*RIIIIIIIIIIIIIIIIING*
"SH*T! Bell na!" sabi ni Hugo sabay tayo sa stone table na tinatambayan namin bago magstart ang klase.
"Teka teka! Mabilis lang to!! Aatack lang ako..." Pahabol ni Peds habang dinudutdot ang phone niya.
" Bahala ka nga diyan! Ayokong malate sa unang araw ng klase noh!" Sabi ni Just habang sinusukbit niya ang backpack niya.
"Sabay na ko sa'yo, Just" sabi ko sabay inat ng katawan ko.
"Dre, nagpapapayat ka ba?" Tanong saakin ni Popoy. Napatingin ako sakanya ng di oras ng puno ng pagtataka at nakita ko ang mukha niyang puno rin ng pagtataka. Shet laleeem.
"Huh? Ah...Hindi. Bakit?"
Ngumisi siya saakin.
"Tatanungin ko sana kung kelan mo balak. Hapit na kasi pants mo."
Pinagtawanan ako ng barkada. Ayos.
" Ewan ko sainyo! Mga gago." sabi ko at umalis na sa tambayan.
Grabeee! Akala ko mapapansin na nilang pumayat ako! Grabe ang work out ko noong summer tas wala ring daw pinagbago? 1 kilo din ang nabawas saakin! Tas di man lang nila napansin?
" ANDRES!" Naglalakad ako sa corridor ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
" Ano?"
Si Justine B. Marquez, or just Just katulad ng parati niyang sinasabi. Siya lang ang tanging tumatawag saakin ng Andres. Naaasiwa nga ako eh, pero may lahing mapilit si Just. Mas trip niya daw ang Andres kesa sa Dere. Nakakadiri daw kasi. Di naman di ba?
" San ka pupunta?" Sabi niya saakin nang maabutan niya ako.
" Sa klase ko. Halata ba?"
Napatawa siya. Luh, baliw?
" So magkaklase ka pala sa banyo ng babae?"
Huh?
Tumalikod ako at nasa tapat pala ako ng girl's bathroom. Tumawa ulit si Just sabay akbay saakin.
" Grabe, naiyak ako dun. What a way to start a class." Sabi niya saakin nang mahimasmasan siya.
"Ewan ko sa'yo. Para kang baliw."
" Luh? Ikaw nga nagsasalita mag-isa habang papunta sa banyo ng babae eh! Sinong mas baliw saatin?"
Tinanggal ko na lang ang pagkaka-akbay niya saakin at umalis.
" Ano ba kasing iniisip mo ha? Aga-aga ang lalim na ng iniisip mo. Buti ako lang nakakakita sa katangahan mo." sabi niya saakin.
" Pwede ba? Tigilan mo ko ah. Tsaka, hindi katangahan yun. Lutang lang ako, bitin pa ako sa bakasyon."
"Weeh? Maniwala ako sa'yo!!"
"Para kang babae! Ang Chismosa mo!" Irita kong sabi sakanya at kumatok sa pintuan ng klase namin. Oo, namin. Magkaklase kami ng baliw na to.
Agad na bumukas ang pinto at iniluwa ang isang nakakatakot na halimaw na may walong galamay at matutulis na ngipin.
Joke.
" Good Morning, my dears! I assume that you are Mr. Marquez?" Tiningnan si Just ng isang matandang babaeng ng nakangiti ng pagkatamis-tamis na iniluwa ng pintuan. Tumango lang si Just.
" And Mr. Lilario?" Sabay tingin saakin.
" Yes. ma'am."
"Madame" sabi niya saakin
BINABASA MO ANG
Kilabot Ng Bayan (On Going)
HumorMinsan kailangan mong umasa, mangarap, at maniwala sa himala. Kahit mukhang imposible, basta't pursigido ka, magiging posible. Gagana kaya ang ganitong paniniwala sa isang "kilabot ng bayan" para makamit ang matamis na oo ng kaniyang iniibig?