Chapter 15

36 3 0
                                    

"Blooming ka ngayon ha?"

Iniabot ko kay Ale ang fifty pesos ko para sa isang yogurt. Parang buntot makasunod sa akin si Kae kasi nga, ang laki ng vacant niya ngayon.  Same university pa rin naman kami, different college nga lang.

"Anong sinasabi mo?"

"Anong sinasabi mo nyenye," panggagaya niya pa sa akin. Kainis naman! Bakit ba kasi nandito ang babaeng 'to.

"Huwag ka nga masyadong maniwala sa sinasabi ni Lewis." I rolled my eyes. Isa pa iyon! Bwesit talaga sa buhay ko ang chismoso na iyon. Kahit na nasa college of engineering siya, kaya pa rin magpakalat ng chismis tungkol sa amin ni Angelo kaya etong si Kae, naniniwala na sa kanya at kung ano-ano na ang sinasabi.

"Bakit? Hindi ba totoo?" Hinila pa ni Kae ang buhok ko kaya gumanti ako!

"Ano? Talagang itatago mo sa akin 'to?" Nakataas na ang kilay niya.

I sighed.

"Fine!"

Hindi ko pa nga nasasabi, tumili na siya kaya agad kong tinakpan ang bunganga niya kasi nakakahiya! Pinagtitinginan na kami ng lahat!

"Kae!" Pinalo niya pa ang kamay ko tapos gumagalaw ang balikat niya kasi tawang-tawa siya. Nakakahiya!

"Tumigil ka nga..."

"You gave your virginity?!" She whispered. "Talagang kinain ka ng kalandian mo, Ellisa? Talagang sinuko mo tapos wala kayong label?"

Ngumuso ako. "May label na kami. Boyfriend ko na siya."

Tumili na naman siya. Kaya bago pa kami magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan, hinila ko na palabas ng cafeteria si Kae.

I glared at her. Sinisita ko siya kasi talagang nakakahiya. Gusto niyang pag-usapan ang nangyari pero 'di ko pa rin keri iyon. First time ko kaya medyo 'di pa makapal ang mukha ko sa topic na iyon.

"Ingat ka lang, girl. Baka mamaya madehado ka ng nine months," aniya.

"Gaga. Safe sex naman..."

"Nah! Mag pills ka na..."

Naisip ko nga iyon. Hindi lang talaga ako nakakalugar kasi nga busy ako at saka, hindi naman kami sexually active ni Angelo. Hindi pa naman nasundan iyon dahil busy din siya. Hindi nga namin pinag-uusapan kasi nga nahihiya rin siya.

But Kae was right. Mabuti na iyong safe.

"Bibili ako mamaya," I said.

Tumunog ang bell ng College of Education kaya nagpaalam na si Kae sa akin. Dumiretso agad ako sa visual studio para asikasuhin iyong hindi ko pa natatapos na piece. Bale midterm exam namin iyon at may dalawang buwan ako para matapos ang portrait na iyon.

Abala ako sa hapong iyon. Exactly five o'clock na nang nag-vibrate ang phone ko. I received a message from my boyfriend kaya agad na akong nagligpit at nagpaalam sa mga kasama ko.

"Hi!"

Tumakbo ako at agad na sinalubong ang yakap niya. He's wearing his reading glasses tapos naka formal attire siya ngayon. I guess, may ganap ang session nila. Nagrereklamo nga siya lately kasi sa dami ng cases na pinapa-analyze and articles na pinapabasa sa kanila. Matalino naman siya at alam kong kaya niya naman pero napapagod rin naman siya.

"Another debate?"

Pagod siyang tumango. "Yeah. Kakapagod nga, e. I deserve a kiss." Ngumuso pa siya kaya pinatakan ko na ng halik. Kawawa naman kasi.

I chuckled. "You did well, baby." I patted his head at para talaga siyang aso sa kaamuhan ng mukha niya.

"Let's eat."

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon