Nakatambay siya sa hardin ngayon. Sinisilayan ang unti-unting paglubog ng araw.
Maya-maya ay alam niyang tatawagin na siya isa sa dalwang makulit na kasama niya para ayain kumain, kaya sinamantala niya muna na narito siya sa labas. Nakakarindi na rin ang kaingayan ni Lyndon at Logan na wala ng ibang ginawa kun'di ang magtalakan.
Nais niyang mapag-isa. Nakakarindi ang katahimikan, at ito ang gusto niya. Katahimikang nagpapakalma sa kanya habang nakatingin sa kalangitan na unti-unting magdidilim.
Nagawi ang tingin niya kay Lander na kakarating lang ng hardin. Papunta ito sa kaniya.
"What?" Pagsusungit ang ibinungad niya dito. Yumakap ito sa kanya. Hindi na siya nagulat nang gawin nito iyon. Hindi na bago ang gawaing ito sa kanya.
Naramdaman niya ang pamamasa ng damit niya.
'Really? Umiiyak na naman siya? Hindi ko naman siya sinasaktan'
"Masakit po ba? Nasasaktan po ba ikaw lagi?" Nakakapit ito sa damit niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Siguro ang tinutukoy nito ay ang daplis na natamo niya kahapon.
She smiled faintly, "I see... you're talking about this. I'm fine. It looks bad but it doesn't hurt. It's not as bad as it looks."
"Simula po ng una kitang makita, kita ko sa mga mata mo kung ga'no ka kalungkot. Bakas sa mukha mo na ang sobrang sakit, na nasasaktan ka. Yung mga mata mo po ay parang tulad ng akin. Mukha silang malungkot, nasasaktan, laging nag-iisa... na parang hindi mo matiis. Iyon ang dahilan kung bakit... k-kung bakit..." Hindi na nito naituloy ang sinasabi sa pag-iyak.
Napasinghap siya, kasabay niyon ang pagbalik ng alaala niya noong una silang nagkita. Nakayapos ito sa kanya habang siya naman ay sinasaktan at pinagtutulakan lang ito palayo.
'I... I was the one who was being embraced. The CAROMEN robbed us of everything and we were betrayed and abandoned by those people we trusted. We ended up in our respective places, not knowing how to live. Coming from similar circumstances, we share the same suffering. At that moment, although he was trembling from fear himself, he embraced me with all his might.... because I was in pain just like him. And that was essentially what he wanted others to do for him.'
Hindi pa rin siya makakilos habang inaalala niya ang ginawa niya dito. Hindi niya namalayang may luhang lumandas sa pisngi niya habang tulala siya.
'How could I be so stupid for not noticing?'
Dahan-dahan siyang napaluhod. Kasabay niyon ang pagyakap niya dito. Burrying her face on his neck as they both kneeled, crying their hearts out, quietly.
'This young boy, who knows nothing about this world, and my world, has taught me that tears can flow from these amber eyes. That even a strong, heartless, cold-blooded woman like me can shed tears.'
LUMIPAS ang dalwang buwan ay pahirap na ng pahirap ang ginagawa ni Aquiro.
Sa tuwing wala siya ay sina Logan at Lyndon ang umaalila dito. Hindi naman niya tinutulan ang kahit anong ginagawa ng mga ito dahil may importante pa siyang inaasikaso.
Naglalakad siya ngayon pabalik ng kwarto. Hindi inaasahang nakita na bukas ang pinto ni Aquiro kaya nagtaka siya.
Isa sa mahigpit niyang bilin dito ay sa tuwing wala siya o pag kasama niya ang dalwang lalaki ay lagi itong magsara ng pinto sa baba o sa kwarto.
Hindi na siya pumasok ro'n, tuluyan na siyang bumalik ng kanyang kwarto.
Habang naliligo ay matagal na rin niyang naisip ang isang bagay. Napapansin niya na kahit labis na ang pagpapahirap kay Aquiro ay hindi labag sa kalooban itong sumusunod, payag itong magpaalila sa
kanya.