Chapter 16

35 2 0
                                    

"This one is for you."

Suminghap ako. I panicked a bit and placed his phone bago pa niya makitang binabasa ko ang message niya.

Inabot niya sa akin ang buko juice at kinain ang buko pie niya. Takam na takam siya kaya hindi na siya makapaghintay at kinain niya na talaga.

His phone vibrated again. Napatingin na ako ro'n kasi kinuha niya na para basahin ang message. I slowly glanced at him and in just a couple of seconds, biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"A-Are you okay?" Pagmamaang-maangan ko.

Nawalan siya ng ganang kumain. Itinabi niya ang kinakain niya bago pinaandar ulit ang sasakyan.

"I'm heading you home..."

Parang kinurot ang puso ko. I looked away and... expected it. Iba talaga kapag si Nikki na ang pinag-uusapan.

Nilingon ko ang bintana. Hindi niya sinagot ang tanong ko pero alam kong text message ni Nikki ang nabasa niya.

Tahimik na kami. Parang biglang namatay iyong excitement na meron kami kanina. Parang hindi kami na-excite kanina kung saan kakain. Hindi naman talaga ako gutom kasi nagdadahilan lang ako para hindi niya makita na nasa school namin si Nikki at Keiran. Pero eto pa rin talaga ang nangyari.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng 7 eleven. He unfastened his seatbelt and told me to stay put. Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang 'di niya na iniwan ang cellphone niya at nagpaalam na may bibilhin lang.

"Shit naman!" I covered my face kasi nanunubig na ang mga mata ko. "Nagmumukha naman akong tanga dito eh! Bakit ko pa ba kasi sinisiksik ang sarili ko!"

I was shouting inside. Gusto kong magwala. Gusto kong magmura. Gusto kong lumabas nalang ng sasakyan niya at iwan siya pero... hindi ko magawa.

Kasi baka hayaan niya lang ako.

Baka piliin niya si Nikki.

Paano ako?

I took a deep breathe. I could do better next time. Baka mamaya, may kailangan lang si Nikki... kailangan niya si Angelo. Baka mamaya, praning lang ako.

Angelo went back after a minutes. May dala na siyang malaking supot at nilagay iyon sa likuran. Nilingon ko pa iyon pero hindi ko nakita ang laman no'n.

Hinatid ako ni Angelo pauwi nang walang sinasabi. At nong nasa tapat na kami ng gate namin, I unlocked the car but he pulled my hand.

"I'm sorry. May emergency lang sa school," he whispered.

At least, hindi siya nagsinungaling na babalik siya ng school.

I smiled weakly. "Sa bahay nalang ako kakain. I'm not that kind of hungry naman... nakatulong naman iyong buko juice."

Gumalaw ang panga niya at ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

"I'm sorry... babawi ako bukas."

Tumango ako.

"Ingat ka."

Ako na iyong bumawi sa kamay ko bago tuluyang isinara ang pinto.

Pag-akyat ko ng kwarto, hindi ko napigilan at umiyak ako nang umiyak. I can't take it anymore. Ang bigat-bigat sa dibdib kasi feeling ko, ako naman iyong girlfriend pero feeling ko, ako iyong dapat masanay o mag-adjust kung magkikita sila o may contact sila sa isa't-isa.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

Sa sobrang sama ng loob ko, hindi ko nagawang sagutin ang tawag niya. Gusto ko munang hayaan niya ako. I don't want to hear his voice!

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon