SABI na eh. 'Yong bento box talaga. Napakamot ako ng ulo.
"Bakit kay Seb lang ang may design tapos sa'kin nothing?" May tono ng pagtatampo ang pagsasalita ni Sir U. Hindi siya nakatingin sa'kin so kitang-kita ko na naka-slight pout siya. Cute! Hahahaha.
"Sorry na," hinawakan ko ang braso niyang may fries at hinimas-himas. "Akala ko kasi mako-corny-han ka kung lalagyan ko ng design ang bento box mo. Now I know. 'Di bale, next time mas maganda na 'yong iyo. Okay na ba?"
Tumingin na siya sa'kin kaya nag-thumbs up ako. Hindi pa rin siya ngumingiti.
"Isa pa," sabi niya bago sumubo ng spaghetti. "Why is it that you reject my acts of service?"
Napaisip ako. Inalala ko lahat. Wala naman akong tinanggihan sa mga binibigay o ginagawa niya ah?
Nakita niya siguro na nahihirapan akong mag-throwback sa mga nangyari.
"Remember when I cooked breakfast tapos I offered to put food on your plate? Then I also asked kung anong gusto mong drinks so that I can get it for you pero you said na kaya mo namang gawin 'yon. I felt rejected and useless that time," Pinaikot-ikot niya ang tinidor sa spaghetti. "You always do things for me. I want to do things for you, too."
Napatingin ako kay Sir U na nakayuko at kumakain ng fries. Na-guilty naman ako. Gano'n na pala nararamdaman niya.
Huminga siya ng malalim. "That's why I treated you coldly. Alam ko it's wrong. I should've communicated what I felt. I'm sorry, Jackie."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang tumingin sa mga mata ko si Sir U. Ramdam ko 'yong sincerity ng apology niya.
"Pasensiya na rin Sir U," kumuha ako ng fries niya. "Hindi ako sanay na ako ang pinagsisilbihan. Mas sanay ako na ako ang gumagawa ng lahat. Hindi ako kumportable na ibang tao ang gumagawa ng mga bagay na kaya ko namang gawin."
Natahimik kaming dalawa. Hindi na 'ko nakatiis, ako na ang bumasag ng katahimikan.
"May gusto ka pa bang sabihin sa'kin, Sir U?"
Busy na siyang kumain ng burger kaya 'di niya ako nasagot agad. Mukha ring may sasabihin pa siya pero nagdadalawang-isip siya kung isu-spluk niya ba o dehins.
"I think," uminom muna siya ng coke na uminit na. "I'm getting jealous."
Tsk, sinasabi ko na nga ba talaga! Nahampas ko pa braso niya sa katuwaan ko na tama ang matagal ko nang hinala.
Nag-indian sit muna ako bago magsalita. "Sabi ko naman sa'yo Sir U, hindi ko aagawin si Brent! Oo, alam ko medyo close kami at lagi pang nag-aasaran pero wala talaga akong feelings sa kanya. As in!" Sa'yo lang naman ako may feelings ih.
Tumango siya. "I believe you."
Bakit feeling ko hindi?
Hinawakan ko ang kamay niya. "Salamat Sir U. Naging honest ka sa nararamdaman mo. Naa-appreciate ko 'yon."
Tinitigan niya ako. Enebe, kinikilig tuloy ako!
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Thank you, Jackie. Sorry din if I struggle in expressing my feelings."
Tinapik-tapik ko ang likod niya. "No worries, Sir U. Matututunan mo rin kung pa'no masabi ang feelings mo. Unti-unti lang, no pressure."
Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya.
*
Monday na naman. Ugh. As usual, maaga akong nagising at nagluto ng breakfast. Nagdagdag ako ng creamy mushroom soup para may mahigop na sabaw si Sir U.
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomanceWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...