahat ang tatlong lalaki na naglalakad sa gitna ng canteen. As usual, nagkakasigawan ang lahat. Sumama ang timpla ng mukha ko ng makita ang nasa gitna nila. Sila yun. Ang tatlong magkakapatid na 'yan. Umalis si Leigh sa tabi ko at lumapit sa kanila.
"Halatang-halata naman na may gusto si Leaigh kay Mikhael . . .", tumingin ako kay Heart. "Bakit habol ka pa rin ng habol?", pang-aasar nitong sabi.
Tinignan ko lang si Leigh na masayang nagsasalita kay Mikhael. Hindi ko naman mapigilang hindi magselos. Itong si Mikhael wala ring reaksyon sa sinasabi ni Leigh. Ang nakababa niyang tingin ay umangat at nahapit niya ang mata ko.
Gusto kong umiwas pero parang hinihila ako ng titig niya. Umangat ang kaniyang kilay kaya umiwas na ako. Talo na naman. Palagi na lang.
YOU ARE READING
[AES1] Loving Him
AkcjaKoa, an Omega boy who was rejected and disowned by his father, and grew up with his grandmother and uncle. In order to continue his studies, Koa needed to go to Manila after receiving a scholarship to a very beautiful and famous University, where he...