Kabanata 3

2.7K 78 8
                                    

Kabanata 3

Whispered

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain siya. Nakatayo sa gilid at maingat sa bawat kilos. Baka mamaya, kapag tumingin siya sa akin, magalit na naman. Takot na akong makita siyang galit. Para akong tuta na gustong tumakbo palayo. Hindi ko kayang harapin ang ganitong ugali. Kung hindi nga lang malaki ang sweldo, hinding-hindi ko 'to papasukin.

Ganito talaga ang buhay ng isang mahirap. Lahat gagawin magkaroon lang ng pera. Sa buhay kong ito, napagtanto kong mahalaga talaga ang pera sa isang tao. Iyon ang kailangan ko. Kailangan namin ng pera ni Auntie. Kailangan ko siyang tulungan. Ang pangit maging mahirap. Napakadaya ng buhay. Napakadaya mabuhay ng mahirap. Kaya gagawin ko ang lahat para mabuhay kami ni Auntie. Kahit ganito ang ugali ni sir Clive, titiisin ko.

"I'm done." he said coldly.

Napahinga ako ng malalim. Maingat akong lumapit sa kanya at niligpit ang kanyang pinagkainan. Pagkatapos kong linisin ang lahat, umalis na ako para ibaba ang pinagkainan niya. Kalalapag ko palang ng mga dala ko ng magsalita si sir Clive sa intercom.

"I want to take a bath. Come back here." sa parehong boses.

I sighed heavily. Wala akong nagawa kundi bumalik agad sa taas. Buti nalang talaga may elevator dito. Kung wala baka kanina pa ako lupaypay sa pagod kakaakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto niya at muling naabutan na wala na siyang suot na damit. Napapaisip talaga ako, hindi siya nakakapag-gym pero yung katawan niya sobrang ganda. Paano kaya naging ganito ang katawan niya? Siguro lahi na rin nila ang pagkakaroon ng magandang katawan.

Napakabait ng Panginoon sa kanila. Biniyayaan ng yaman at itsura. Wala ng hahanapin sa kanila. Pero para sa akin, hindi magiging swerte ang babaeng mamahalin ni sir Clive, sa ugali niyang ganyan at pagiging bossy, hindi magiging masaya ang babaeng mamahalin niya. Buti nalang at hindi ako nahuhumaling sa katulad nila. Sa dami ng mga lalaking umakyat ng ligaw sa akin sa school, hindi ko yon binigyan ng pansin. Wala sa bokabolaryo ko ang pagkakaroon ng boyfriend.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang damit niya. Ramdam na ramdam ko ang malalim na titig sa akin ni sir Clive. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na ako sa banyo upang ayusin ang bathtub niya. Pinuno ko ng tubig ang tub at nilagyan ng body scent niya. Muli akong lumabas upang dalhin siya sa loob. Ganoon pa rin ang tingin niya sa akin. Nilagay ko ang braso niya sa balikat ko at niyakap ko na ang baywang niya upang matayo ko siya. Mabigat si sir Clive, mahirap para sa akin dahil babae ako pero ramdam ko naman na hindi binubuhos ni sir ang kanyang bigat sa akin.

Pinaupo ko muna siya sa gilid ng tub. Kailangan kong tanggalin ang suot niyang short at brief. Kahit sobra akong naiilang kasi first time kong gagawin 'to sa lalaki, kailangan ko pa ring gawin kasi ako ang personal maid niya. Walang ibang gagawa nito kundi ako lang. Nakatitig siya sa akin habang dahan-dahan kong hinuhubad ang kanyang short kasama ang brief. Hindi ako tumingin sa kanyang pagkalalaki. Pero ramdam ko ang malalim niyang tingin sa akin.

"Bakit ayaw mong tumingin sa akin?" in his husky bedroom voice.

Napalunok ako.

"S-sir..."

"I said, look at me, Narissa." otoridad niyang sabi.

Wala akong nagawa kundi tumingin sa kanyang mga mata. Halos mahiya ako habang magkatitigan kami. Sobra akong nilalamon ng kanyang malalim na mga mata.

"Alam kong walang lalaki na lumapit at sumubok na maging girlfriend ka. I know it, Narissa." aniya habang nakatitig sa akin.

Napakunot ang noo ko. Bakit niya alam 'yon?

"Alam ko buong buhay mo. Alam kong walang lalaki ang gustong umagaw sayo. Walang lalaki ang aagaw sayo dahil alam nilang markado na ang pangalan mo sa akin, Narissa." he said while smirking.

Umiling ako at tumayo dahil ngayon sobra na akong naki-creepy sa kanya.

"A-ano po ba yang pinagsasabi mo sir?" utal kong tanong.

He smirked.

"No one will love you the way I do. No one, Narissa."

Napanganga nalang ako habang nakatingin sa kanya. Baliw nga talaga siguro si sir Clive. Kung ano-ano nalang ang sinasabi. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi 'to.

"S-sir, hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Kailangan niyo na po matapos para makatulog na po kayo." mahina kong sagot.

He smirked. Ngayon napatingin na ako sa kanyang kahabaan. Nagulat ako pero hindi ko 'yon pinakita kay sir. Sobra ngang biniyayaan ang lalaking ito. Mayaman na nga, gwapo at biniyayaan pa sa alaga.

Maingat ko siyang pinaupo sa tub. Kailangan niyang makatulog ng maayos kasi iyon ang sabi ni Madame sa akin. May oras ang kanyang pagtulog at paggising. Maging sa pagkain at pag-inom niya ng gamot. Ako na ang nagsabon sa kanya. Pati sa pagbanlaw ng kanyang katawan ay ginawa ko na. Nabasa rin ako kasi kailangan ko siyang alalayan.

After helping him, maingat ko siyang hiniga sa kanyang kama. I'm so tired. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa ginawa namin. Napahinga nalang ako ng malalim at muling tumingin sa kanya.

"After you wash yourself, bumalik ka dito. You will sleep here." he said authoritatively.

I nodded. He's my boss. Kung ano ang utos niya, kailangan kong sundin. Wala naman akong magagawa, this is my job.

Bumaba ako upang kumain muna. Minadali ko na ang pagkain kasi kailangan kong bumalik sa kwarto niya. Baka mamaya magsalita na naman yon sa intercom. I wash myself. Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas na ako sa banyo at tumingin kay sir Clive. He's sleeping now. Dito na rin ako sa kwarto niya naglinis ng katawan dahil nandito ng toiletries ko. Wala akong nagawa nung 'yon ang inutos niya sa ibang kasambahay dito.

Sabi niya sa sahig ako matutulog, walang unan at kumot kaya iyon ang gagawin ko. Maingat akong humiga sa sahig at tinanggap ang kapalaran na dito matutulog.

"Sleep beside me, Narissa." he said huskily.

Nagulat ako dahil gising pa pala siya. Napalunok at muling sumunod sa kanyang utos. Humiga ako sa tabi niya at maingat sa bawat kilos. Tumalikod ako sa kanya at pinikit ang mga mata. Ilang sandali na pagpikit ng mata, naramdaman ko ang kanyang braso na yumakap sa akin. Literal na laglag panga ako dahil sa kanyang pagyakap.

"You smell so good, hon." he whispered softly.



---
Copyright © Alexxtott2023

Costiño Series 16: One Hot Night (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon