Liana esperanza p'o'v"Hays..mag isa nalang ako ngayon.."usal ko sa sarili na nakatingin sa kisame.kahapon pa umalis si mom.Buong araw lang akong nasa bahay since na walang pasok. Sinubukan kong manood ng mga palabas at magbasa ng novel gaya ng nakagawian ngunit hindi ko maintindihan ang nangyayare dahil nakatuon ang aking isipan kay Alex.kailangan ko gumawa ng paraan para makatakas sya sa impyernong bahay ni Theo.
Di ko dapat patagalin baka ano pang mangyare sakanya.
Tumayo ako saaking kama.Sumilip ako saaking bintana at tinignan ang bahay ni Theo.patay ang ilaw sakanyang kwarto ngunit sa isang kwarto ay bukas ang ilaw.
Agaran akong bumaba at kumuha ng unan.ito nalang ang naiisip kong paraan.Lumabas ako ng bahay at pumunta patungo sakanyang bahay.Huminga muna ako ng malalim bago nag door bell.Nakatatlong ulit akong nag doorbell bago bumukas ang pinto."What are you doing here?"bungad nyang tanong.hindi ako kaagad nakasagot dahil nabigla ako sa bumungad saakin.Gaya ng una ko syang makilala ay nakatapis lang ito ng tiwalya sa baywang habang ang pang itaas nyang katawan ay walang saplot. Bumungad din ang nakabalandra nyang matitikas na abs dahilan para di kaagad ako makapagsalita.
Don't get me wrong!Hindi ko pinagnanasaan ang katawan ni Theo okay sadyang nagulat lang ako.Sino ba naman kasi ang magbubukas ng pinto na wala pang saplot?
"Are you here because you wanna see Alex again?"seryoso nyang tanong habang nakahulikipkip ang kamay at nakasandal sa pintuan.
This guy... Nevermind.
"H-hindi.. actually nandito ako kasi.."hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko.kinakabahan talaga ako sa plano ko pero wala na akong magagawa dahil nandito nako kaya kailangan ko ng panindigan toh.
You can do this Lian. Just for the sake of Alex!
"U-umh gusto ko sanang makitulog sayo..w-wala na kasi akong kasama sa bahay.."utal kong ani habang nakayuko.nakatingin lang sya saakin na parang nagtataka. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa na para bang hinuhusgahan ang buo kong pagkatao. Dahil sa kanyang titig ay mas nakaramdam ako ng kaba.
I guess he doesn't believe me.
"K-kung ayaw mo naman umh okay lang aalis nalang ak-
"Don't"napatingin ako sakanya ng ako'y kanyang pigilan.so papayag sya
"Seriously?you want to sleep with me?"nakangisi nyang tanong.namula ang aking pisngi sa di na waring dahilan.bakit ba kailangan nyang ngumisi na parang ang weird ng gusto kong mangyare?"Yeah..natatakot kasi akong matulog mag isa sa bahay.."kunwaring natatakot kong ani.hindi naman talaga ako takot mas takot pa ako sa lalakeng ito na akala mo angel yun pala kidnapper.
"Really?Natatakot ka sa bahay nyo pero sa sinasabi mong impyernong bahay hindi ka takot?"anas nya at bahagyang natawa ng mahina.Aminado naman pala talaga syang impyernong ang kanyang bahay paano demonyo ang may-ari.
Tsk,takot ako sayo oo pero dibale na kailangan kong maging matapang.
"Aminadong mas takot ako sayo!p-pero paano kung may pumasok na magnanakaw or mamamatay tao na katulad mo sa bahay ko?ayaw ko naman mamatay ng mas maaga. Tsaka isa pa-
"Shut your mouth or I'll be the one who will kill you instead. "anas nyang nakataas ang isang kilay marahil sa inis.siguro nainsulto sya sa sinabi ko.
Agaran akong tumahimik at naghintay sa kasunod nyang sasabihin."Wag kanang magsalita pa pumasok kana."anas nya pa at sya'y pumapasok sa loob.gaya ng sabi nya ay pumasok nadin ako sa loob."Umh saan ako matutulog?"tanong ko ng agad akong makapasok.
"You can sleep on my room."nakatalikod nyang sambit.Iniwas ko ang aking tingin dahil hindi ko gustong nakikita ang walang saplot nyang katawan.
BINABASA MO ANG
THE DEVIL IN DISGUISE
Mystery / ThrillerTheo, Smith Colton. a mysterious, pretentious and psycho guy.He is feared by everyone because of his dark past. he is also a man who can kill for the sake of his beloved what if he meets an innocent girl?who is his neighbor? a girl who thinks he's a...