Chapter 39 " KONSENSYA "

19 3 2
                                    


CLAIRE'S POV:

Sikat ng araw mula sa nakabukas na bintana ang gumising sa aking mahimbing na pagkatulog. Agad kong iminulat ang mga mata ko at nagmasid sa paligid. Wala na si Reggie at tanging kumot lang ang nakabalot sa hubad kong katawan.

Unti unti kong naramdaman ang sakit ng ulo ko habang patuloy na inaalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ko lubos na maisip na basta ko na lang ibinigay ang sarili ko. At sa boyfriend pa ng besty ko." Ang sama mo Claire! Oo proxy ka ni Liza , pero di sa ganitong bagay! sabi ko sa sarili ko habang pumapatak ang mga luha ko.

Ilang sandali lang ay sunud sunod na doorbell ang aking narinig. Naisip kong baka si tita na iyon kaya nagmadali akong bumangon para mag-shower at mag ayos dahil hindi nya ako pwedeng makita sa ganitong kalagayan.

Sa aking pagbangon ay ramdam na ramdam ko ang matinding sakit sa aking ibabang bahagi maging ang bigat ng buong katawan ko dulot ng nangyari kagabi . Pero pinilit ko pa rin kahit paika ika akong maglakad.

Matapos kong mag-shower ay nilinis ko ang aking kwarto.
Nakakalat pa rin kasi ang mga hinubad kong damit doon at malamang rin naman na nakapasok na si tita at nagluluto na ngayon. Ganon kasi sya kapag dumadalaw sa akin.

Pababa na ako ng makita ko ang sulat sa side table ko. Agad ko itong kinuha at binasa. Galing ito kay Reggie.

" I'm sorry Claire, I admit I was a bit impulsive last night. I made a big mistake, both of us. But I have to admit, that was one of the best things that happened in my life. But then,
I realized that, I can't lose Liza . I love her so much . I'm really sorry and thank you for everything."

Bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. Sa pangyayaring ito ay ako ang talo. I committed a sin with my best friend and I gave my virginity to a man who loved someone else.

Muling napukaw ang atensyon ko nang marinig kong muli ang doorbell. " Mukhang hindi si tita ang dumating kanina" nasabi ko na lang sa sarili ko habang pinilit kong lumakad ng diretso para buksan ang pintuan. Kailangang maitago ko ang aking sitwasyon kahit kanino.

Gayon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko kung sino ang nagdo-doorbell kanina pa.

" Li... Liza, nauutal ko pang wika

Maramis na ngiti at mahigpit na yakap ang iginawad nya sa akin.

" Finally! binuksan mo rin ang pinto. How are you? malambing nyang bati sa akin. " I called you yesterday pero di ka naman sumasagot. So I asked your tita last night. Sabi nya baka daw nagtuloy yung lagnat mo kaya heto pumunta ako to check up on you, dagdag pa nyang sabi.

Natulala ako at di nakapagsalita. Tanging takot at pangamba ang magkahalo kong naramdaman ng mga sandaling iyon.

Maging ang pagbuhos ng mga luha ko ay di ko na napigilan. Hiyang hiya ako sa bestfriend ko dahil kataksilang ginawa namin sa kanya ni Reggie.

" Why are you crying? Masama talaga siguro ang pakiramdam mo, ano?Hm, tara, iinitin ko lang 'tong mga pagkain na dala ko para makakain ka, nakangiti nyang sabi sa akin.

Inalalayan nya ako papasok sa loob at pinaupo sa sofa. Laking gulat nya ng makita ang ilang mga basyo ng bote ng alak sa sahig na nakakalat. Tiningnan nya ako na naka kunot ang noo.
Nanlamig ang mga kamay ko at bumukal ang pawis sa buong katawan ko .

Wala akong nagawa kundi yumuko dahil sa sobrang kahihiyan. Naalala ko na aksidente naming natabig
ang mga boteng yun kagabi
nung kasalukuyang kami'y naghahalikan.

" Mukha ngang malaki ang problema mo ah, pero sana hindi ka na lang uminom, panenermon nya sa akin.
" Just wait her. Initin ko lng yung mga pagkaing dala ko, pahabol pa nyang sabi habang nililinis ang mga bote sa sahig.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon