Chapter 10: Registration

6.1K 204 8
                                    

Chapter 10: Registration

Pagkapasok namin sa Royal Capital hindi ko mapigilang hindi mamangha. It was so vast, may ibat-ibang kastilyo ang nagkalat, ibat-ibang bulaklak ang nagiging palamuti sa paligid, at ang mga daan, mga daan na tila ba gawa sa muwebles.

This is amazing! Kung maganda ang ibang mga bayan mas maganda ang Royal Capital. Maaring isa sa dahilan ay dahil mga royalty ang nakatira dito.

"It was awesome, Haruka diba?" biglang sigaw ni Kura sa gilid ko.

Hindi ko mapigilang hindi mapatango sa sinabi ni Kura ngunit ngumuso lang ito sa sagot ko.

"Ano ba 'yan? Ngumiti ka naman, Haruka!" nakanguso na sigaw niya. Hindi ko nalang ito pinansin at sumabay sa rumaragasang lakad ng mga taong nandito.

Lahat sila ay papunta sa ikatlong kastilyo, kung bibilangin apat na kastilyo ang nandito. Ang tatlo kasama sa pupuntahan namin ngayon ay magkasing-haba habang ang natitirang isa ay ang natatangi. It was looming over others, pati ang kulay at taas nito nito at hindi basta-basta na tila natatakpan na ng ulap.

Bigla namang tinuro ni Fuma ang kastilyong natatangi sa apat. "Diyan nakatira ang Hari at Reyna nitong emperyo, Haruka. Habang ang natitira ay may kanya-kanyang (functions(."

"Ngayon papunta tayo sa isa sa pinakamalaking kastilyo na nandito. Hindi ko alam kung ilang libo ang pumunta ngayon para lang makapanood ng paligsahan." tila nasasabik na dagdag ni Kura.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Ilang libo?! I should expect it dahil sa kung gaano ka importante ang ganitong pangyayari sa Verdentia ngunit hindi ko parin mapigilang hindi magulat.

"Ano ba ang gagawin namin mamaya?" tanong ko sa kanila.

Sabay naman silang nagkibit-balikat. "Hindi namin alam eh, iba-iba ang ginagawa ng mga Captains taon-taon." sagot ni Fuma sa tanong ko.

Tumango naman si Kura sa sinabi niya, "Every year each captains decided kung anong paligsahan ang dapat gawin ng mga sumasali. Hindi namin alam kung sino ang captain na in charge ngayon." dagdag ni Kura.

Napatango naman ako sa sinabi nilang dalawa. Sabay kaming tatlong pumasok sa ikatlong kastilyo. Pagpasok namin sa loob unang bumungad sa akin ang nakalinyang mga indibidwal sa harap. Napatingin naman ako kina Kura at Fuma at sabay silang kumaway sa akin.

"Mauuna na kami sa loob, Haruka. You need to register first!" magiliw na sambit ni Kura at tinuro ang nasa likod ko. Napalingon naman ako sa likod at nakita ang babaeng nakaupo sa harap at ang mataas na linya sa harap niya.

"Maghahanap lang kami ng magandang mauupuan sa harap ng arena, fighting!" sigaw naman ni Fuma.

Matipid lang akong ngumiti sa kanila at tumango, sabay naman silang napanguso. "Parehas talaga kayo ni Capta---" agad napatakip ng bibig si Kura at hindi tinuloy ang sinabi niya. Napalaki naman ang mata ni Fuma at agad kinuha ang kamay ni Kura sabay takbo papalayo sa harap ko.

Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa papalayo nilang pigura. Malakas nalang akong napabuntong-hininga at humarap, ngunit mas lalong napakunot ang noo ko ng lahat sila ay pawang nakatitig sa akin. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinakalikod at hindi pinansin ang tinging ginagawad nila sa akin.

"You must be from a noble family. What's your name?" napalingon ako sa gilid ng biglang may nagsalita.

Bumungad naman sa akin ang nakangising mukha ng isang lalaki at babae. Ang babae ay nakasuot ng marangyang damit na halos umabot hanggang talampakan ang taas nito, habang ang lalaki ay nakasuot ng parang suit na naayon sa kulay ng kung anong suot ng babae.

Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon