Esme 9

146 14 2
                                    

Maraming gamit na ang ginawa kong pambukas o di kaya ay pinaghahagis upang makaalis sa kwartong ito ngunit nabigo akong muli kagaya kahapon, ng mga nakalipas na araw, dalawang linggo at hanggang umabot na ng isa at dalawang buwang pananatili ko rito.

Dumausdos ako sa napakakapal na antigong pinto, marahas na pinalis ko mula sa pisngi ang mga luhang walang kapaguran sa pagtulo, animong gripong sira. Pagkatapos ng rebelasyong nangyari sa mall ay sinubukan ko nang makipaghiwalay sa kaniya dahil kapatid nito ang sumalbahe kay Ate Carmelita, pero hindi pa ako nakakalayo nariyan na siya at basta na lamang ako dinala rito.

Gustong gusto ko ng umuwi sakay Mommy at Daddy upang magsumbong at maglupasay sa iyak ng walang humpay. Pero nahuli ako ni Viko sa gitna ng aking pagtakas, kaya mula nun itong apat na sulok lamang ng kwarto ang naging mundo ko.

Hindi ang pagtakas ko ang rason bakit niya ako kinukulong dito.

Tumayo akong muli upang humiga sa kama, pabaluktot ang porma ng aking katawan, at tyaka ko niyakap ang mahabang unan sa gilid.

Nagtalo kami at sobra siyang nagalit sa akin.

Suminghot ako nang madako ang paningin ko sa camisole na aking suot, pagka't ang tela ay yari sa manipis at makintab na habi hindi nun naitago ang maliit na umbok.

Kulang ang salitang pigang piga ang unan sa uri ng yakap na aking ginagawa. I cried again, like I've been doing for the past two months. Hindi nakakatulong sa akin ang mag-isa lamang sa apat na sulok ng kwartong ito.

Alam ko na ang lahat, napagtanto ko sa huli ang mga kasamaan niya na siyang bumago sa takbo ng aking buhay, kaya't hindi ko napigilang kastiguhin siya at kumpruntahin sa paraang hindi ako talo kahit lahat ng sa akin ay nakuha na niya.

Hinimas ko ang palad doon upang malipat ang init na saking kamay na nagmumula. Napakislot ako nang tumunog ang doorknob, that's the que, na siya mismo ang magbubukas para tignan ang kalagayan ko rito.

What did I do to make him imprison me like this? I was reminiscing about the moment I fought for my freedom, which will never be granted no matter how I beg for it.

"Hindi kita Mahal! Kahit kailan Viko hindi kita sinubukan o susubukang mahalin! Iisang lalaki lang ang minahal ko at habambuhay na iyon kahit ikaw pa ang asawa ko! It's because of you, kaya kami nagkasira ni Cariño! Shit ka! Pinagbubuntis ko na sana ang anak namin ng taong mahal-" Natigil ako ng bumunot siya ng baril upang magpaputok ng ilang beses sa ere.

Nahintatakutan ako at napaatras.

"Sige, barilin mo ako! Riyan ka naman magaling, manakot! Bakit hindi mo gawin!" Tudyo ko.

He looks murderous.

Ang talim ng tingin niya sa akin, I tried to give him the sharpest glare to equal him, but he abruptly walked toward me after dropping the gun suddenly. Hinaklit nito ang braso ko sa mahigpit at may karahasang paraan.

"Shut up!" Mariin, na may gigil niyang anas.

Mahigpit nitong hinawakan ang aking baba, nagsukatan kami ng masamang tingin. Tila hinahalukay ang pinaka malalim kong pagkatao upang sindakin.

"You have seen me mad, but you haven't seen me kill someone. Mas dumiin ang hawak niya, kaya napadaing ako.

"A-aray bitawan mo ako!" Napangiwi ako sa sakit.

Lumandas ang kanina ko pang pinipigilang luha. Ito ang totoong siya, Viko didn't change at all; he fooled me and acted to gain my trust!

Ako naman, uto-uto! Napaniwala agad sa mga salita nito.

"I still have a little patience, Esme. Huwag mo nang sagarin baka hindi ako makapag pigil. I don't care whom you love; if you loathed me, the hell I fucking care with it! Kahit hindi mo ako mahalin dito kalang sa piling ko dahil hindi ka maaaring umalis. You'll be pregnant only with my child; only our child could be in your womb! You understand?!"

Fue MejorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon