Para sa mga taong nasaktan, umiyak at naiwan. Para sa mga taong nagmahal at napunta sa wala ang lahat.Kung naniniwala ka sa forever pwes basahin mo to.-SJ
Magmamahal. Masasaktan. Isang malaking bilog ang relasyon. Tataas, bababa. Ganun lang. Palagi naman. Pero may iilan na maswerte sa pag-ibig nagtatapos sa kasalan at I DO. Pero ang iba? Katulad ko? Sa hiwalayan. Iiyak ng sobra-sobra. Magbibilang ka ng ilang buwan o taon bago makamove on. Samantalang yung eks mo ayun nagbibilang din ng girlfriend.
Ang saya no? Ang unfair. Iniisip ko tuloy kung lalaki ba o babae si Cupid? Bakit kaming babae lang ang naiiwan at nasasaktan palagi. Bakit kami nagagamit or in a way feeling namin nagamit kami.
Sa paanong paraan? Marami. I-ienumerate ko pa ba? Isa sa mga major na dahilan kung bakit feeling namin na gamit kami is SEX. Yes after kang makuha especially kung ang babae ay isang virgin o may pagpapahalaga sa usaping sexual ay nakakaramdam talaga ng feeling na nagamit sila. Hindi naman lahat tanga o boba para hindi malaman na niloloko sila.
May kasabihan nga na 'Kung ayaw mo maloko, wag kang magpaloko'. Pero let's put this way and enter the "what if's".
What if magaling lang talaga magsinungaling ang lalaki o babae.
What if mahal mo lang talaga ang partner mo kaya kahit alam mo na sige ka pa.
What if tanga ka lang talaga.
What if bulag ka lang talaga.
Kung tatanungin niyo ako. Isa ba ako sa kanila? Oo. Yes i am one of those girls na tanga, bobo, uto-uto at naging baliw sa pag-ibig. Ilang beses ba akong nagkaganun? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.. Hindi ko na mabilang. Ang laking gaga ko no? Hindi na ako natuto noong unang beses ko palang naranasan. Umulit pa ako. Umulit ng umulit hanggang sa narealise ko ako pala ang talo. Bukod sa talong-talo na ako naabuso pa ang pagkababae ko. Bakit ngayon ko lang na realise? Kasi nga tanga ako. Inaamin ko yun isa akong malaking tanga sa pag-ibig.
Umaasa na makikita si Mr. Right at ang walang kwenta na si forever. Kaya heto ang kinahantungan ko. Nganga.
Naalala ko tuloy ang first heartbreak ko kung bakit kami nagbreak ni Deo. Ang first boyfriend ko. May problema ba saakin? Ano? Then nagboyfriend ako ulit. Paulit-ulit lang ang nangyayari. Magiging kami at magbrebreak din. Hanggang sa nakilala ko ang dalawang taong nakapagparealise saakin na isa nga akong malaking tanga. Isang napaka walang kwenta na girlfriend.
December 2011
Ang taong kung kailan naging kami ni Yabang ( not his true name ) yeah mayabang siya pero naging kami. Sabi nga diba love is blind. Dalawang buwan lang nagtagal ang relasyon namin. Nagbreak kami ng malaman ko na sinubukan lang pala niya ako. Isang malaking trip niya lang ako. Sempre tanga ako ULIT kaya heto iiyak at mag-iisip na naman ng kung ano-ano.
Bago kami naghiwalay tumatak sa isipan ko ang sinabi nito.
'Matalino ka nga sa academics sa school natin. Pero pagdating sa lalaki ang bobobo mo at uto-uto ka pa.'
'Ginamit lang kita'
'Pinagpustahan ka lang namin kung kakagat ka ba o hindi. Sad to say pumatol ka' tumawa ito at sinampal siya. Nung mga panahon na yun? Shocked? Oo shock na shock.
Right after nalaman ng mga kaibigan ko. Kinompronta nila ang eks ko. How dare he? Natapos ang taon noong nag-aaral pa ako at nakagraduate ang mga kaibigan ko pati na ang eks ko. Naiwan ako mag-isa at mag-isang nagbilang ng araw, linggo, buwan at taon.