(point of view will be written in third-person's and first person's)
ISANG malakas na pagsabog ang narinig niya kaya't agad siyang nagising mula sa pagkakatulog at napabalikwas sa pagbangon.
Sa ilang araw na pananahimik ng mga kalaban niya, talagang ngayong madaling araw pa nila nakuhang sumugod? Wala pa yatang tatlong oras siyang nakakatulog.
Dahil sa nakakabinging pagsabog ay gising na gising ang diwa niya. Sa sobrang pagkagising ay gusto niyang pumatay, sunugin ng buhay, hatiin sa piraso ang katawan, dahil sa pang-iistorbo sa pamamahinga niya.
Tanging pagtulog na lamang ang kaniyang pahinga, pati ba naman iyon ay ipagkakait pa sa kaniya. Hindi naman siya yung tipong kaya na walang tulog. Tanga lang siguro ang hindi matutulog at papabayaan ang sarili pero naghahangad na maging malakas.
Hindi siya gano'n. Hindi dahil napapagod, natutulog, kumakain ay ibig sabihin mahina na siya. Hindi gano'n. Kung nais mo talaga maging malakas, 'wag lang puro yabang at kapabayaan sa sarili ang matutunan.
Fuck, anong gulo na naman ba ito?
Umalis siya sa kama. Nagmadaling kinuha ang baril niyang nakadikit sa ilalim nito.
Agad naman siyang napayuko ng biglaang nabasag ang babasagin niyang sliding door sa may balkonahe kaya naalarma siya.
Ang dami niyang naririnig na nangyayari sa loob at labas ng bahay. Barilan, tunog ng chopper, sigawan ng mga tauhan niya at mga yabag na parang kaaapak lang ng mga ito sa may balkonahe.
Nasanay na siya sa ganitong pamumuhay, laging hinahabol ng kamatayan kaya hindi na siya takot o bago sa mga nangyayari ngayon.
Ngunit ngayon ay nagngingit-ngit siya sa pagkapikon dahil sa mga lapastangang sumira sa maganda niyang tulog.
Wala talagang pinipiling oras ang mga ito. Kahit madaling araw ay ginagambala pa rin siya. Sisiguraduhin niya na hindi magiging madali ang pagslang niya rito.
Nang marinig niyang nakaposisyon na ang mga ito sa loob ng kwarto niya ay wala siyang takot na tumayo mula sa tabi ng kamang pinagtataguan niya.
"Lady C..." Nakangising pagbati sa kaniya ng lalaki.
Hindi siya tumugon. Tahimik lang niyang pinagmasdan ang tusong pinuno ng grupo. Lahat sila armado at nakatutok ang baril sa kanya.
Tama nga ang hula niya na si Radian nga ito. Kahit sa maikling panahon na nakasama niya ang lalaki, alam na niyang hindi ito titigil sa gustong makuha mula sa kanya.
Ngayon ay may lakas pa itong lusubin ang bahay niya. Pinagbigyan na niya ito no'ng umpisa pa lang. Nagtuos na rin sila pero hindi niya ito pinatay.
Noon iyon, ngayon ay kahit ilibing niya na ito ng buhay. Talagang walang kadala-dala.
"Talagang sumugod kayo sa bahay, habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ko. Sa tingin mo ba kahit kalahati pa ng mga tauhan nyo ang ipadala mo rito ay mapapatay mo ako ng ganong kadali?" Mahinhin ang boses niya.
Umalingaw-ngaw naman ang tawa ng lalaki sa buong kwarto niya.
"You're just like a female version of your father. Both has an angelic face but the different one."
She may look like an angel, but she have those strong features just like her eyes that held a powerful aura.
Normal na mata lang ang meron siya, ngunit maraming kumakalaban sa kanya dahil lang roon.