G H O N A L F E R E S
“Gusto ko siya pero may girlfriend ako.”
***
One week lang naman sana. 'Yong isang linggo kong bakasyon sa probinsya naging isang buwan simula noong makilala ko siya.
Natatandaan ko pa ang una naming pagkikita. Kanina pa ako naglalakad sa kalsadang hindi ko alam kong may mga bahay paba sa unahan. Dalawang beses kong binalikan ang tinahak kong daan kaso naligaw lamang ulit ako. Kaya nang makita ko ang isang waiting shed ay tumigil ako roon, umaasang may dumaan.
Nakatayo ako sa isang waiting shed na tila hindi na ginagamit pa. Pansin kong patay-sindi na ang mga poste sa lugar na 'yon. Wala ng dumadaan sa kalsada na dinadaanan ko, dahil bukod sa abandonado mukha itong haunted.
Maya-maya pa nakita ko sa unahan ang isang babae na mabagal na naglalakad, hindi pa siya umabot sa waiting shed. Nakita kong napatingin ito sa kinatatayuan ko pagkatapos ay biglang bumilis ang kanyang lakad habang diretso ang tingin sa unahan.
Pansin ko na hindi siya mapakali habang naglalakad. Nang makalampas siya sa waiting shed ay sinundan ko siya. Tinawag ko siya ng isang beses ngunit parang hindi niya ako narinig. Kaya napagpasiyahan ko na sundan siya.
Ilang minuto ko siyang sinusundan hanggang sa tumigil siya sa paglalakad kaya huminto rin ako, saglit na nagtama ang aming mata hanggang sa sinigawan niya ako na tila badtrip na badtrip sa akin.
“Bakit mo ako sinusundan?!” natatakot na sigaw ng babae. Nagpatuloy ako sa paghakbang, at bahagyang nabigla nang mabilis na tumalikod ang babae at tumakbo palayo. Tumakbo rin ako para habulin siya. Tumigil nga siya ngunit bigla akong sinuntok sa mukha na naging dahilan ng pagkatumba ko at mapaupo sa lupa.
Namangha ako sa ginawa ng babae. Seryoso? Babae ba talaga siya? Tumayo ako, ramdam ko pa ang pagkahilo ngunit nakaya ko namang tumayo. Nagsalita siya na agad ko namang sinagot hanggang sa nauwi kami sa murahan. I mean, siya lang pala ang nagmumura.
Ang ayoko talaga sa lahat ay 'yong minumura ako. Sa tuwing nangyayari sa akin 'yon nababadtrip ako. Lalo na kapag babae ang nagmumura.
At dahil minura ako ng babae, ang ending ay nasa baranggay kami nauwi. Actually, magtatanong lang naman sana ako kung bakit walang bahay sa lugar na ito at kung alam ba niya ang bahay ni Tiya Timothy Morris.
Pero hindi ako mababaw ha? Dahil lang sa minura ako, nagpapabaranggay na.May rason din ako. Hindi ako nananakit ng babae kaya ang Kapitan na ang bahala. Pinabaranggay ko siya para mabigyan ng parusa.
Simula 'nong araw 'yon, parati ng nagkrus ang landas naming dalawa. Sa huling araw ng punishment niya at 'nang napagpasiyahan ko na pumasok. At bilang isang transferee, kailangan akong i-tour para malaman ang pasikot-sikot ng paaralan at hindi ako maligaw.
Tanghali 'yon, hinihintay ko sa office ang babae na sinasabi ng Headmaster ng school na papasukan ko. Dumating nga ang babae at natuwa na lamang ako nang malaman na kilala ko ang magto-tour sa akin.
Si Keith. Ang astig at matapang na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko.
Sa loob lamang ng ilang araw naming pagsasama, tuluyan ko na siyang nakilala. Broken-hearted pala siya noong una naming pagkikita. Kaya pala medyo masungit siya at galit sa mga lalaki kasi naghiwalay sila ng boyfriend niya. At ang mas nakakatawa pa, magkaklase ang dalawa.
Brayle ang pangalan ng ex-boyfriend niya. Na halatang hindi pa nakaka-move on dahil parati itong tumitingin sa direksyon ni Keith.
Napangiti ako nang mahuli ko ulit si Brayle na nakatitig kay Keith samantalang nakikinig naman si Keith, na nasa harapan ko lang nakaupo. Tinusok ko sa tagiliran si Keith nang may maisip na kalokohan, naiinis niya akong nilingon.
BINABASA MO ANG
A Love That Was Never Meant To Be [COMPLETED]
Teen FictionHindi siya ang pangunahing bida kung hindi isa lamang siyang pangalawang tauhan na binigyan ng pagkakataon na maiparating sa lahat ang tunay niyang nararamdaman para sa isang babae na hindi niya kailanman nasabi.